CHAPTER 17: Three Vs. One

18.1K 738 12
                                    

"Ano to? Fight for Love?" Sabi ni...

KUYA!

Sabay-sabay kaming napalingon kay Kuya. Yung dalawa parang nanigas at nanlalaki ang mata na nakatingin kay Kuya kaya nang makakuha ako ng lakas ng loob, ako na ang nagsalita.

"A-anong s-sabi mo?"

Mas nagulat ako ng bigla siyang tumawa ng malakas may pahawak hawak pa sa tiyan niya.

"Yu-yung. Hahaha! Yung mukha niyo haha e-epic HAHA! Nagbibiro lang naman ako."

Tsk. Epal talaga kahit kelan.

"Tsk. Umayos ka na nga! Maglalaro sila e!" Singhal ko sa kanya. Tumahimik naman siya. Pero halata mong nagpipigil.

"3...2...1... FIGHT" panggagaya ko sa sinasabi nang laro.

Unang round natalo si Kups.

"Hindi ka naman marunong e! Akin na nga yan. Best pick ko yan kaya master ko na yan. Akin na!" Tumabi ako sakanya at akmang kukunin yung controller ng ilayo niya. Napatingin ako sakanya.

"Tsk." Sabi ko, aalis ko na sana ang tingin ko sakanya pero nakuha nang atensyon ko ang may sugat sa gilid ng labi niya. Hindi ko napigilang hamplusin iyon.

"K.O!"

"Hoy Chloe! Natalo tuloy si Theo! Umalis ka nga diyan nadidistract siya sayo!" Sigaw ni Kuya. Napatingin naman ako sa TV. 2-0 na, wala pang score si Kups, isa nalang panalo na si Jacob.

"Akin na nga! Ipapanglaban kita! Hindi ka naman marunong e!" Sabi ko.

"Just sit there, okay? Don't annoy me." Sabi ni Kups kaya inirapan ko nalang siya. Mukhang naiirita na rin siya e.

"Ayan! Sipain mo! Yehey!" Naka-one point din si Kups. "Galingan mo, Master!" Sabi ko habang pabirong minamasahe at pinupokpok ang balikat niya.

"K.O"

"Yehey! 2-2 na! Bilis-bilis!" Nakahabol pa si Kups.

"K.O"

"Yehey! Galing talaga ng Lucky Chloe baby ko! Boo! Devil Jin! Boo!" nang thumbs down pa'ko kay Jacob, hinarap ko naman si Kups. "Galing mo Master!" Nagthumbs up naman ako kay Kups.

"Ang ingay mo pandak! Tayo nga maglaban." Sabi ni Kuya.

"Sus! Talo ka lang naman palagi sakin e! Malakas kasi ako!" Pangaasar ko.

Pero totoo naman yun, lagi ko siyang natatalo kaya ayaw niya ng makipaglaro sakin. Ngayon niya nalang ako uli niyaya maglaro.

"Hoy matatalo na kita!" Mayabang na sagot niya habang kinuha kay Jacob ang controller. "Huwag lang si Lucky Chloe ang piliin mo. Masyado ka nang malakas sakanya. Iba naman!"

"Sige. Si Kazumi Mishima nalang." Sabi ko habang kinukuha kay Kups ang controller.

"Maglalaki ka naman! Puro nalang babae!" Singhal niya.

"Kapag naglalaki ako. Siguradong talo ka na!" Pagmamayabang ko.

"Sus! Walang tatalo sa Marshall Law ko!"

"Si Marshall Law gagamitin mo? Si Lee Chaolan nalang sakin." Sabi ko at pinindot si Lee Chaolan para gamitin.

"Bat si Lee Chaolan?" Tanong ni Jacob.

"Ang pogi niya e. Crush ko siya hihi."

"Hindi ka niya gusto." Sabi ni Kups.

"Epal!"

Nagsimula na ang laban namin. At natalo siya.

"Ano? Yabang mo ah! Walang makakatalo sakin! Malakas ako! Yabang-yabang mo pa kanina." Sabi ko at inaasar siya.

"Syempre halimaw ka na diyan e!" Sabi niya at hinagis pa yung controller sa sofa.

"Mayabang kasi! Hindi naman kaya panindigan!"

"Hoy kayong dalawa! Tulungan niyo ako! Kung man ang makakatalo sa babaeng to. Gagawin niya ang lahat ng gusto mo." Sabi ni Kuya at nakikipagsabwatan pa kila Jacob at Kups.

"Ayoko nga! Hindi naman ako pumapayag e" sabi ko.

"Edi kapag natalo mo kami gagawin namin lahat ng gusto mo" sabi ni kuya. "Kapag...natalo mo kami. Hindi ka namin hahayaan" ngumisi pa siya. Nagisip ako.

"Sige. Lahat ah!"

"Oo, game?" Tanong ni Kuya sa dalawa

"Sige" si Jacob

"Sure" si Kups

"Three Vs. One? Maganda yun!" Sabi ni Kuya.

"Akala niyo naman hahayaan ko kayo manalo? Kiss niyo paa ko!" Pinakita ko pa sa kanila ang kulay pink kong paa. Hahaha

"As if!"

"Bleh!"

----------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon