TWY I

312 2 0
                                        

I. A gift

"Ay sayang! Hindi ako nakapasok sa mga nabigyan ng scholarship.. tsk, tsk!"

"Ako rin naman, kailangan pa yatang mas mataas sa uno ang equivalent grade bago makapasa! Malabo tuloy natin maging kaklase si Charlotta!"

Inalis ko sa pagkakasukbit sa balikat ko ang aking shoulder bag. Madami ang hindi nakapasa sa pagtanggap ng scholarship kaya nagsipagalisan ang mga seniors at ang kanina pang papel na dinumog ng mga seniors ay sa wakas ay inalisan na.

Binilisan ko ang paghahagilap ng pangalan ko rito dahil maghahanap pa ako ng building at rooms na papasukan ko.

"College of Architecture"

Nasan, nasan na yung pangalan ko?

Shit!

Ang kanina pang pagkabigong mukha ay napalitan ng saya! Ang sarap sa pakiramdam na nakapasok ka sa scholarship! Malaki rin ang tulong nito sa pagaaral ko lalo na't sina Mama nalang at Kuya ang inaasahan kong magpapaaral sa akin.

Mabuti nalang kahit papaano ay may trabaho ako sa cafeteria malapit lang din dito sa campus. Part time at night shift ako kaya late night na ako nakakauwi sa amin.

"Tabi nga dyan! Don't block my way." Galit na hinawi ng hindi kilalang babae ang pwesto kung saan ako nakatayo. Mukha siyang lalaki pumorma. Mataray at malalim ang tingin.

"Excuse me? Ito lang ba yung nakalagay na paskil ng mga nakapasa sa scholarship?" Diretso ang kanyang tingin at inangat ang isang kilay. 

Maselan ang isang 'to!

"Am I talking to wind? Kasi yung kausap ko ay hindi ako kinikibo. O baka naman ay PWD ito kaya hindi nakakapagsalita? Pero mas matino naman PWDs kung ikukumpara sa taong ito."

Agad namang tumaas ang kaliwang kilay ko. I am quite offended to what she said. Di hamak na mas matino naman ako sa PWD na inaakala niya! Sa ganda kong 'to, mapagkakamalan pang may disability?

Umiling ako ng maraming beses at tinigil ang masamang balak sa isipan ko. Maganda nga ngunit mukha namang lalaki!

"Wala na nga ba talaga? Is this a last batch? I will try again if they will re open for the next batch." Bigla kong sinampal ng mahina yung mukha ko at klinaro ang lalamunan.

"Ah, opo! Iyan na raw ang last batch!" At sa huling pagkakataon ay nginitian ko siya.

Chance mo na yon, Jianné. Don't take another chance or else you will be in regret later on!

"Tsk.. ganyan ba talaga ang mga freshmen dito? Ni hindi man lang marunong sumagot sa tamang paraan?"

"And why are you smiling then? May nakakatawa ba sa mukha ko?" Kumunot ang kanyang noo at agresibong pinagpagan ang mukha. She swiftly shaking off her face.

"Wala naman po. By the way, my name is Jianné Agustin and you?" Nilahad ko ang aking palad at tinignan niya lang ang aking kamay.

"Nice name.. but who cares... I'm not asking your name huwag kang feeling close dyan." maikli niyang sambit tsaka umalis na rin sa harap ko.

"S-sandali!" may hahabulin pa sana akong salita kaso naputol dahil sa bilis ng kanyang pagkawala.

Haist... ikaw na babaeng tomboy ka. Haist! Pasalamat ka, maganda at matangkad ka kaya ko pinalampas itong inis na nararamdaman ko sa'yo. Ako na nga lang itong nagmamagandang loob na lapitan ka at syempre magpakilala sa'yo but it was bad to approach you in a nice way.

Together With You (Unedited Version)Stories to obsess over. Discover now