Chapter 10: May Paraan pa nga ba?

12 2 0
                                    

Nauubusan na ng panahon pati na rin ang lakas ang mga natitira pang buhay sa bahay na iyon. Tila wala na silang maisip na paraan kung paano pa makakalabas at hinihintay na lang nila ang kanilang wakas.

"Ano hihintayin na lang ba natin na mamatay tayong lahat diba talaga tayo gagawa ng paraan?" wika ni Newwie. "Sige may naiisip ka ba Newwie?" tanong ni Ohm. "Lahat tayo kinakabahan di natin alam kung ano pa ang pwedeng mangyari at kung sino pa yung mawawala." sabad ni Mean. "Kaya pwede ba wag pairalin ang init ng ulo. Mag isip kung ano pwedeng gawin." dagdag ni Mean.

Nilibot ni Tul ang paligid ng sala nagbabakasali makakita sya ng isang bagay na maaari nilang labasan ngunit nabigo lang ang inhinyero.

"Wala talaga kahit anong gawin kong hanap wala talagang labasan sa bahay na ito. Maliban sa dalawang pinto. Yung sa kusina saka ito." tugon ni Tul. Tila ang lahat ay nawalan na ng pag asa.

"Ipagpasabukas na natin uli ang paghahanap ng paraan para makalabas dito. Magpahinga muna tayo." wika ni Joss. "Basta may dalawang gising na magbabantay kada oras. "Kami muna ni Newwie ang magbabantay." wika ni Joss. "Pagkatapos kayong magkapatid Gulf at Pawat kasama si Ohm ang susunod. God at Mean kayo sa ikatlo at ang huli kayo Krist at Tul." dagdag ni Joss. At sumang ayon ang lahat.

Natulog na nga ang pito at nagsimula ng magbantay si Newwie at Joss.

"Newwie sa tingin mo anong dahilan bakit nangyayari ito?" tanong ni Joss sa kasama. "Hindi ko rin maintindihan. Naguguluhan ako sa nangyayari." tugon ni Newwie. "Ano kaya ang koneksyon natin sa bawat isa bakit nagkasama sama tayo dito at hinihintay na lang ang katapusan ng buhay natin." tanong uli ni Joss. "Hindi naman siguro nagkataon lang ang lahat ng ito. Mukhang sinadya e." pagpapatuloy ni Joss. "Mukha nga." tugon ni Newwie. "Ang malaking tanong sino ang nagkokonekta sa ating lahat? Eh tila ngayon nagkita kita." pagpapatuloy ni Newwie. "Tulad nung si Krist anong koneksyon sa ating lahat nyan e galing pang hong kong yan. Sila Ohm, Zee, Boat at Perth galing naman sa ibang kolehiyo paano makakatugon sa atin yan. Si Mean isang model, anong koneksyon sa akin nya. Tanging si Tul, God, Pawat, Pluem at Gulf ang may koneksyon sa akin dito." dagdag ni Newwie. "Anong koneksyon sayo ng mga yun?" tanong ni Joss. "Si Tulpy at God kaibigan ko na yan high school pa lang. Si Pawat at Pluem mga estudyante ko dati. Si Gulf dahil kuya ni Pawat ayun nakakasalamuha ko na din. eh ikaw sa mga nandito sino may koneksyon sayo." tanong ni Newwie. "Si Mew bestfriend ko, si Singto at si Tay nakatrabaho ko na sila dati sa modeling agency kung saan ko nakilala sila Mean at Fluke.". tugon ni Joss. "Ibig sabihin yung magkakaibigang athletes, si Krist at si Max bakit sila nasama dito?" laking pagtataka ni Newwie. "Hindi ko na din alam naguguluhan na rin ako." wika ni Joss.

Makalipas ang dalawang oras ay ginising na nila Newwie at Joss ang hahalili sa kanila ang magkapatid na Gult at Pawat at ang swimmer na si Ohm at natulog na ang dalawa.

"Pawat dito ka lang wag kang lalayo sa akin." utos ni Gulf sa kapatid tumango ang si Pawat. Gaya ng napag usapan ng unang dalawa ay napag usapan din nilang tatlo ang nagyayari sa loob ng bahay. "Ohm sa tingin mo. Sinadya ito?" tanong ni Gulf sa tahimik na si Ohm. "Sa mga nangyari sa tingin ko OO." tugon ni Ohm. "Pero bakit?" tanong ni Gulf. "Hindi ko din alam lahat naman tayo nagtataka bakit tayo napasok dito sa gulo na ito e. " tugon ni Ohm. "Kuya gusto niyo magkape? Magtitimpla ako." tumayo si Pawat at naglakad patungo sa kusina. "Dito ka nga mamaya anjan yung pumapatay." utos ni Gulf sa kapatid. "Wala yun." at dumiretso si Pawat sa kusina. "Kulit din ng kapatid mo" wika ni Ohm. "Sinabi mo pa." tugon ni Gulf na tumayo upang sundan ang kapatid.

Nang biglang nakarinig sila ng nabasag mula sa kusina. Dali dali ng tumakbo si Gulf patungo sa kusina.

"Pawattttttt!!!!!!" sigaw ni Gulf na naging dahilan upang magising ang lahat. " Anong nangyari." tugon ni God na gulat na gulat. "Pasensya na nalaglag yung tasa." sagot ni Pawat na pinupulot isa isa ang basag na tasa. "Akala ko naman kung ano na." tugon ni Mean at bumalik na ang lahat sa sala. "Pinakaba mo ko dun Pawat." tugon ni Gulf. "Uy concern." biro ni Pawat sa Kuya. "Malamang malalagot ako kay Mama kapag may nangyari sayo." sagot ni Gulf. Lumakad si Pawat palabas ng kusina pagtapat sa kuya. "Umaasa ka pa bang makakalabas tayo rito? Mamamatay din tayong lahat di lang natin alam kung kailan." bulong ni Pawat sa Kuya. "Bawiin mo yan sinabi mo." galit na wika ni Gulf. "Nagsasabi lang ako ng totoo kuya, tingnan mo bukas may kasunod na si Ouajun." wika ni Pawat at naglakad patungo sa salas. Tumingin na lang si Gulf sa kapatid at sumunod pabalik ng sala.

Makalipas ang dalawang oras ay ginising na nila Ohm sila Mean at God upang magbantay. Habang papahiga ay nakatingin pa rin si Gulf sa kapatid na mula nung paglabas sa kusina ay nakatanaw na sa malayo. "Pawat okay ka lang?" tanong ni Gulf. Hindi kumibo ang nakakabata at tumalikod sa kanyang kuya. Umidlip na lang si Gulf.

Makalipas ang dalawang oras  ay sila Tul at Krist naman ang magbabantay. Alas kwatro na noon ng umaga kaya naisipan ng dalawa na sa kusina na sila umupo. Si Krist ay nagsimula ng magluto ng agahan samantalang si Tul ay nasa pintuan na nakatanaw sa mga kasama. Hindi nila alam sa oras na iyon mula sa labas ng bintana ay tinatanaw sila ng lalaking nakapula.

Sumapit ang ikaanim ng umaga, nagising na ang lahat sa kusina ay nakahanda na ang agahan. Unang pumunta si Mean sa kusina ay mula sa banyo narinig nya paglagaslas ng tubig. "Nakita niyo ba si Tul at Krist?" tanong ni Joss na kanina pa linga ng linga. "Baka sila yung naliligo. May tao sa banyo e." tugon ni Mean. "Baka nga. Hintayin na natin sila bago kumain." tugon ni Joss.

Makalipas ang kalahating oras ay walang lumalabas sa banyo. "Teka mukhang may mali." tugon ni God. Tumungo ito sa banyo at ng hawakan nya ang pinto ay bumukas ito at laking gulat niya ng makita nyang nakalubog sa tubig ang katawan ni Krist may tali sa katawan at tape sa bibig.

"KRISSTTTTTTTTTTT!!!!!!!" sigaw ni God at tumakbo ang lahat patungo sa banyo. Habang naglalakad "sabi sayo."wika ni Pawat sa Kuya. Napatingin na lang si Gulf sa kapatid.

Habang nasa banyo "Si Tul hanapin niyo, si tul." sigaw ni Newwie.

             -0-

Codename: REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon