1.2 Plan B
Damn this bus! I came earlier in the morning tapos lagi nalang ako naiiwan.
Umuna na sa akin si Devyn. Halatang nagmamadali kaya hindi na ako nahintay ng bruha. Marami siyang dalang manual plates kumpara sa akin. Halos magkaklase kami sa majors sa minors naman ay hindi ko siya naging kaklase.
Naiwan ko pa mini fan ko! Kainis!
"Late kana ba? Kawawa ka naman... o sige batang pikonin, sumabay ka na kaya sakin. Hop in and road trip tayo."
Agad namang kumulo ang dugo ko nang makita ko si Chloe na nangiinis pang sinusundan ako ng kotse niya. Dahan dahan siyang nagmamaneho rito.
"Alam mo, wala akong pakialam kung libre ang pagsakay ko r'yan. Aanhin ko ang joy ride na 'yan kung nakakabwiset naman yung driver 'di ba? Layuan mo nga ako and don't you dare to get closer to me!" binilisan ko pa ang paglalakad.
Natatawa pa siyang sinusundan ako.
Kapag may huminto talaga ng bus sa tabi ay sisiguraduhin kong uuwi kang talunan, Chloe! Tignan natin kung makapangyamot ka pa ng tao at sumilay ang ngiti sa labi mo.
At sa swerte ko naman ay may biglang humintong bus malapit sa nilalakaran ko.
"Akala mo siguro maiisahan mo ako 'no? Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananalo ka, Ms. Chloe!" A slight smirk tugged at my lips when Chloe's smile vanished the moment she saw me.
Pagkasakay sa bus na sinakyan ko ay napangiwi si Chloe sa dismayang hindi ako naisakay. Ang lawak pa ng ngiti niya kanina! Akala niya siguro ay makakaya niya akong isakay sa isang pakiusap lang. Manigas siya dyan and never akong sasakay sa kotseng iyon!
"Sorry for being late in 30 minutes. Nagabang pa ako ng bus sa amin e." hingal kong saad at ibinaba ang bag sa lamesa.
"Ganito nga yong plano natin. 'Di ba, madalas kang hanapin at habulin ni Rodn? Mayroon tayong Plan A at B. In order to escape from his flirtatious technique. You must follow the Plan B first!"
"Why Plan B first?!" sabay-sabay naming sabi.
"Kasi kailangan nating paasahin yong tao na yon. Pero bawal mainlove ha? Kailangan mo lang maging playful, Jianné. You must play the game and siguraduhin mong ikaw ang magpapanalo sa larong ikaw ang gumawa."
"Bakit ako?!" atungal kong tinuro yong sarili ko.
"Kasi nga, patay na patay sa'yo si Rodn!' Wag mo siyang iwasan, you should always wear that mischievous smile of yours. It's a good look on you."
"Malamang ikaw ang gusto ng silahis! Halangan naman kami 'di ba? Ano? Ibabalandra ko ang suso ko sa kanya?" Si Devyn na hinawakan ang parehong dibdib at ipinagmamalaki sa amin.
Umiiling ako na natatawa sa Devyn. Wala akong nagawa kung hindi sundin ang suhestyon ng mga kaibigan ko.
"Wala na bang ibang options dyan? I badly want to change my partner! Ayoko sa Chloe na 'yon! Hindi ko siya gustong maging kapartner ko at isa pa, nakakainis yung ugali niya. Palagi siyang may dalang malas sa buhay ko!" Ipinagkrus ko ang braso ko at ngumuso paitaas.
"You have no choice, Jianné. 'Di ba nakahanap na tayo ng pwedeng ipartner sa'yo pansamantala? Tinanggihan nila yung offer natin. Mas lalo lang tayong mapapahiya kapag pinilit pa natin ang kagustuhan mo."
"Oo nga no?" nagbubulung-bulungan yung mga tanga.
"Plan B, first! Plan B.." I absentmindedly tapped my pencil against the side of my head while thinking.
YOU ARE READING
Together With You (Unedited Version)
Storie d'amoreCharlotta Embeyr Rooseveltun has everything people dream of-wealth, prestige, and a future waiting for her. Yet behind the glamorous surname is a daughter desperate to prove she can survive without her father's influence. To support herself, Charlot...
