2.1 Email
Sinabi ni Undro sa akin na mas active itong Chloe sa gmail kaya nagsend ako ng casual email sa kaniya. Wala palang kabuhay-buhay ang social media niya.
Tinext ko si Undro at tinanong ang socials ni Chloe. Tingin ko naman ay mayroon siya kahit FB!
Ilang minuto ang nakalipas ay nagtext din si Undro.
Undro:
Chloe lang, naka single name lang sa fb yon. Tas ang profile pic niya ay nong childhood pic niya. Basta ganon, search mo nalang. Naka deactivate IG at Twitter niya. Fb lang natitirang socials niya.
Jianné:
Nagrereply ba 'to sa email?
Undro:
Oo naman. Mas active siya riyan kasi may blog yata siyang ginagawa at under revision yong isa pa. Bye na, may klase pa ako.
Nasapo ko ang aking noo at inisa isang tignan ang Chloe sa facebook! Ang dami nito?! Sino ka rito?
Sa wakas ay nahanap ko rin. Ang profile pic niya ay batang kumakain ng cherry. Maganda ang buhok, may kaunting piraso ng bangs. At hindi mo mahahalatang nanggaling sa hirap.
Pinindot ko ang friend request button at hinihintay ang pag accept niya ng request ko.
"Hays, kelan ba siya magrereply sa mga email ko? Ngayong marami akong vacant ay siya naman itong maraming ginagawa!"
Hindi nga pala pala reply ang isang 'to. Sabi naman ni Undro ay mabilis siyang magreply dito dahil active siya sa gmail. O bakq naman natabunan na!
Umiling ako ng mabilis at hindi na muling inalala pa ang sinabi niya sa akin ng nakaraang hapon. Umaalingawngaw sa utak ko ang mga sinabi niya.
"Oh, nagreply back na ba?" Sa inis ko ay mabilis kong kinamot ang ulo ko. "Wag mo muna akong kausapin."
"Humigop ka nga muna ng ramen para may energy ka mamaya 'pag nagcheer-up ka kay Chloe." tumigil ako sa pagmomonitor sa screen at bumaling kay Devyn: na nangaasar pa.
"Marami pa akong time para riyan at isa pa, hinihintay kong i accept niya ang friend request ko sa fb." lalong lumakas ang tawa ni Devyn.
"You wasting your time just for searching on Chloe's social?! Akala ko ba ay taong gubat 'yon!" tawa niya saka hinigop ang kapeng tinimpla niya.
"Huwag ka ngang magulo, Devyn!"
"Kaya ko nga ginagawa ito ay para tantanan na ako ni Rodn, hindi ako nagpapacharming sa gagong 'yon. She's an assh*le. Freaking asshole!"
"I don't talk to stranger. Please refrain from email me." hinampas ko nang malakas ang keyboard ko at nagpipigil sa galit.
"And please lang, wag mo ng halughugin social media ko! Nananahimik fb ko." dahan dahan kong binabasa ang sinabi niya sa gmail.
"Bakit anong sabi niya sa'yo?"
"It's none of your business!" galit kong sagot.
Tangina naman talaga! Kung kailan maganda ang sikat ng araw ngayon tsaka pa ako nabadtrip!
"Paano kita matutulungan diyan? Patingin nga raw." agad kong tiniklop ang laptop ko at napahalukipkip si Devyn, tila nananadyang manuya ng kaibigan.
"Kung si Chloe ka lang nabigwasan na kita e!" akmang sisipain ko siya nang makaiwas si Devyn.
"Dinelete ang friend request ko! Hindi ko na tuloy siya masendan ng friend request!" pagmamaktol ko.
-----
YOU ARE READING
Together With You (Unedited Version)
RomanceCharlotta Embeyr Rooseveltun has everything people dream of-wealth, prestige, and a future waiting for her. Yet behind the glamorous surname is a daughter desperate to prove she can survive without her father's influence. To support herself, Charlot...
