"HAMBURGER!"
Jusmio! Mahabagin!
Nakatingin siya sa'kin habang kuma-kagat siya ng burger. Mula sa pagkaka-titig ko sa mata niya bumaba bigla ang mata ko sa labi niya. At sa hindi malamang dahilan, bumilis agad 'yung tibok ng puso ko. Lalo na't may natirang ketsup sa gilid ng bibig niya, na parang gusto kong dilaan.
'Malandi'
Nag-iwas agad ako ng tingin sa labi niya at napatingin uli sa mga mata niya. Kung kanina naka-titig lang siya sa'kin. Ngayon naka-tingin siya sa'kin na parang ina-akit niya ako!
PUNYEMAS!
Tumayo ako bigla na naging dahilan ng pag-tigil ng kwentuhan ng dalawa kong kaibigan. Kinuha ko 'yung pagkain ko at padabog na nag-lakad palabas ng canteen. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa'kin. Inaakit niya ba ako?
"HOY BABAITA! SAAN KA PUPUNTA?!" Sigaw ni Alex dahilan para mapa-tingin sa'kin 'yung ibang SSG Officers. Ano pa ba ang aasahan ko sa boses ni Alex? Si Alex 'yan e!
Hindi ko siya pinansin at patuloy lang sa paglakad palabas ng canteen. Alam ko namang susunod ang dalawang 'yun.
Nang makarating ako sa room, umupo agad ako at inubos ang pagkain ko. Nang lumabas ako para itapon ang basura ko. Saktong pagpasok ng dalawa kong kaibigan na sobrang sama ng tingin sa'kin.
Anong ginawa ko?
"HOY! KAILAN KA PA NATUTONG IWAN KAMI HA?!"
Aray! Tanginang bibig yan! Sarap sungal-ngalin.
"Ikaw babae! Kung ayaw mo kaming kasabay kumain sabihin mo lang 'di ka naman namin pinipilit." Sabi ni Yumi na ikinabigla ko.
Hindi naman yun ang dahilan ko e.
"Oi hindi ah! May nakita lang akong tao na nakakasira ng araw kaya umalis na'ko 'dun."
Nakakasira nga ba?
Haist! B'wisit na isip 'to lagi nalang akong kino-kontra.
"At sino naman yon 'aber?" Naka-pameywang na tanong sa'kin ni Yumi.
"Ahm, tatapon ko lang to ah." Sabi ko para maiwasan ang usapan na'yon.
Hindi nila pwede malaman kung sino ang taong tinu-tukoy ko.
Hindi pwede!
Pag-pasok ko ay siyang pagpasok ng teacher namin kaya natahimik na ang lahat.
Ako? Eto wala na naman sa focus. Kung kaninang umaga iniisip ko 'yung kiss namin ni Pres. Ngayon iniisip ko 'yung way niyang kumain ng burger.
'DAMN YOU BURGER!'
*Kring*Kring
Hindi ko namalayan LUNCH NA PALA!
Hindi naman ako nakaka-ramdam nang gutom kaya dumiretso nalang ako sa secret graden ng school. Malapit lang ang secret garden sa Building ng mga College students.
Kaya tahimik ng ganitong oras kasi imbis na twelve ang lunch nila one sila naglulunch kasi hindi naman 6:30 ang pasok nila tulad ng sa'min. Iba-iba ang schedule nila.
Umupo ako sa ilalim ng puno, para hindi ako masinagan ng init ng araw. Nag-music nalang ako at sinalpak ang earphone sa tainga ko. Ang peaceful ng mind ko ngayon.
WALANG ISTORBO!
Napa-hikab ako. Ilang oras lang pala ang tulog ko kagabi. Kailangan kong matulog. Humiga ako sa damuhan at ipinikit ang mata.
Ah! Peaceful
-------------------------Nagising ako ng may tumamang liwanag sa mukha ko. Pagka-mulat ko nakita ko ang mukha ni Pres. Sobrang lapad ng ngiti niya.
Ewan ko! Kapag nasa Office siya nasa napaka-seryoso niya, pero 'pag kami lang dalawa at hindi niya pinapa-iral ang pagka- PRESIDENT ATTITUDE niya. Lagi niya akong ina-asar!
"This picture of yours. I swear, if I'm going to post this. This will gonna be the most trending Meme. HAHAHA!" English pa si ugok!
Tumayo ako para hablutin ang phone niya. Pero agad niya inilayo sa'kin.
"Akin na yan! Ibigay mo sabi sa'kin 'yan e! Pres, ano ba! PRES!" Inis ko siyang sinusuntok-suntok sa dibdib. Pero parang ako lang ang nasasaktan.
ANG TEGESH
'Malandi'
"Wag mo masyadong ipahalata na gusto mo hawakan ang muscles ko. Tsk. Sana sinabi mo nalang kasi nagu-gulat ako sayo. Alam mong pwede kitang kasuhan ng harassment."
"Hoy ang kapal ng mukha mo! Akin na kasi 'yan! Ba't ba ayaw mong ibigay ah?!"
Tumalon ako para kunin ang phone niya. Pero parang mali 'ata ang ginawa ko kasi parehas kaming na-out of balance at napahiga ako sa matigas na bagay. Hindi ko alam kung saan ako nahulog pero ang alam ko ang tigas niya.
Napa-dilat ako. Ganun nalang ang gulat ko nang makitang nakapatong ako kay Pres. Dali-dali akong napatayo. Habang siya nakahiga parin sa gulat. Sinamantala ko naman yun at kinuha ang cellphone niya. Agad kong binura ang pictures ko. Oo PICTURES with letter S. Sobrang dami nakakaloka!
'Pag tapos n'on. Nilapag ko yung cellphone niya sa dibdib niya at kinuha ko ang phone at earphone ko. Naglakad na ako pabalik ng building namin at iniwan siya. Bwisit nakakahiya 'yun!
Habang nagla-lakad ako pabalik biglang nag-vibrate ang phone ko. Text yun from unknown number.
090667*****
Miss me, madam?
Madam?
Isa lang naman ang tumatawag sa'kin ng madam e.
Si Jacob.
Ang boy bestfriend ko.
----------------GimmieFries-----------------
BINABASA MO ANG
Mr. SSG President (COMPLETED)
Teen FictionChloe Mae Santos Ang suki sa Detention Room. Palagi siyang napupunta sa Detention kasi marami siyang kalokohang ginagawa. Theodore Madrigal Ang SSG President na laging masungit pag nasa loob ng kanyang opisina o nasa oras ng pamumuno. Pero ano ang...