Arabella’s POV
MABILIS NA NAGDAAN ang mga araw at namalayan ko na lamang ay bukas na ang Christmas Party ng Archimedes.
Maaga akong pumasok upang magpunta sa faculty room at magpaalam na kung maaari ay huwag muna kaming magklase. Syempre, malakas yata ako sa mga guro namin kaya napapayag ko sila.
Pagbalik ko sa klase ay sinabihan ko ang mga kaklase na paghahanda para sa party ang gagawin namin ngayong araw.
“Warren at Jester, pakigilid naman ‘yung mga armchairs,” utos ko. “Tapos ‘yung mga ibang boys tulong na rin kayo sa kanila.”
Hinarap ko naman si Mara at Asha. “Pakibura ‘yung board tapos baka puwedeng mag-lettering na rin kayo ng Merry Christmas?”
“Sure, Pres!”
“Kaira! Paki-punasan naman ‘yung bintana, puro alikabok na kasi.”
Nagdabog si Kaira sa kaniyang upuan. “Why do I have to do that? It’s dirty kaya!”
Bumuntong-hininga ako. “Ikaw lang ang walang ginagawa sa klase natin, Kaira. Kaya sige na, pwede ka namang maghugas ng kamay pagkatapos.”
“Fine!” sabi niya at padabog na kinuha ang basahang hawak ko.
Inutusan ko naman sina Alston at Erald na bumili ng creep paper at iba pang mga gagamitin pang-dekorasyon. Kinuha ko ang floor wax na hawak kanina ni Alston at ako na ang nagpahid sa sahig. Nang matapos iyon ay saka ko inilibot ang paningin sa klasrum, napansin kong tapos na si Kaira kaya sinabihan ko siyang isalansan ang mga libro sa bookshelf.
“January, arrange the libro nga in that bookshelf.”
“Argh! This is so dirty and ew, ikaw na nga mag-wipe here, January.”
“Why do I have to make gupit this? January! Do this for me!”
Nagulat na lamang ako nang magsigawan ang mga kaklase namin. Paglingon ko ay nagsasabunutan na si Alessa at Kaira. Kaagad akong pumunta sa likod ni Alessa at pilit siyang inilalayo ngunit masyado siyang matangkad at malakas.
“You think we don’t notice what you’re doing?!” sigaw ni Alessa. “We’re not fucking blind, bitch! Ginagawa mong katulong si Castel! Lahat na lang ng pinapagawa namin sa’yo ay ipinapasa mo sa kaniya!”
Hinawakan ni Jan si Alessa. “Alessa, tama na.”
“No, Jan,” tanggi ni Alessa. “I’m going to expose this bitch. You don’t deserve what she’s doing to you, okay?”
Tinawag ko sila Asha upang sila ang pumigil at humawak kay Kaira.
Tumawa nang sarkastiko si Kaira. “And so what, Alessandria? Don’t stick your nose into my business, blacksheep! But since you are such a pakialamera, I’m gonna announce it then. January is our maid, okay? So I have the right to do whatever I want with her, kahit pakainin ko pa ‘yan ng tae…you don’t care!”
Bigla namang dumating si Alston at kaagad na hinarap si Kaira. “What are you doing? Hindi ba’t pinagsabihan na kita tungkol dito? Wala kang karapatang alilain si Jan, kahit pa pinapasahod siya ng nanay mo. We’re at school, Kaira!”
“K-kinakampihan mo sila, Alston?” hindi makapaniwalang tanong ni Kaira. “But they’re the ones who aggravated me! Look what that blacksheep did to my soft and shiny hair!”
“You liar!” sigaw ni Alessa. “Ikaw ang naunang manabunot sa’kin and now you’re twisting the story? Para ano? So you’ll get the sympathy of our classmates and of course, Alston? Masyado ka nang desperada, hindi ka ba naaawa sa sarili mo? You even had to order Jan to exchange groups with you because you wanted so badly to be with Alston?”
BINABASA MO ANG
Contrasting Colors (Veles High Series #2)
Teen FictionDark and bright. That's how people describe Alessandria and Arabella when they are together. It's like a fusion of two of the world's greatest opposite, a pessimist and an optimist. Magkasalungat sila sa lahat ng bagay, ultimo sa kanilang papel sa k...