CHAPTER 14: Ako nalang kasi..

19.5K 795 53
                                    

Hindi ko naiwasang hawakan ang gilid ng labi niya. Ang amo ng mukha niya pagtulog pero pag-gising napa---

"Done staring at me?" Sabi niya.

Kasabay nun ay ang pagdilat ng nga mata niya. Kaya napalayo ako.

"P-pres? K-kanina ka p-pa gising?"

"Hindi naman ako tulog." Sabi niya. Na nakapagpalaki sa mata ko.

Ano daw? Hindi siya tulog?

"Bat h-hindi ka nag-nagsalita nung pagkahawak na pagkahawak ko pa lang sayo?"

Nagkibit-balikat nalang siya at tumayo. Niligpit niya ang mga gamit niya. Ako? Eto nakatitig lang sa kanya. Hindi maka-paniwalang nakatingin sa kanya. Gising siya?

'Buti hinawakan ko lang siya. Buti nalang talaga...'

"Lets go" natauhan ako ng magsalita siya.

"S-saan?"

"Tsk. Ihahatid na kita. Gabi na" pagkasabi niya nun ay iniwan niya na ako, pero bago siya lumabas pinatay niya muna yung ilaw kaya dali-dali kong kinuha yung bag ko at lumabas

'Baka may mumu ih.'

"Bastos ka no! Nandun pa'ko tapos papatayin mo yung ilaw!" Pasigaw kong sabi sakanya habang naglalakad kami. Nasa likod niya lang ako, hindi ko siya mahabol e. Ang bilis niya!

"Why? Scared?" Sabi niya pero hindi lumilingon sakin at patuloy sa paglalakad.

"Hoy! Hindi no! Bat ako matatakot? Hindi ako takot hin--"

"RWAR!"

"AH!" Sigaw ko. Habang nagsasalita kasi ako bigla siyang sumigaw at humarap sakin. Bwisit nagulat ako! Nagulat talaga ako.

"See? Sinong hindi takot?" Sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad?

"Hoy hindi ako takot no! Nagulat lang ako!" Sabi ko sa kanya habang hinahabol siya. Isang hakbang niya limang hakbang ko na. Joke haha..

"If you say so..." sabi niya. Hindi nalang ako nagsalita haggang sa parking lot. Nang makarating kami sa kotse niya, pumasok na siya. Ako? Eto nakatulala lang sa kawalan.

Biglang bumaba yung bintana ng kotse at nagsalita si Pres.

"Why don't you come in? Faster! Its already seven. Caleb will definitely kill me if i bring you home late so come in" huh? Si Kuya?

"Huwag mo na ako ha----" pinutol niya ang dapat ay sasabihin ko.

"Shut up! Come in. Stop being stubborn Chloe." Bat ka naninigaw?

Papasok naman ako e. Nagpa-pabebe lang.

Pumasok na ako bago siya magbuga ng apoy. Nagsimula na siyang magmaneho hindi siya nag salita. Kaya hindi na din ako nagsalita. Tumingin nalang ako sa labas hanggang sa makarating kami sa bahay hindi pa din kami naguusap.

"Salamat!" Bababa na sana ako ng magsalita siya.

"Ako nalang kasi.."napatigil ako sa balak kong pagbababa at tingin sakanya. Ano daw?

"Huh?"

"Ako nalang kasi.. " sabi niya habang titig na titig sa mukha ko.

"Huh? Ano ba sinasabi mo d'yan Pres?" Parang bigla siya na tauhan.

Nakita ko pa ang gulat sa mata niya na parang hindi makapaniwala sa ginawa niya ngayon-ngayon lang.

"Ahm.. I mean.. I mean. Ako nalang.. Ako nalang dapat nang-aasar sayo. Tama!Ako nalang dapat nang-aasar sayo pero nakikisali yung Suarez na yun. At parang close na close kayo ah."

"Syempre best friend ko siya."

"Gusto mo ba siya?" Bigla niyang tanong. Kaya napatingin ako sakanya, napakaseryoso niyang nakatingin sa akin.

"Ho-hoy wala no! Kaibigan ko lang talaga siya!"

"Buti naman. Kasi ako lang naman ang gusto mo e."

"Ano?!"baliw na ata to e.

"Ako kang naman ang gusto mo e. Kanina palang nung nasa detention tayo. Hinwakan mo pa ako. Alam ko yun. Huwag kang mag-alala hindi ako lalayo sayo. Kawawa ka naman"

Hinampas ko siya ng bag ko bago padabog na lumabas ng kotse niya.

"Letse!"

Hindi ko alam na may pagka-mapaka-yabang pala ang President namin.

Bwisit!

----------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon