Chapter 18

881 20 0
                                    

Natasha's Pov
Ano nanaman ba ang ginawa ko?! Nakakbuwesit na siya ha kanina pa niya ako tinitignan ng masama *pout*

“Ang iba kaya niyang ngitian pero ako hindi manlang matignan. Tsk,” Tiningnan ko si Vlad at ang loko parang inagawan ng lollipop.

“Anong sinabi mo?!” Sigaw ko sakanya habang nakataas ang kilay.

“May sinabi ba ako?” Nakangusong sagot niya at sinubuan ako ng pagkain.

"Vshald di aksho venge!" Sigaw ko sakanya habang puno pa ng pagkain ang baba ko. Napataas ako ng kilay ng tumawa ito.

*lunok*

“Anong nakakatawa?!” Sigaw ko at kinuha ang fork saka tinutok sakanya.

“Don't talk if your mouth is full, Wife,” Kalmadong sabi niya at hindi manlang natakot sa fork na tinutok ko.

Padabog kong ibinaba ang fork. “Tsk! Akin na nga ‘yan!” Sigaw ko. Akmang kukunin ko na ang pagkain ng ilayo niya ito.

“Kiss muna,” Tinignan ko lang siya ng masama at nanatiling nakaupo sa higaan.

“What? Five kiss nga dapat yan eh, you disobey my rule, Woman.” Nakangising sagot nito.

“Anong rule?! Walang rule tanga!”

“Tsk! Dito pa nga natin ginawa ang rule eh kaya akin na kiss ko!” Grrr! Bwisit tong lalaki to! Ang sarap iumpog sa pader na parang yelo!

“Ikaw nalang kumain niyan! Nakakairita ka!” Sigaw ko at nagtalukbong ng kumot.

“Oh! Tingnan natin kung makakain ka diyan magisa," Masungit na sabi niya at binigay niya sakin ang plato, dun ko lng naalala na masakit pala talaga ang kamay ko. Sige na ako na tanga!

“Tsk ang kulit mo naman eh ako na nga itong nagpipigil," Woah! ako pa ang makulit?! "Kainin mo nalang kasi" sabi niya at pinaupo ulit ako.

Ang tahimik nanaman parang kanina lng nagsisigawan kami ah. Napatingin ako sakanya ng tumikhim siya.

“Yung sa frame,” Frame! Ayan nanaman ang frame nayan.

“Kalimutan na natin yun pwede? Tsaka sorry kung nasira ko,” Ayaw ko ng saktan ang sarili ko.

“N-no ano kasi kaya ayaw kong masira yun kasi importante sakin yun eh,” I roled my eyes. Oh please, huwag mo ng ipamukha pa sakin.

“Alam ko,” Sisigawan mo ba ako kung hindi. Gusto kong idugtong yun kaso baka masigawan pa ako. “Alam mo? First love ko yung babaeng nasa frame. Aksidente sigurong nalagay ni manang dun,” Natatawang ani niya.

“Nahirapan talaga akong makuha to noong bata ako Ultimate Crush ko to nung Elementary haha nakakabaklang pakinggan no? Pero sinikap ko talaga yun na makuha, kahit saan sinusundan ko siya maka stolen shots lang. Patay na patay siguro ako sakanya noon naglaro pa nga kami ng kasal kasalan sa garden ng school eh kaya lang kailangan niya raw pumunta ng ibang bansa. We make a promise na magpapakasal kami as soon as we find each other mamahalin namin ang isat-isa and ito ang last na picture namin bago siya umalis. Here gusto mong tingnan?” Nakangiting ani nito at kinuha ang picture na  nasa bulsa niya. Ang sakit, ang sakit marinig yun sa taong mahal mo. Sobra.

Hindi ba niya naisip na nasasaktan na niya ako? Masayang kinikwento niya sakin ang lahat habang ako ito durog na durog na habang iniisip na...

'Anong laban ko dun? Pinangakuan niya yun na pakakasalan niya habang ako... Binayad lng sakanya'

Ginagawa ba niya akong rebound? Panakip butas? O tinuturing niya lng akong babae niya?

Iiwan ba niya ako pag makita na niya ang babaeng hinahanap niya?

HAHAHA ano pa ba? Nakalimutan ko pala na kasunduan lang ang saamin, nakalimutan kong hindi dapat ako mahuhulog sa kanya kasi hanggang isang taon lng ang itatagal ng pagsasama namin sa iisang bubong pagkatapos non balik empyerno nanaman ang buhay ko.

Babalik nanaman ako sa lugar kung saan gusto kong takasan, kung saan mas gusto ko nalang magpakamatay kesa manatili sa empyernong yun.

Nakalimutan ko na nandito lng pala ako para sa isang misyon, misyon ko ang saktan itong bilyonaryong tao at isang taon lang ang meron ako dahil kung Hindi ko yun magawa papatayin nila si Vlad. Alam nilang si Vlad ang kahinaan ko, alam nilang si Vlad ang taong mahal ko simula pa noong una misyon kong saktan siya para hindi siya papatayin ng magulang ko.

Hindi ko kayang mawala sa Vlad sakin kahit palagi ko lang siyang sinusundan, kahit magalit siya sakin ayos lang basta ang importante ay maligtas ang buhay niya.

Hindi ko kayang walang Vladimir Perez sa buhay ko kaya kahit masakit pipilitin kong tuparin ang misyon ko manatili lang siyang ligtas kahit..... Masaktan ko siya kahit, masaktan pa ako.

Married to a Pervert BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon