1.3 Plan A
"Kamusta yung plano? Mukhang hindi na talaga matutuloy ang pinaghandaan nating Plan A, ha?" paalala ni Devyn sa akin nang makarating na kami sa susunod na subject, Design 4 at Building Tech.
Alam ko, magiging madugo na rin ang majors sa pagsapit ng 3rd at 4th year. Kinakailangan kong magseryoso roon. Ngayon ay wala pang update kala Mama at Kuya. Siguro ay doble kayod sila para sa akin dahil hindi biro ang cost of living sa Thailand.
"May pagasa pang maayos yon basta lagi lang tayong manalig sa isa't-isa." sabi niya at dumiretso na kami sa loob ng room.
"Nananalig ka pala?" dinig kong pangaasar ni Devyn sa akin.
Wala naman gaanong pinagawa sa ilang subjects kaya papetiks lang ang mga estyudante at pagala-gala nalang muna sa mall. Oo, may kalapit na mall dito sa Rooseveltun. Akala mo kapatid ng mayari ng SM! Sana ay palagi nalang ganito ang routine ng klase. Madalang sumipot mga profs, magiiwan nalang ng gawain at kaming mga estyudante magiinput ng grades namin.
"Hey, Jianné! Alam kong napagod ka sa kakasketch mo kanina. Kaya ito pinagluto kita ng mainit na sopas at binilhan pa kita ng milktea. Masarap iyan." nagulat ako sa pagsulpot ni Rodn.
Maraming sahog ang sopas na niluto niya. At grande size pa ng milktea ang binili. Paano niya nalalaman ang paborito ko? Pakiramdam ko si Devyn ang nagbroadcast non!
"Pwede bang lubayan mo na ako? You invading my privacy! Tsaka kailangan ko ng umalis dahil malilate ako sa klase ko." akmang paalis na sana ako ng pigilan ako.
"Teka lang. Huwag ka munang umalis. Dalhin mo na kaya ito para hindi ka magutom mamaya?" pinipilit niyang ibigay sa akin ang pagkain na yon.
Madaling hulaan ang love language ng isang 'to. Receiving gifts. Feel ko nga pinaglalaruan lang ako ng tadhana kasi silahis pa ang ibinigay. Matutuwa pa sana ako kung lalaking gwapo e kaso astang babae kasi itong si Rodn. Kung magiging babae siya ay mas maganda pa sa akin!
Maraming nagkakagusto kay Rodn. Balita ko nga'y pinipilahan siya sa kabilang department. Hula ko ay mga COE at Fashion Designing. Kaya napapakiramdaman kong dadami ang bashers ko!
"Argh... sige na nga.. but thanks again. Can I leave you here? umakto ako ng pekeng ngisi. Nasusuya na talaga ako sa silahis na 'yon.
--
"Mga wala talaga kayong kwentang kaibigan! Hinayaan n'yo akong halos lamugin ang katawan ko ni Rodn! Hindi niya talaga ako kayang lubayan kahit isang araw man lang! Hindi na napahinga ang katawan ko kakatakbo sa kaniya. Daig ko pa ang may warrant of arrest! O 'di kaya'y may utang na tinatakbuhan! Wala yatang araw na hindi ko nakikita presensya niya!" sinaboy ko ang buhok ko sa iritasyon sa mga kaibigan ko ngayon.
Huwag na kayo magtataka kung nasa bilangguan ako sa future!
"May spoken poetry battle ba mamaya. In my opinion, Rodn would be very interested in that! He enjoys listening to those kinds of stories. If I were you, I'd put a laxative in his drink or food later so that he would embarrass himself in front of a lot of people!" humalakhak si Tabitha sa naiisip.
"Hindi naman ganon! Parang pinapatay mo ang tao," binatukan siya ni Undro.
"Pumalpak na nga tayo sa unang plano tapos gusto n'yo pang uli-"
"Yuko!" agad na tinakpan ni Devyn ang bibig ko kaya naputol ang nirereklamo ko kanina.
Para akong may krimen na ginawa! Tago ako ng tago sa taong wala namang atraso sa akin. Ayoko lang talaga sa kanya! At ang pangit pa sa part na, hindi ako makaisip ng ideya kung papano mahulog ang loob ni Chloe sa akin.
YOU ARE READING
Together With You (Unedited Version)
RomanceCharlotta Embeyr Rooseveltun has everything people dream of-wealth, prestige, and a future waiting for her. Yet behind the glamorous surname is a daughter desperate to prove she can survive without her father's influence. To support herself, Charlot...
