"Asa"

13 0 0
                                    

Umasa, umaasa, at aasa


Wala nang paligoy ligoy pa,

Walang matatamis na salita,

Walang pangakong hindi napako,

Walang pusong hindi na saktan,


Isang salitang ugat,

Tatlong letra,

Tatlong aspekto,

Tatlong yugto,


At isang daang libo ang lumuha,

Isang daang libo ang naguluhan,

Isang daang libo ang nahiwagaan,

Isang daang libo ang nagtaka,


Kung nasaan ka na.


Asa, aasa, umaasa at umasa,

Salitang walang kasiguruhan,

Na tila suntok sa buwan,

Tuldok at isang porsyento sa isang daan,

Alam mo na ang kahulugan, hindi ko na kailangan pang-ipaliwanag, pero bakit ginawa, at ginagawa mo padin, kung alam mong sa huli at iiyak at masasaktan ka lang. Tila ako ay nahihiwagaan sa tao. Sa taong katulad ko. Bakit ganon. Tila napakahinang nilalang sa lupa na tinuringan mas mataas sa lahat ng may buhay sa lupa. Pero bakit paulit ulit ka, bakit hindi ka na natuto?

Mga salitang paulit ulit kong ibinubulong, isinisigaw sa isip ko. Bakit nga ba. Paulit ulit nalang ba tayo, hanggang sa mga matatamis na salita na nga lang ba tayo, hanggang sa mga pangakong dinala na ng hangin sa kahapong di na magbabalik, hanggang sa mga taong sa pagpikit mo ay katabi mo ngunit sa pagmulat mo ay wala na sa kinabukasang inaantay mo.

Sana dadating yung panahon, araw na tiyak na tayo. Na tila wala nang pangamba sa bukas na magdadaan dahil alam mong may isang bagay o taong tiyak, sigurado na nandoon.

Balang araw, magbubunga lahat ng luha sa lupa, ang mga dasal langit ay nasagot, ang mga bulong sa hangin ay na dinig, ang mga pusong nasaktan ay tila magbubuo muli at naghilom sa kahapong naglaban. At narito na tayo sa kasalukuyan panatag na ang loob natin.




© collidoscope2015
©mysteryadventures2015
©mariagnes2017  

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 20, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mystery AdventuresWhere stories live. Discover now