CHAPTER 13: Staring..

20.1K 805 44
                                    


Nagkwe-kwentuhan pa din kami hanggang ngayon ni Jacob. Thirty minutes ng wala si Pres, umuwi na siguro. Dapat hindi niya kami iniiwan dito tiba?! Siya yung bantay e! Pwede kaming umalis o tumakas dito kung gugustuhin namin. Kaso hindi namin ginawa.Bakit? Kasi may CCTV, hehehe.

"Di ba isang oras lang detention mo? Bakit di ka pa umuwi. Six na oh!" At ipinakita ko kay Jacob yung phone ko.

"Hindi kita iiwan dito."

"Hala! Bakit naman?"

"Ayaw mo ba? Ikaw na nga sasamahan e. Bahala ka diyan. Iiwan na kita. May multo pa naman dito tapos ikaw lang mag-isa" tumayo siya ng naka-ngisi.

Kinilabutan naman ako kaya hinawakan ko siya sa braso para pigilan siya sa pag-alis.

"H-huwag! Sa-samahan mo a-ako." Nag puppy eyes pako.

"Sige sa---" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya ng bumukas ang pinto at iniluwal nun si Pres.

Naabutan niya kami na ganun ang pwesto. Nakahawak sa braso ni Jacob. Napatingin si Pres sa kamay kong hawak ang braso ni Jacob. Bigla kong nakita ang galit sa mata niya na agad ding nawala. Baka wala talaga! Assuming lang ako.

Umiwas siya ng tingin at nagsalita.

"Why are you still in here Mr. Suarez?" Tanong niya kay Jacob habang naglakad papunta sa table niya.

"Detention?" Jacob said with a sarcastic on his tone.

"If I'm not mistaken your detention hour is now finished. So... why are you still in here?"

"Sasamahan ko si Madam. Sabay kami uuwi." Huh? Wala naman kaming pinagusapang ganun.

"No. You can leave i can take care of her" hmp. Ayoko nga! Joke. Haha!

"I'll stay he--"

"You can go. The door is open for you."

"But--"

"Mr. Suarez, what do you think of two hours Detention. Again."

Hindi nakapagsalita si Jacob. Wala naman siyang choice. Kung ipipilit naman niya magkakaroon siya ng two hours detention. Hindi pa din kami makakapag-sabay umuwi.

Tumingin si Jacob sakin na parang nagso-sorry. Kaya tinanguhan ko nalang siya.

"Fine" napabuntong-hininga muna siya bago lumapit sakin. "Paano ba yan Madam. Uwi nako. Bwisit kasi yung isa diyan e! Sige na. Ingat ka sa pag-uwi Madam ah. Punta ako bukas sainyo ah! Saturday naman e. Ingat ka sa paguwi." Tinanguan ko siya at ginulo niya naman ang buhok ko bago siya tumalikod at naglakad papuntang pinto. Bago niya pihitin ang doorknob sumulyap muna siya kay Pres at napailing.

Nang makalabas si Jacob. Kami nalang ni Pres hindi siya nagsasalita, kaya hindi din ako nagsalita. Nag-phone nalang ako para hindi mabored. I took a picture of Pres while he's busy on his own stuffs at ima-My day ko iyon. Kahit walang permission niya ima-my day ko pa rin. At wala siyang magagawa. Minyday ko na with the caption of...

'Busy siya :(('

Then I tagged him. Papansin ako e. Bakit ba!

Narinig kong nagvibrate yung phone niya napatingin ako sakanya. Tinignan niya naman ang phone niya, then he look at me. Parang alam ko na ang ibig sabihin nun. Kaya nagiwas ako ng tingin at nagpatay malisya.

Wala akong ginawa. Wala talaga!

Naglaro na lang ako ng fishing diary sa phone ko para hindi ako mabored.

Mabilis lang lumipas ang oras pagkatingin ko sa orasan ko ay 7:30 na. Napatingin ako kay Pres. He's sleeping.

Lumapit ako sakanya para gisingin siya. Kaso nang makita ko siyang mahimbing na natutulog hindi ko mapigilang mapatitig sa mukha niya. He's so handsome. Crush ko talaga si Pres e, kaso nawala lang yun kasi lagi niya akong pinapagalitan tuwing nade-detention ako. Nao-offend ako syempre kasi feeling ko lagi nalang ako. Pero crush ko parin naman siya. Slight lang. Slight lang talaga!

Hindi ko mapigilan, kaya itinaas ko ang kamay ko at hinaplos ang mukha niya. Mula sa kilay niyang makakapal napunta sa pisngi niyang mahihiya ang pimples na dumapo sa sobrang kinis. Then to his pointed nose down to his stubborn jawline. Then my eyes settled on his lips. The lips who caught my first kiss. Mapupula iyon at kahit tignan mo lang, masasabi mo nang malambot.

Hindi ko naiwasang hawakan ang gilid ng labi niya. Ang amo ng mukha niya pagtulog, pero pag-gising napa---

"Done staring at me?"

----------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon