CHAPTER 18: Pagnanasa

18.1K 736 46
                                    


"Argh! Sasakalin na talaga kitang pandak ka!" Sigaw ni Kuya sakin.

"Bakit ba?! Ikaw naga-aaya pero pag-natalo ka sisigawan mo ako!" Natalo ko nanaman kasi siya. Mali! Silang dalawa ni Jacob. Haha!

"Ayoko na!"

"Talaga! Kasi talo kana!" Sigaw ko sakanya.

"Pag-nanalo si Theo humanda ka talaga!" Sigaw sakin ni Kuya. Dinilaan ko lang siya. Bhelat!

Nag-laro na kami ni Kups. At....

"K.O"

"Yehey! Bleh! Panalo ako! Bleh! Boo!"

"Ayoko na!"

"Hoy Kuya! May usapan tayo di ba?"

"Anong usapan? Wala ah! Sinungaling ka!"

"H-hoy! Ang ba---"

*Dingdong*

Grr.. nakakainis! Nagsmirk muna si Kuya sakin bago pumunta ng pinto para tignan kung sino yung nagdoorbell.

"Kayong dalawa! May iuutos ako sainyo! Dahil natalo ko kayo." Sabi ko sakanila pero para silang walang narinig kasi nagcellphone lang ni Kups at si Jacob nagtulug-tulogan!

"Argh! Wala kayong kwentang kausap!" Naiinis akong umupo. Dumating naman si Kuya na dala yung pagkain na inorder niya. Kaya nagpunta kaming lahat sa kusina.

Nagsimula na kaming kumain. Agad naman akong natapos.

"Ah~sarap!" Sabi ko.

"Hoy pandak! Ikaw maghugas ah!" Sabi sakin ni Kuya.

"Ba't ako? Dapat nga kayo e! Kasi natalo ko kayo! Kayo ang maghugas!"

"Isa! Isusumbong kita kay Mama!"

"Epal kasi e! Nakakabanas na kayo ah! Bleh! Natalo ko naman kayo! Bleh! Boo!"

"Isip-bata!" Sigaw sakin ni Kuya.

Nang matapos silang kumain, naghugas na ako. Habang naghuhugas ako tinawag ako ni Kuya.

"Chloe!"

"Oh?"

"Pupunta lang kami sa likod ah. Maglalaro kami." Sabi sakin ni Kuya nang makalapit siya sakin.

"Oh tapos? Anong meron? Anong paki ko?"binatukan niya ako." Aray!"

"Pilosopo ka no! Pupunta kami sa likod dalhan mo kami ng juice."

"Ako nanaman! Bat hindi nalang kayo magtimpla! Bago kayo pumunta dun!"

"Magtimpla ka ah! Hihintayin ka namin!" Sabi niya at lumabas na ng kusina.

Naiinis kong tinapos ang hugasin at pinagtinpla sila ng juice.

Lagyan ko kaya to ng lason?

Bad! Ang bad ko na masyado.

Naglalakad ako papunta sa likod ng bahay namin kung nasaan ang mini court namin para kila Kuya, Papa at kay Chase. Dala-dala ko yung tray na may lamang baso ng juice.

Muntik ko na mabitawan ang yung tray na dala ko nang makakita nang magandang tanawin.

'Oh my! My virgin eyes'

Nung nakita ako nila Kuya lumapit sila sakin pero sa isang tao lang ako nakatingin. Sa iisang taong nakahubad. Sa isang taong may abs na sobrang tigas. Sa isang taong may pangalan na Theodore Madrigal.

Nang makalapit sila sakin mas lalo kong nasilayan ang tinapay--- abs pala niya. Mas nakita ko ang pawis na tumutulo sa katawan niya na parang gusto kong punasan. Enebe!

'Ensherep! Pahingi ngang kanin, may ulam na oh!'

"Pandak! Baka pasukan nang langaw yang bibig mo!"

Napasara ako ng bibig ng wala sa oras. Umiwas din ako ng tingin dun nang maramdaman kong namumula ang pisngi ko.

"Chloe." Tawag sakin ni Kups.

"Oh?" Sagot ko nang hindi tumitingin sakanya.

"Sabihin mo nga. May pagnanasa ka ba sakin?"

ANO?!

----------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon