CHAPTER NINETEEN; THE FLASHBACK

933 19 0
                                    


*Flashback*
"Ito ang tandaan mo Natasha, kapag hindi mo pa nagawa ang misyon mo papatayin ko ang mga kuya mo! Naintindihan mo?!" Sigaw sakin ng nanay kong walang ibang alam kundi ang mag nakaw ng pera.

"Mas gugustuhin ko nalang mamatay kay sa mangloko ng mga inosen--" Hindi ko na napatapos ang gusto kong sabihin ng malakas niya akong sinampal. "Hindi mo ba naiintindihan?! Mamamatay na kami sa gutom tapos uunahin mo pa yang pagmamahal mo?! Natasha, nasa bingwit na tayo ng kamatayan!" Tila uminit ang ulo ko sa sigaw niya. napapikit ako ng mariin habang hinahawakan ang pisngi kong sinampal niya.

"KAYA TAYO HINDI MAKAKAIN NG MAAYOS KASI INUUNA MO ANG PAGSUSUGAL MO MAMA!" Isang kamay nanaman ang dumapo sa mukha ko.

"Sinasagot mo na ako?... Ako ang nanay mo kaya matuto kang gumalang!" "Nanay? Bakit ma? Kailan ka naging nanay samin?" Pinikit ko ang mga mata ko sa pag aakalang dadapo na naman ang mga palad niya sakin.

"Wag mong saktan ang kapatid namin." Sila kuya.

"Tinuturuan ko ng leksyon tong kapatid niyo kaya manahimik kayo!" Laking pasalamat ko at sinalo ni kuya ang sampal na dapat sakin.

"Nirerespeto kita dahil nanay kita pero pero hindi ko maipapangakong mapapatawad kita sa lahat ng kasalanan mo kapag masampal mo pa ang kapatid namin." Mariing sabi ni Kuya Blake. Kitang kita mo sa mukha niya ang galit at pinipigilan niya ito. Kaunti nalang alam kong sasabog na siya.

Dinuro niya kami. "Hindi ko kayo pinalaki ng ganyan!"

"Hindi naman ikaw ang nagpalaki samin. Ngayon ka palang nagpakita pero kung umasta ka parang ikaw nagpakain at nagpalaki samin." Malamig na ani ni Kuya Lance. Lumapit sakin si mama pero pinigilan siya ni Sky
  
"Ito ang tandaan mo Natasha, kapag hindi mo nagawa ang misyon mo papatayin ko ang taong mahal mo. Ikakasal ka sakanya bukas na bukas din at bibigyan kita ng isang taon para tapusin mo ang misyon mo pag Hindi mo to magawa PAPATAYIN KO SIYA!!!" Katagang binitawan ng demonyo kong ina bago siya lumisan.

*END OF FLASHBACK*

Natasha's PovNagising nalang ako dahil sa mabigat na pumapatong sa tiyan ko. Nasa kwarto na pala ako kasama si Vlad na yumayakap sakin. Itong lalaki to maputla  na naman tsk hindi talaga makatulog kung hindi makayakap eh.


Dahan-dahan  kong kinuha ang kamay na nakapatong sakin at tumayo. Napalingon ako sa maliit na lamesa ng marinig ko ang telepono. Ito ang unang beses na may tumawag dito.

"Hello King?" Agad na sabi nito ng malagay ko ang telepono sa tainga ko.  "Hello? sino to?" "Ah Natasha! Great timing! Si Mark to" Sabi niya sa kabilang linya.

"Oh Mark napatawag ka?" "Ah sasabihan ko lng sana si King na uminom ng gamot niya mamayang 12" Gamot? Umiinom si Vlad ng gamot? "Para saan? May sakit ba siya?" "Hindi mo ba alam?"  Napatingin ako sa gawi ni Vlad. May sakit ba siya?

"A-ano ang sakit niya?" "Siya yung donor mo sa dugo, madami kasing nawalang dugo sayo mabuti nalang at nag match yung blood type niyo"  What the heck?! Bakit di niya sinabi? "Hindi niya sinabi sayo?][H-hindi][Ayaw niya lng sigurong mag alala ka. Don't forget na pakainin siya ng lunch bago siya uminom ha?" "O-okay salamat" 

Pagkatapos kong ibaba ang telepono pumunta ako kay Vlad na mahimbing na tumutulog. "Kaya pala ang putla mo di ka pa kumain kanina hayst" Sabi ko habang pinagmamasdan siya.

"Magluluto lng ako saglit ha?" Paalam ko sakanya saka siya hinalikan sa noo. Ako nalang ang magluluto. Pagdating ko ng kusina binuksan ko yung ref and------ "HOLY MACARONI ang dami naman yata ng pagkain dito? Ito yata ang handa niya nung 1st weeksary?" Di bale iinitin ko nalang sayang di pala namin nakain.

Nagulat ako ng makarinig ako ng kalampag sa taas tila ba may nagwawala. "Sh*t saan na siya?!" Rinig kong sabi ni Vlad habang papunta sa kinaruruonan ko.

"Wife?! Oh God!" Lumapit siya sakin at niyakap ako. "Vlad anyare sayo?" Tanong ko sakanya at niyakap siya pabalik. "I-i though you'll l-leave me" Iiwan? Bakit ko naman siya iiwan?

"Pumunta lng ako ng kusina eh," Bumitaw siya sa pagyakap sakin at tiningnan niya ang ginagawa ko. "Ano ba ang ginagawa mo? Umupo ka nga ako na tatapos niyan." Ani niya at pinaupo ako malapit sa mesa. Pinagpatuloy niya naman ang ginawa ko.

"Kakainin mo pa to? Kahapon pa to baka sumakit ang tiyan mo niyan," Nag aalalang sabi niya at nilingon ako. "OA nito parang kahapon lng eh tsaka bakit di mo sinabi sakin na binigyan mo ako ng dugo?" Tanong ko. "Kanino mo nalaman?" "Kay mark tumawag siya kanina. Ako na nga diyan!" Sabi ko at tumayo.

"Wag na! Kaya ko na to umupo kalang diyan masakit pa yang kamay mo." Sabi niya at tiningnan ako "Halika nga" lumapit naman siya sakin. Ngumiti ako ng napakatamis at*Tsuup!* "Salamat!" Sabi ko at umalis na ng kusina na iniwan siyang naka tulala.

Married to a Pervert BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon