Pagkaupo ko, saktong bumukas ang pinto at iniluwa nun si.........
"Jacob?"
"Hi Madam! Bakit hindi moko hinintay. Sabay tayo ng detention e." Nagpout pa ang loko. Isip bata! Pinitik ko ang nguso niya.
"Isip-bata!"
"Hehe.. Ma--"
"What are you doing here?" Tanong ni Pres sa seryosong boses. Napalingon naman si Jacob kay Pres.
"Oh, di ba ikaw yung sumigaw kanina sa canteen. Bakit ka nandito, Pre? Detention ka din ba dahil sa pagsi--"
"Huy Jacob! Itikom mo nga yang bibig mo! Siya ang SSG President natin ngayong year"
"Oh? SSG PRESIDENT?! Pero kung maka-akto kanina parang hindi President. Siya pa gustong mag-simula ng gulo."
"Are you saying something?"
"Nothing"
"Okay then. Don't sit there. Come sit here. I'll ask you something"
Tumayo naman si Jacob at pinuntahan si Pres.
"Name?"
"Jacob Suarez"
"Age?"
"17"
"Section?"
"Grade 9 Section Braille"
"Section Braille?" Napatingin sakin si Pres pero agad ding nag-iwas.
"Yeah. Kaklase ko si Madam." Sabi naman ni Jacob.
Medyo intense yung sagutan nila. Seryoso silang nagu-usap ang dalawa.
"Hm.. This is my first time seeing you this year. New student?"
"Nah, late enrollee. This is my first day."
"First day? But here you are, in detention room spending your first day. Was it good? Late enrolled? Why?"
"That's fine. I will spend my whole time in detention room as long as Madam is with me." Tumingin siya ng panandalian sakin at tumingin ulit kay Pres. "And yeah. My first day is good. Why am i, late enrolled? None of your business." Sabi ni Jacob at tumayo na at lumapit sakin.
"Where do you think you're going?" Tanong ni Pres. kay Jacob..
"Taking my sit--"
"You'll sit in front of me."
"Talk to my ass Mr. President"
Nagulat ako sa sinabi ni Jacob kay Pres. Pucha! Ang tapang niya sagut-sagutin ng ganoon si Pres.
Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
"Madam!"
"Bat mo ginawa yun?"
"Yung alin?" Tanong niya sakin
"Yung kay Pres."
"Huh? Wala akong ginagawa ah!"
Tsk. Palusot pa si ugok. Hmp.
"Madam, labas tayo mamaya. Maaga pa naman e."
"Hindi pwede. Seven matatapos detention ko e."
"Huh? Two hours? Akin one hour lang. Kawawa ka naman."
"Tsk. Kala ko ba susuyuin moko? Bat inaasar mo ko?"
"Oo nga no? Sorry na Madam. Kala ko kasi maaasar pa kita katulad ng dati."
"Hmp." Pinagkrus ko pa ang braso ko sa dibdib ko na parang nagtatampo.
"Madam, sorry na" lumapit pa siya sakin tapos tinapik-tapik pa niya ako.
"Heh! Bahala ka diyan!"
"Madam, so--"
"Could you two shut up? Are you blind? I have things to do here. Don't you see?"
"Tsk. Bakit kasi nandito ka?" Narinig kong bulong ni Jacob. Tumayo naman ako maglalakad-lakad sana sa loob ng detention room kaso tumama ang tuhod ko sa center table. At biglang kumirot.
Huh? OA naman netong tuhod ko. Tumama lang kumirot agad?
"Aray!"
"Oh, madam? Anong nangyari?" Tanong sakin ni Jacob at inalalayan akong umupo.
"Ang sakit" at inangat ko ang laylayan ng P.E ko hanggang tuhod.
"Hala madam! Dumudugo! San mo ito nakuha?" Nagisip ako. Hindi naman pwede sa center table.
"Sa obstacle ata kanina. Kasi di ba, nadapa ako."
"Hindi ka kasi nagiingat e." Tumayo siya at tumingin kay Pres. "May first aid kit ba dito?"
May kinuha si Pres dun sa isang drawer ng table niya at nilabas dun ang case na may logo na pakrus. First aid kit yun. Inilagay niya yun sa table at bahagyang inusog. Hindi man lang nagsalita.
Pumunta naman si Jacob para kunin yun. Pag-lapit niya sakin, umupo siya sa sahig at itinungtong niya ang ang paa ko sa hita niya. Nilagyan niya ng alcohol yung bulak sabay dampi sa sugat ko!
"ARAY! TANGINA! ANG SAKIT! WOAH!TANGINA KA JACOB!! MAPAPATAY TALAGA KITA!!" Huminga ako ng malalim para kahit papaano ay humupa yung hapdi.
"Tsk. Excuse me." Itinaas ko ang tingin ko nakita ko si Pres at pinapaalis niya si Jacob. Itinulak niya pa si Jacob at siya ang pumalit sa pwesto ni Jacob.
Itinungtong niya ang paa ko sa hita niya. At hinipan yung sugat ko at dahan-dahang dinadampian ng bulak. Medyo hindi kumikirot paghini-hipan niya. Nang matapos niyang lagyan ng betadine nilagyan niya ng bandaid na may design na BURGER!
"Ba't burger?" He just smirk at me at tumayo na.
"Mag-iingat ka kasi. Wag kang tanga!"
"Tsk. Nagmamagaling." Dinig kong bulong ni Jacob.
Nagkwentuhan lang kami ni Jacob at naga-asaran. Ewan ko parang bumalik kami sa dati. Namiss ko pala 'tong ugok na 'to!
"Aminin mo na kasing miss mo'ko."asar niya sakin.
"Tsk. As if naman na namiss kita. Baka ikaw! Miss mo'ko"
"Oo namiss kita. Inaamin ko. Ikaw? Aminin mo na kasi."
"Ba't naman kita mamimiss? Sino ka ba? Pangit ka lang naman e!" As if namang aamin ako sakanya na namiss ko siya. Ayoko ng madulas ulit.
"Wushu! Umamin ka nga sakin no'ng tumawag ako na namiss mo'ko!"
"E kas--" napatigil ako sa pagsasalita ng sinuntok ni Pres ang table niya. Bago tumayo at naglakad papunta sa pinto at lumabas. Take note, padabog niyang sinarado ang pinto. Sobrang lakas!
"Anong nangyari dun?"tanong ko sa sarili ko.
"Selos"
Nagsalita si Jacob pero hindi ko narinig.
"Anong sabi mo?"
"Wala lang yun."
"Okay."
'Anong kayang nangyari kay Pres?'
----------------GimmieFries-----------------
BINABASA MO ANG
Mr. SSG President (COMPLETED)
Teen FictionChloe Mae Santos Ang suki sa Detention Room. Palagi siyang napupunta sa Detention kasi marami siyang kalokohang ginagawa. Theodore Madrigal Ang SSG President na laging masungit pag nasa loob ng kanyang opisina o nasa oras ng pamumuno. Pero ano ang...