12 | Arabella

140 10 4
                                    

Arabella’s POV

PARANG SASABOG ANG dibdib ko sa labis na kaba habang sakay ako ng jeep patungo sa eskuwelahan ni Raya. Panay ang kagat ko sa aking labi at ilang buntong-hininga na rin ang pinakawalan ko.

Kung pwede lang na ako na ang magmaneho nitong jeep ay baka ginawa ko…

Kainis naman kasi, bakit ba hindi ko napansin na masama na pala ang pakiramdam ng kapatid ko?

Sana naman okay lang siya. Si Raya pa ba, makulit man ‘yung batang ‘yun pero sigurado akong malakas siya. Hindi basta-basta magagapi ng ubo ‘yun!

“VNES na! VNES na!”

Nakipag-unahan pa ako sa ibang pasahero sa pagbaba nang tumigil ang jeep sa Veles North Elementary School o kilala bilang VNES. Kaagad kong tinakbo ang distansya ng kalsada at main gate. Ilang nanay pa ang nakabungguan ko dahil oras nga pala ng labasan, malamang ay sinusundo nila ang kanilang mga anak.

Dahil dito rin ako nag-aral noong elementary ako ay alam ko kung nasaan ang Clinic. Dumiretso na ako roon at hinihingal akong huminto sa tapat ng kamang pinaghihigaan ni Raya. Sa gilid nito ay nakaupo ang kaniyang teacher habang ang nurse naman ay kinukuhanan siya ng temperature.

Halata sa namumulang mga mata ni Raya ang labis na pag-iyak. Hindi na siya tumatangis ngayon ngunit nakakapanibagong tahimik siya at matamlay.

Pinilit kong ngumiti sa kaniya sabay himas sa kaniyang buhok. “Nandito na si Ate Ara…may masakit pa ba sa ‘yo, Raya?”

“Ate…” Nanghihina ang kaniyang tinig. “M-masakit po ‘yung ulo ko tapos…tapos eto rin po…” Itinuro ni Raya ang kaniyang kaliwang dibdib.

“Kanina ko pa napansin sa klase ang panay na pag-ubo ni Raya,” sabi ng kaniyang guro. “Akala ko nga noong una ay simpleng ubo lamang kaso bigla siyang nagsisigaw. Sumasakit na pala ang ulo.”

“Normal naman ang temperature ng kapatid mo,” anunsyo ng nurse. “Maaaring dulot ng matinding ubo ‘yung pagsakit ng kaniyang ulo kaya bibigyan ko siya ng mga gamot. Pero ‘yung iba ay wala kami rito, kaya pakibili na lang sa GMC.”

“May dapat po bang iwasan si Raya na pagkain? Tsaka ano pong magpapabilis ng paggaling niya?”

“Basta’t painumin mo lamang ng maraming tubig at pagpahingahin. Kung maaari ay huwag mo muna siyang papasukin bukas.”

Tumango-tango ang guro ni Raya. “Mabuti pa nga, Ara at baka lumala pa ang sakit niya. Ako nang bahala sa mga lessons niyang mami-missed.”

“At bilhan mo rin pala siya ng mga prutas, hija,” pahabol ng nurse.

Sandali pang pinagpahinga si Raya sa Clinic bago kami pinayagang makauwi. Umarkila na ako ng tricycle upang makabili na rin ng gamot sa GMC o Guerrero Medical Center, iyong ospital na pagmamay-ari ng pamilya ng kaklase kong si Alston. May pharmacy rin kasi sila roon.

Cough syrup at tempra ang mga nakasulat sa reseta. Nagpadaan na rin ako sa bilihan ng prutas at bumili ng mansanas, dalandan at saging.

Nakatulog si Raya nang pag-uwi namin ngunit nanatili akong gising. Kailangan niya pa kasing uminom ng gamot maya-maya kaya naman nagluto na lamang ako ng sopas. Nang lumambot ang macaroni ay inilagay ko na rin ang evaporated milk.

Nagpalamig ako ng sopas sa mangkok para kay Raya. Makalipas ang ilang minuto ay binitbit ko ito kasama ang gamot niya.

“Kain ka muna, Raya. Nagluto ako ng sopas.” Dahan-dahan ko siyang ginising at pinasandal sa headboard ng kaniyang kama. “Gusto mo bang subuan ka ni Ate?”

Contrasting Colors (Veles High Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon