Chapter 4 : Magmatiyag

18 3 0
                                    

Nagising ang lahat sa malakas na sigaw ni Pawat at dali dali silang nagpunta sa lugar kung nasaan si Pawat. Nilapitan siya ng kanyang kuyang si Gulf. "Pawat, anong nangyari?" tanong ni Gulf sa kapatid na tila tulala. "Pluem, si Pluem." sagot ni Pawat habang humihikbi. "Anong si Pluem?" tanong ni Kuya. "Si Pluem." sabay turo ni Pawat sa lugar kung nasaan si Pluem.

Nabigla ang lahat ng makita si Pluem na walang malay sa gilid ng refrigerator umaagos ang dugo mula sa kanyang kamay. Agad itong pinuntahan ni God upang pulsuhan. Binaba ni God ang kamay nito at umiling. "Patay na sya." wika ni God. "Ngunit bakit? Paano?" tanong ni Mew. "Sandali." wika ni Josh lumapit siya kay Pluem at kinuha ang hawak na basag na baso sa kamay ni Pluem. "Bakit may hawak syang basag na baso?" nagtatakang tanong ni Joss. "Hindi kaya nagpakamatay si Pluem?" tugon ni Tay. "Bakit naman sya magpapakamatay anong dahilan?" sagot ni Singto. Nagtataka ang lahat kung bakit gagawin ni Pluem ang bagay na ito.

Biglang kumibo si Pawat. "Hindi nya gagawin yan. Wala akong alam na problema ni Pluem para gawin nya yan." wika nito. "Sigurado ka ba? Alam mo ba ang lahat tungkol sa kanya?" wika ni Zee. "Sa akin nya lahat sinasabi kung may problema sya kaya alam ko." tugon ni Pawat. "Huwag na nga kayong mag away, kung pwede lang iayos na lang natin ang katawan ni Pluem." sabat ni Max. "Saan naman natin ito ilalagay?" tugon ni Boat. "Hindi rin tayo makakakontak sa ibang tao dahil walang signal dito." usal ni Tul. "Siguro ilibing na lang natin sya sa likod bahay at kapag nakaalis tayo dito saka natin sabihin ang tungkol dito." nagbigay ng ideya si Oaujun. "Yun na nga lang ang tama nating magagawa sa ngayon." sagot naman ni Oreo. Binuhat na nila ang bangkay ni Pluem ngunit parang may ibang naiisip si Fluke ng binuhat nila si Pluem palabas ng bahay. Iniwan nila saglit ang katawan ni Pluem sa labas upang humanap ng mga pwedeng gamitin sa paglilibing kay Pluem.

Makalipas ang ilang minuto, naunang lumabas si Mean. "Mga bro, bilisan niyo." tawag ni Mean sa mga kasama. "Bakit ba? Ano na naman nangyari?" tugon ni God. "Yung katawan ni Pluem nawawala dito. May naglibing naba sa kanya?" tanong ni Mean. "Wala diba nasa loob tayo lahat kanina." tugon ni Singto. "Ano bang nangyayari dito? Mukhang tama si Pluem na naset up tayo." wika ni Newwie.

Bumalik ang lahat sa loob ng bahay at naupo sa sala ng bahay. Ang lahat ay nagtataka kung saan napunta ang katawan ni Pluem. Biglang nagsalita si Mew "Hindi kaya kinuha sya ng mga asong gubat at ginawang hapunan." tugon ni Mew. Biglang humagulgol si Pawat sa narinig na pangungusap mula kay Mew. "Pwede ba maging sensitibo naman tayo sa mga bibitawan nating salita. May taong sobrang nasasaktan sa nangyari kay Pluem. " wika ni Gulf habang inaalo ang kapatid. "Sorry pero ano pa ba ang pwedeng mangyari wala namang ibang tao dito para kuhanin siya." tugon ni Mew.

Sa katahimikan ng lahat biglang kumibo si Fluke. "Mukhang hindi nagpakamatay si Pluem." wika nito. Nagulat ang lahat sa winika ni Fluke. "Ngunit kita naman natin may hawak syang basag na baso at may hiwa sya pulso." tugon ni Joss. "At ako mismo ang nakakita non." pagpapatuloy nya. "Kung talagang hiniwa nya ang kanyang pulso. Sana ay may bakas ng dugo ang kanyang kanang kamay diba? Ngunit wala, mayroong dugo sa baso pero sa kamay nya wala." paliwanag ni Fluke. "Napansin ko din iyon, kaya ako din ay nagtaka kanina kung totoo bang nagpakamatay sya. " sagot ni God. "Isa pa, Max at Tulpy nung binuhat natin ang katawan ni Pluem palabas ng bahay may napansin ba kayong kakaiba?" Tanong ni Fluke sa dalawa. Nag isip si Max at Tul at binalikan nila ang pangyayari habang buhat nila si Pluem. "May napansin nga ako." wika ni Tul. "Punong puno ng dugo ang ulo ni Pluem."pagpapatuloy ni Tul. "Kung nagpakamatay nga si Pluem bakit may dugo siya sa likod ng kanyang ulo at saka bakit may throw pillow sya na inuupuan?" muling paliwanag ni Fluke. "Baka naman nung pabagsak siya ay nauna ang kanyang ulo at bumagok sa pader." tugon ni Joss. "Ganoon kalakas? Kung mababagok ang ulo mo, hindi ito maglalabas ng ganoon kadaming dugo. Siguro magsusugat ngunit nung hawakan ko ang ulo ni Pluem kanina ay parang hinampas ito ng kung anong bagay. Yung throw pillow paano mo mapapaliwanag" pagpapatuloy ni Fluke. Lalong naguluhan ang lahat sa nangyayari sa loob ng bahay. "May kinalaman nga ba ang pagkamatay ni Pluem sa nais nyang sabihin kanina?" tanong ni Krist. "Hindi ba't sya ang nag iinsist sa atin kanina na set up ito? Bakit sya papatahimikin kung mali sya?" pagpapatuloy ni Krist.

Binalot ng katahimikan ang buong bahay  walang gustong magsalita tungkol sa ano nga ba ang totoong nangyayari sa paligid. Tila ang lahat ay naguguluhan.

Biglang namatay ang ilaw sa loob ng bahay, pinuntahan ni Tul ang bodega ng generator at sinubukang ayusin ang generator. Makalipas lamang ang ilang minuto ay naibalik na ang ilaw sa loob ng bahay. Muli ay malalim na katahimikan ang bumalot sa bahay.

"Masyado ng malalim ang gabi. Magpahinga na muna tayo. Bukas na natin isolve kung ano nangyari kay Pluem ipahinga muna natin ito." wika ni Mean. Pumayag ang lahat. "Pawat sa amin ka na sumama matulog." inaya ni Gulf si Pawat umayon na lamang ang kanyang kapatid.

Nasa nahimbing na pagtulog ang lahat ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto nila Fluke at Krist. Naalimpungatan si Fluke at nakita nyang may nakatayo sa kanyang harapan. "Ikaw?" usal ni Fluke. Hindi na nya nagawang gisingin si Krist dahil tinakpan na ng misteryosong tao ang kanyang mukha ng unan. Hanggang sa tuluyang nawalan ng hininga si Fluke.

Kinaumagahan, maagang bumangon si Krist upang magluto ng kanilang kakainin. Makalipas ang ilang oras ay nagsidatingan na ang lahat. "Luto na pala ang umagahan." wika ni Boat. "Sabay sabay na tayong kumain." wika ng naglutong si Krist. "Andito na ba ang lahat?" tanong ni Mew. "Si Fluke wala pa. Sandali at tatawagin ko." wika ni Singto.

Pagpasok ni Singto sa kwarto nila Fluke. "Fluke bangon na." sigaw ni Singto. Hindi kumibo si Fluke. Lumapit si Singto at inalog ang katawan ni Fluke biglang bumagsak ang katawan ni Fluke sa gilid ng kama. "Ayan ayaw kasi bumangon edi nalaglag kapa." tawa ni Singto. Ngunit hindi pa rin bumabangon si Fluke. Nagtataka na si Singto sa nangyayari kaya't inayos nya ang katawan ni Fluke laking gulat niya ng makitang maputla ang mukha ni Fluke. Kinapa nito ang pulso ni Fluke at wala ng tibok na makapa.

"Fluke gising , Fluke gising huy.Fllllluukkeeeeeee!!!!!!!!!!"

    -0-

Codename: REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon