Chapter 7: Ano ang Solusyon?

9 2 0
                                    

"Si Oreo nga iyon" wika ni Oaujun. "Kilala ko yung sapatos na yun." Pagpapatuloy nito. "Pero paano sya nakarating doon." wika ni Mean. "Naguguluhan na rin ako ano na ba ang nangyayari dito sa bahay na ito." wika ni Singto. Labis ang hinagpis ni Oaujun dahil hindi man lang nya mapuntahan ang bangkay ng kaibigan dahil nakalock sa labas ang bahay. "Ano bang kamalasan ang nangyayari sa atin?" tugon ni Gulf. "Dapat di na lang ako pumayag na sumama sa'yo e." sagot ni Pawat sa kapatid. "Huwag na tayong mag away pwede ba." singit ni Mew. "Ito na talaga ang madaling solusyon. Wala na talagang maghihiwa hiwalay pwede ba dito lang tayo lahat." tugon ni Joss.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pinagmamasdan ni Oaujun ang katawan ng kaibigan sa labas na tinatabunan ng mga buhangin at dahil sa lakas ng ulan ay unti unting bumabagsak sa lupa ang mga buhangin dahilan upang makita na nilang tuluyan ang katawan ng kaibigang si Oreo ang pinagtataka nila bakit may hawak si Oreo na ice pick. "Oreo." hinagpis ni Oaujun at inalo naman sya ni Pawat. 

Biglang kumidlat at nawalan ng kuryente sa buong bahay. "Lahat dito." tawag ni Krist na nasa malapit sa bintana na nagbibigay ng kaunting liwanag at bigla silang nakarinig na tila may bumagsak sa sahig. "Ano yun?" takot na wika ni Pawat. "Saglit" wika ni Tul kasama si Newwie at Max ay tinungo nila ang lugar kung saan may bumagsak. "Mag iingat kayo" utos ni God. Humahakbang ang tatlo ng biglang may nasipa si Newwie sa sahig. "Ano ito? wika ni Newwie. "Alin?" tanong ni Tul. "May nasisipa ako." tugon ni Newwie. Sinindi ni Tul ang flashlight ng kaniyang cellphone at laking gulat nila ng makitang nakahandusay si Perth sa sahig na duguan at may saksak ng ice pick sa likurang bahagi ng ulo.

"Perthhhhhhhhhhhhhhhhhhhh." sigaw ni Tul. 

"Anong nangyayari dyan?" tanong ni Singto. "Si Perth." sigaw ni Max. "Papaanong si Perth." tugon ni Ohm at dali daling tumakbo patungo kila Newwie at nakita nga niyang wala na buhay si Perth. "PERTTTTTTTTTTTTTTTTTHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!" hiyaw ni Ohm at ang lahat ang dali daling tumakbo patungo sa lugar at nakita nila ang bangkay ni Perth at lahat sila ay nanlumo. "Ano na ba talaga nangyayari?" tugon ni Pawat. "Guys." sigaw ni Oaujun dahilan upang makuha niya ang atensyon ang lahat. "Yung katawan ni Oreo nawawala." sigaw ni Oaujun. "Ano hindi ba nandoon lang iyon sa labas." wika ni Singto at tumakbo sila pabalik kay Oaujun. "Paanong mawawala iyon. Sino ang kukuha?" tanong ni God. Nagtagal ang lahat sa pag iisip ng maalala nilang naiwan nila ang katawan ni Perth. "Saglit si Perth." wika ni Ohm. Tumakbo ang lahat pabalik kay Perth at tama nga sila nawala na rin ang katawan ni Perth sa lugar at tanging lighter lamang ang nandoon. "Bakit may lighter dito?" tanong ni Joss. "Hindi kaya kay Perth yan?" sagot ni Mean. "Hindi. Hindi naman nainigarilyo si Perth." wika ni Ohm. "Baka sa pumapatay ito." wika ni Gulf. "Saglit may naalala ako." tumungo si Ohm sa bintana sa kusina kung saan tanaw nila ang pinaglibingan kay Zee. Laking gulat ni Ohm dahil tila may humukay ng lupang pinaglibingan kay Zee. "Guys." sigaw ni Ohm at nagtungo ang lahat kay Ohm. Tinuro ni Ohm ang pinaglibingan kay Zee at laking gulat ng lahat bakit nakabukas ang lupang ito. "Huwag niyong kinuha nya rin ang bangkay ni Zee mula sa hukay?" tanong ni Mean. "Malamang sa ganoon na nga." wika ni Tay.

"Saglit lang may napapansin ako, ilan tayo dito." wika ni God. "Pawat?" wika niya. "Ito ako." tugon ni Pawat. Tinawag isa isa ni God ang mga kasama. "Gulf, Mean, Singto,Tay , Newwie Krist, Ohm, Tul, Max, Oaujun, Joss," sumagot ang lahat. "Mew?" walang Mew na sumasagot. "Boat?" wala ding Boat na sumasagot. "Guys, wala si Mew at Boat nasaan sila?" tanong ni God. "Kasama ko lang kanina si Mew bago mawalan ng kuryente" wika ni Joss. "Si Boat katabi ko kanina." wika naman ni Ohm. "Huwag naman sana." usal ni God. Ang lahat ay alalang alala sa dalawang kaibigang nawawala.

Lumipas ang magdamag at hindi bumabalik si Mew at Boat at katulad ng nangyari kay Zee ay hindi na umaasa ang mga ito na babalik ng buhay ang dalawa. 

Nag aagaw na ang dilim at liwanag sa hapon ay wala talagang bakas ni Mew at Boat ang lumilitaw. Nagulat ang lahat ng biglang may malakas na liwanag na nagmumula sa bintana at tila may malaking apoy na nagaganap. Tumakbo ang mga ito sa bintana kung saan matatagpuan ang apoy at laking gulat nila ng makita nila si Boat na nakatali ng lubid sa bakal na nasa gitna na apoy. Kitang kita ng mga ito ang paghihirap ni Boat na tuluyan ng nilamon ng apoy. "BOAAAAAAAAAAAATTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTTT!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Ohm. "Hindi ko na kaya, nung isang araw si Zee, kagabi si Perth, ngayon si Boat. Kung sino ka mang dimonyo ka, isama mo na ako." paghihinagpis ni Ohm dahil isa isang nawala ang kanyang mga kaibigan nilapitan sya ni Krist at inalo. "Huwag kang ganyan Ohm, maniwala ka makakaligtas tayo dito." wika ni Krist. "Paano sige nga. Ipaliwanag mo." tugon ni Ohm. "Huwag na muna tayong magwatak watak pwede ba?" singit ni God. "Iniisa isa na tayo, mag aaway paba tayo?" pagpapatuloy nito. 

Habang nagsasalita ang mga ito ay may narinig silang pusa mula sa itaas. "Ano yun?" tanong ni Tay. "Tila may pusa sa itaas." tugon ni Newwie. "Ngunit paanong magkakapusa sa ganitong lugar." tugon ni Gulf. "Mabuti pa ay tingnan natin." tugon ni Singto at umakyat ang lahat sa ikalawang palapag. Hinanap nila ang huni ng pusa at natunton nila ito sa ikahuling kwarto ang unang kwarot ni Pawat at Pluem. Pagbukas ni Joss ng pintuan ay. "MEWWWWWWWWWWWWWWWWW??????????????????????????????????" Bumulaga ang katawan ni Mew na nakasabit ng lubid mula sa kisame at nakatanaw sa bintana. Hindi makagalaw ang mga ito sa nakita nilang iyon. "Walang mangyayari kung tatayo lang tayo dito. " at pumasok si God sa kwarto upang ibaba ang katawan ni Mew. Tinulungan sya ni Gulf at Tay sa pagbaba ng katawan ni Mew. Nang maibaba nila ito ay kinalong ito ni Joss at iniyakan.

                                                                                                -0-

Codename: REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon