CHAPTER 50: Being a Doctor

12.1K 550 14
                                    

Ilang linggo na din ang nakalipas, simula ng halikan niya ako. Hindi ko na siya nakita pagkatapos no'n. Salamat naman.

Nandito ako ngayon sa labas kasama si Matt. Ni-aya niya kasi ako lumabas. Ewan ko pero palagi niya nalang akong niya-yayang lumabas. Okay lang naman sakin dahil libre naman.

Masaya kasama si Matt. Hindi ako nagsisisi na nakipagkaibagan ako sakanya. Lagi niya akong dinadalhan ng pagkain kapag nakakalimutan ko ng kumain. Lagi din siyang pumupunta sa office ko para icheck ako. Matatawa nalang ako dahil lagi siyang siyang ganoon.

Nasa garden kami ng mall ngayon. Gabi na at tanaw ko ang mga bituwin sa langit. Tinawag ako ni Matt kaya napalingon ako sakanya.

"Bakit?"

"Uhm. I have to tell you something."

"Hmm?" sabi ko at tumingin ulit sa langit habang hinihintay ang sasabihin niya.

Napatingin ako sakanya ng hinawakan niya ang kamay ko.

"Okay ka lang?" Tanong ko sakanya.

Okay lang naman na hawakan niya ako kasi sanay na ako. Minsan ng naghaharutan pa kami pero para sa akin harutang kaibigan lang iyon.

"Kaibigan lang ba talaga ako sayo?" nagulat ako sa tanong niya pero sinagot ko siya.

"Ano ba yang tanong mo. Oo naman kaibigan kita. Ano bang gusto mo?"

"Ang sakit mo talaga magsalita."

"Huh? Anong masakit sa sinabi ko?"

Hindi niya ako sinagot. Nanahimik lang siya habang nakatitig sakin bago nag salita.

"Sa tingin mo may magkakagusto sakin?"

"Huh? Oo naman. Ang pogi mo kaya!"

"Talaga? Magugustuhan mo kaya ako?" natigilan ako sa tanong niya.

Anong sabi niya?

Tinitigan ko lang siya ganun din naman siya sakin. Pero mayamaya ay nagsalita siya na ikinagulat ko.

"Sabi ko kaibigan lang kita pero hindi. Hindi kita kaibigan. Ayaw kita maging kaibigan lang"

"A-ano?"

"Chloe... I like you."

Okay?

"Uhm. Matt, alam mo namang hindi pa ako ready para diyan."

"Oo, alam ko. Pero handa ako maghintay. Liligawan kita. Kahit taon pa ang hintayin ko, gagawin ko." tinignan ko siya sa mata. Kita ko ang sinseridad sa mata niya.

Tinawanan ko siya para iwas awkwardness.

"Ano ka ba! Umayos ka nga diyan! Hmm.. cool ka lang dapat, ang pangit mo kapag ganyan ka!"

Tumawa siya at nagusap na kami ulit. Buti nalang hindi nagbago ang lahat kahit umamin siya.

Nag-aya na akong umuwi kaya nandito na kami ngayon sa sasakyan niya. Ihahatid niya daw ako sa condo ko. Pag-dating namin sa condo building ko ay nagpasalamat at bababa na sana ako kaso nagsalita siya.

"Hihintayin ko ang sagot mo Chloe."

Tinignan ko siya at nginitian.

"Sige na pumapayag na ako. Basta handa ka maghintay ah. I-try natin." nakita ko ang saya sa mata niya kaya hindi na ako nagulat ng yakapin niya ako.

"Thank you! Thank you Chloe."

Nginitian ko lang siya at bumaba na.

Sana tama ang naging desisyon ko.

-----------------

Ilang linggo na simula nung payagan ko siyang manligaw at sa tingin ko ay tama ang naging desisyon. Ganun pa din siya pero mas lumala lang ngayon. Minsan nasasakal ako kasi lagi siyang nakabuntot pero hindi ko pa din maiwasang kiligin.

Hindi pa kami nagkikita ni Matt ngayon. Tapos na ang shift ko pero kailangan ko pa rin manatili dito kahit pagod na ako dahil marami kaming pasyente ngayon. Halos puno ang mga ward ng hospital namin at iisa lang ang sakit ng mga iyon.

Dengue

Maraming tinamaan ng dengue ngayon kaya eto kaming mga doctor hindi magkanda-ugaga kaka-asikaso sa kanila. Kulang pa nga kami dahil iilan lang ang mga doctor na nago-over time. Ang iba ay umuwi na. Pagod na talaga ako pero hindi pa ako pwede umuwi dahil trabaho ko ito bilang doctor.

Wala pa akong kain. Pupunta sana ako ng canteen para kumain ng may hinihingal na nurse ang lumapit sakin.

"Doc tulong! Wala pong doctor na umaasikaso sa pasyenteng kakadating pa lang."

Kahit nagugutom ako ay isinawalang bahala ko iyon. Doctor ako at trabaho kong iligtas ang mga taong nasa masamang kalagayan.

Pag-dating ko doon ay may isang matandang lalaki ang nakahiga sa hospital bed at nilalagyan ng hangin. Agad akong lumapit pero may taong pumigil sakin at tinulak ako.

"Don't touch my Daddy!"

"G-georgia?"

"Huwag mong hahawakan ang Daddy ko! Baka ikaw pa ang pumatay sa kanya!" nakita ko ang basang basa niyang mga mata na halatang umiyak.

Naiinis ko siyang sinagot.

"Ano ba Georgia? Mamatay yang tatay mo kung hindi ko siya hahawakan."

"Get another Doctor! I don't want this wo--"

"Wala kang magagawa. Walang gustong umasikaso sa tatay mo. Lahat kami may ginagawa! Kung gusto mong mabuhay ang tatay mo umalis ka sa dadaanan ko."

Lalapit na sana ako sa tatay niya pero tinukak niya ulit ako sa inis ko ay tinulak ko siya ng malakas at napaupo siya lumapit agad ako sa pasyente.

"Cause?"

"Hypertension, Doc."

Agad kong ginawa ang dapat kong gawin hanggang sa bumalik sa normal rate ang BP niya. Nilagyan ko na siya ng IV.

"Transfer him to his private room." Aalis na dapat ako kaso nagsalita si Georgia.

"Mabuti naman at hindi mo ginantihan ang Daddy ko sa mga ginawa ko sayo. Dahil kung napatay mo siya, ako ang papatay sayo."

Hinarap ko siya.

"Kung gusto ko man gumanti sa lahat ng ginawa mo, ikaw mismo ang gagantihan ko. Hindi ako mandadamay ng ibang tao. Even though you hurt me i still don't have the courage to avenge with your father, even if i can. I'm a doctor, hiding our personal feelings is part of our pledge."

Sabi ko at tinalikuran siya.

Being a doctor is not easy. Pwede kong pabayaang magdusa ang tatay niya pero hindi ko ginawa. Because the role of a Doctor is to save the lives of endangered people not to kill and bury them into hell with our own hands.

It's me, being a Doctor. Saving lives, is one of my vocation. I don't end lives, I save them instead.

----------------GimmieFries-----------------

Mr. SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon