Hindi ako nakapagsalita dahil....dahil..
HINALIKAN NIYA AKO!
Kahit medyo nahihilo ako ay tinulak ko siya.
"H-hinalikan mo ako?" wala sa sariling tanong ko.
"Blame that dirty mouth of yours." sabi niya na parang wala lang sakaniya na hinalikan niya ako.
"Ang kapal talaga ng mukha mo. Una, ako ang niloko mo. Tapos ngayon ang fiancé mo naman ang lolokohin mo? May fiancé ka na! Gagawin mo ba akong kabit? Ha?!" gigil ko siya sinugod at kinwelyuhan. "You're a fucking cheater!"
"Whatever you say. God knows that I didn't cheat on you."
"Ang kapal talaga ng mukha mo! Isasama mo pa si God sa kalokohan mo. Magloko ka magisa mo!" Patulak ko siyang bibitawan at naglakad palayo.
"Where are you going?"
Hindi ko siya sinagot at tuloy-tuloy lang naglakad papunta sa kotse ko. Kinukuha ko ang susi sa bulsa ko kaso nahulog iyon. Kukunin ko sana kaso ay may kumuha nun.
"Than--" agad akong nainis ng makita ko siya. "Akin na yan!"
"No, you're drunk. You can't drive."
"I'm not drunk! Gago magsasabi na lasing ako."
"So gago ako?"
"Buti alam mo."sabi ko at hinablot ang susi sakanya pero itinaas niya iyon.
"I'll drive"
"Akin na yan! Drive your face. I can drive myself. So give me the fucking key and fuck off!"
Hindi na ako ganon kapandak tulad ng dati pero bakit hindi ko pa din maaabot?
"Come on!" sabi niya at hinila ako nagpupumiglas ako pero malakas siya at sapilitan niya akong pinasok sa loob ng kotse ko.
Nang makapasok siya ay agad niyang pinaandar ang kotse ko. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga dahil kasama ko siya sa loob ng kotseng ito. Pinilit kong matulog dahil nahihilo ako pero hindi ako makatulog.
Kinalikot ko ang mini aircon na nasa harap ko at pinapasok ang daliri ko sa butas. Namalayan ko nalang na nagsasalita na pala ako.
"Hindi mo dapat ginagawa ito e."
"Are you talking to me?"
"Hindi. Etong aircon siguro."
Tanga naman nito, bawal iyan sa korte, gago.
"Tsk."
"Hindi mo dapat ginagawa ito e." Paguulit ko dahil hindi niya naman ako sinagot kanina.
"Ang alin?" Buti naman hindi na siya tanga slow na lang.
"Ihatid ako. Meron ka ng fiancé tapos may pahatid-hatid ka pang nalalaman. Ano nalang iisipin ng haliparot na iyon? Na inaagaw kita? Excuse me? Siya nga ang nangagaw e. Pakisabi sa kanya pi--" napatigil ako sa pagsasalita ng marealize ko ang mga sinasabi ko.
Tangina mong bibig ka! Wala ka talagang preno. Napaka-pasmado mo.
"Hindi naman ibig sabihin na ihahatid kita ay niloloko ko na siya."
"Mahal mo siya no?" Huli na para mabawi ang sinabi ko.
Tumikhim muna siya bago sumagot.
"Oo"
Dalawang letra lang iyon pero napakasakit na ang inihatid sa akin. Parang piniraso-piraso ang puso ko na dapat ay hindi ko nararandaman dahil nakamove on na ako.
Dapat nagsinungaling nalang siya. Hindi niya ba alam kung ano ang mararamdaman ng ex niya?
Hindi na ako nagsalita kaya siya naman ang nagsalita.
"Kumusta kayo ng boyfriend mo?" Huh? Sinong boyfriend?
"Sino?" tumingin siya sakin na nakataas ang isang kilay
"Boyfriend mo tapos hindi mo kilala?" Sino ba kasi?
"Si Matt ba tinutukoy mo?"
"Maybe? I don't know his name. I don't care. Nakita ko lang kayo sa restaurant kanina."
Si Matt nga
Dahil siguro sa kalasingan nakaisip ako ng kalokohan.
"Maayos naman kami." pagsisinungaling ko.
"Mahal mo ba siya?" natigilan ako sa tanong nigilan ako sa tanong niya. Unti unti akong napatingin sakanya at tinitigan siya. Naramdaman niya sigurong natigilan ako kaya nagsalita siya ulit. "Binabalik ko lang ang tanong mo sakin kanina."
Ah, ahtdog.
"Oo naman! Mahal na mahal" cinareer ko na ang pagsisinungaling ko.
"Keep on lying. I know the truth, I'm a lawyer after all."
"Anong sabi mo?" hindi ko narinig dahil ang hina ng boses niya.
"Wala"
Hindi na ako nagsalita at pinilit makatulog buti nalang at dinalaw na ako ng antok.
----------------
Nagising ako ng may tumamang sinag ng araw sa aking mukha.
Ah, ang sakit ng ulo ko!
Nilibot ko ang tingin ko at nakitang nasa ibang kwarto ako kaya napabalikwas ako ng bangon. Tinignan ko ang damit ko, suot ko pa rin naman. Tumayo ako kahit medyo masakit pa ang ulo ko tiniis ko. Nang paalis na ako ay may nahagilap akong tao na nakahiga sa sofa. Ganun nalang ang gulat ko ng makitang si Theodore iyon.
Pinilit kong maalala ang nangyari kagabi. Nang maalala ko ay agad kong hinanap ang susi ng kotse ko na natagpuan ko sa mini table at agad na tumakbo palabas ng kwarto na iyon kahit wala akong suot na sapin sa paa.
Umalis ako dahil ayokong maabutan niya ako. Nakakahiya ang ginawa ko kagabi!
Nalaman ko na nasa hotel pala kami ng makalabas ako ng building. Hinanap ko ang kotse ko sa parking lot ng makita ko iyon at agad akong sumakay at pinukpok ang ulo ko sa manibela.
Ang tanga ko kagabi!
Pinaandar ko ang kotse ko at mabilis na minaneho sa sobrang inis ko sa sarili ko. Ganun nalang ang gulat ko ng may humarang na kotse sa dinadaanan ko buti nalang ay agad kong naipreno ang kotse ko. Inis akong bumababa at kinalampag ang bintana ng kotse naiyon. Masama ang gising ko ngayon tapos sasabay pa ito.
"Bumaba ka nga diyan! I can sue you!" Hindi siya bumababa kaya kinalampag ko ulit ang tinted niyang salamin."Ano ba? Sa--" ganun nalang ang gulat ko ng ibinaba niya ang bintana at nakita ako ang nagmamaneho.
Bakit siya nandito? Iniwan ko siya kaninang natutulog doon ah!
"It's not my fault. You are driving with a high speed. According to the law, that's illegal."
"Ikaw? Bakit bigla-bigla ka nalang sumusulpot? Paano kung nabangga kita? Paano kung nadigrasya ako? I will sue you!"
"Go on. Did you already forgotten that I'm a one of a hell Lawyer. Sino ang itatapat mo sakin kung ang pangalan ko kalat na kinatatakutan na ng lahat?"
Kahit nanggigigil ako ay padabog akong bumalik sa kotse ko at pinaandar iyon.
Ngayon nagsisisi ako na binuhay ko pa siya! Sana pala pinabayaan ko nalang siyang mag-agaw buhay ng mga oras na iyon.
May araw ka din sakin.
----------------GimmieFries-----------------
BINABASA MO ANG
Mr. SSG President (COMPLETED)
Teen FictionChloe Mae Santos Ang suki sa Detention Room. Palagi siyang napupunta sa Detention kasi marami siyang kalokohang ginagawa. Theodore Madrigal Ang SSG President na laging masungit pag nasa loob ng kanyang opisina o nasa oras ng pamumuno. Pero ano ang...