Maling Paratang

2 0 0
                                    

"Ikaw?" bulalas na wika ni Ohm.

"Oo, ako nga. Mr. Lover Boy" tugon ng lalaking misteryoso.

"Bakit mo ito ginagawa? Kilala kita hindi ka masamang tao." wika ni Ohm habang nakahiga sa gilid ng pool.

"Oo, pero may isang bagay na naging dahilan para maging ganito ako at alam kong alam mo iyon."  Wika ng misteryosong lalaki habang hawak sa mukha ang binata.

“Alam mo Ohm, mahal na mahal ka ng kapatid ko, ni Anya, pero ikaw rin ang naging dahilan bakit sya binawian ng buhay.” Pagpapatuloy ng misteryosong lalaki.
“Mahal na mahal ko rin si Anya, at masakit sa akin ang pagkawala nya.” Tugon ni Ohm habang nakahiga sa gilid ng swimming pool.
Backstory:
Si Ohm ay kilalang magaling na swimmer sa kanilang paaralan, kinaiinggitan sya ng lahat dahil lagi syang nakakapag uwi ng medalyang ginto sa kanilang paaralan kapag may kompetisyon bukod pa dito ay kasintahan nya ang pinakamagandan babae sa paaralan na si Anya. Si Anya ay kilala bilang napakatalinong babae lahat na ata ng sinalihan nyang labanan ay napagtagumpayan nya. Masaya ang pagsasama ng dalawa ngunit hindi alam ni Ohm na may lihim pa lang pagnanasa sa kanyang kasintahan ang kanyang mga kaibigan na sila Zee, Perth at Boat.
Isang araw, gamit ang cellphone ni Ohm ay chinat ni Zee si Anya at pinapunta sa isang abandonadong lugar at doon nila ginawa ang masama nilang balak.”
End of Backstory
“Pero wala kang ginawa ng pagsamantalahan ng mga kaibigan mo ang kapatid ko.” Sigaw ng lalaki sabay suntok sa sikmura nito.
“Hindi ko alam na pinagsamatalahan siya nila Zee. Nalaman ko lang na ginahasa siya at hindi ko alam kung sino.” Tugon ni Ohm na tila gulat sa nalaman.
“Walang alam? Eh diba cellphone mo ang ginamit?” sagot ng lalaki.
“Mula nung araw na iyon ay hindi ko na nakita ang cellphone ko.” Tugon ni Ohm .
“Ohm, hindi mo na mabibilog ang utak ko.” Sabay tulay kay Ohm sa swimming pool at unti unting lumubog ang binata.
----
Samantala bumalik na rin sa wisyo ang batang si Pawat.
“Nasaan ako?” tanong nito sa sarili.
Luminga linga siya at nakita niya ang isang nakapulang lalaki na nakatayo mula sa malayo na nakatanaw sa isang maliit na bintana.
“Gising ka na pala?” tanong nito habang patuloy sa pagtingin sa malayo.
“Sino ka ba? At anong balak mo sa akin?” tanong ni Pawat na may halong takot.
“Hindi mo na dapat malaman kung sino ako?” tugon ng lalaki.
“Ano ba ang naging kasalanan naming sa iyo at bakit mo kami ginaganito?” pasigaw na tanong ni Pawat.
“Gusto mo bang malaman?” tanong ng lalaki.
“Tinatanong ko nga diba?” pabalang na sagot ni Pawat.
“Pagbibigyan kita tutal susunod ka naman sa kanila.” Wika ng lalaki. “Makinig kang mabuti. Unahin natin si Pluem, tutal sya ang dahilan ng lahat ng ito.” Paunang salita ng lalaki.
“Paanong si Pluem?” nagtatakang tanong ni Pawat.
“Si Pluem na anak mayaman, makapangyarihan at mapera kaya’t nakuha nya ang unang karangalan na dapat ay sa kapatid ko. Oo sa kapatid ko na magiging sagot sana upang makapag aral sa kolehiyo si Anya at iyon ay dahil sa guro nyong si Newwie” Kwento ng lalaki.
“Anya?, ikaw si….” Gulat na sagot ni Pawat.
“Oo ako nga.” Sabay harap ng lalaki.
“Pero?” magpapatuloy sana sa pagsasalita si Pawat ngunit sinampal sya ng lalaki.
“Ipagpapatuloy ko ba ang kwento o dadaldal ka lang jan?” galit na wika ng lalaki. Tumango na lamang si Pawat.
“Nang hindi makuha ng kapatid ko ang karangalan na dapat sa kanya ay na depress siya at ilang araw sya nagkulong sa kwarto nya. Ngunit isang araw, lumabas sya ng bahay ng tanungin namin kung saan siya pupunta sabi nya ay makikipagkita siya sa kasintahan nyang si Ohm. Ngunit nabalitaan na lamang naming na nasa ospital na sya at na hit and run.” Kwento ng lalaki.
Lumipat ng pwesto ang lalaki at nagpatuloy sa kwento. “Dali dali kaming pumunta sa ospital, nakita namin  ang kapatid ko na agaw buhay sa gilid ngunit hindi inaasikaso ng ospital dahil mayroon daw silang ginagamot kasalukuyan. Namatay ang kapatid hawak ko ang kanyang kamay. At gusto mo bang malaman sino ang mga nandoon ng mga oras na iyon?” pasigaw na wika ng lalaki. “Ang doctor na si God at ang kuya mo. Oo ang kuya mo na walang pakialam kahit nagmamakaawa na ako na unahin ang kapatid ko. Ngayon mararamdaman nya rin ang pakiramdam na mawalan ng kapatid tulad ng paghihinagpis ko noon” sagot ng lalaki at tila may luha sa mga mata.
Hindi makaimik si Pawat sa mga nalaman.
“At alam mo ba? Ayon sa imbestigasyon, ginahasa ang kapatid ko, ginahasa ng lintik na mga kaibigan ni Ohm, sila Zee, Perth at Boat. Walang awa nilang pinagsamantalahan ang kapatid ko at wala man lang ginawa si Ohm. Iniwan nila ang kapatid kong nanghihina at paglabas ng kapatid ko sa lugar ay bigla siyang nasagasaan ng humaharurot ng motorsiklo at si Max ang driver nun angkas si Tul.” Pagpapatuloy ng lalaki.
“Bakit mo nilagay sa kamay mo ang batas?” tanong ni Pawat.
“Bakit? Matutulungan ba ng batas ang mahirap na katulad namin?” tugon ng lalaki. “Kaya nga ako nagtrabaho sa film industry para magkapera at mailaban ang kaso ng kapatid ko. Pero pati sa industriyang iyon nakaranas ako ng pambubully.  Akala siguro ng walang hiyang director na yun na si Singto ay mapapalagpas ko ang ginawa nyang pagmomolestya sa akin. Tapos nakaranas din ako ng pambubully sa mga mayayabang na actor na sila Mean, Fluke, Joss at Mew kaya sabi ko makakaganti rin ako sa kanila.” Pagpapatuloy ng kwento ng lalaki.
“Bakit sila Oreo at Oaujun nadamay?” tanong ni Pawat.
“Simple. Para hindi halatang planado ko lahat. Kumuha ako ng mga madadamay lang.. Pasensya sila kumagat sila sa imbitasyon ko.” Tugon ng lalaki. Hindi pa tapos magtanong si Pawat ay biglang lumabas sa kubo ang lalaki sabay sabing “ may bomba ng apala sa ilalim ng upuan mo. Hindi ko alam hanggang ilang minuto na lang yan. Basta ang alam ko ikaw na ang susunod.” Lumabas ang lalaki habang tumatawa.
Makalipas ang kalahating oras ay nakarinig si Gulf ng malakas na pagsabog mula sa likuran.

“Pawaattttttttttttttttttttttttttttttt!!!!!!!!!!


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 31, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Codename: REDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon