3.2 Her weakness
Magaalas diyes na pala ng gabi! Nagmadali kong hinubad ang apron na nakapulupot sa baywang ko at dali ring nagsuot ng pampalit. Working student ako ngayon.
'Yung sasahurin ko, yon ang magiging baon ko sa pang araw araw. At hindi naman ako natuwa ngayong semester dahil pinaulanan kami ng gawain at pagkadami daming projects!
”Hatid na kita,” nagulantang ako sa biglang nagsalita. si Chloe pala nakasandal sa upuan, hinihintay pala ako.
”Ba't alam mong nandito ako?” inirapan laman ako nito bilang tugon.
”Malamang kasi ako naghire sa 'yo? Dami mong dada! Akin na bag mo! Dami mong abubot." natulala akong sinusundan siya.
Halatang naligo sa ulan ang isang 'to. O kakaligo lang? Basa ang buhok e! E malamang self, naligo 'yan!
”Hop in,” masungit niyang utos.
”Uunahan na kita. Wala kang masasakyan na jeep, trike or bus dito. Miski pedicab, wala. Ang Thailand ay parang Pinas lang 'yan. Pag alam mong halanganin ka na sa paguwi, asahan mong wala ng masasakay sa 'yo. Pangalawa, I am not your personal driver. Inalok lang kita ng sakay kasi alam kong wala kang masasakyan at walang tigil din ang ulan.”
Hindi na ako nakapagsalita. Alam na alam niya ang mga susunod kong sasabihin. Nababasa kaya ni Chloe ang nasa utak ko?
”Salamat din sa pagpunta kanina.” may kung anong binato siya sa akin.
"Woah! New phone, huh?” agad kong binuksan ang box.
Namangha ako sa kulay ng cellphone at samsung ang brand. Halatang brand new ito at mukhang kabibili lang sa store.
”Namili na rin ako ng case niyan at airpod mo. Alam kong hihiritan mo ako ng bagay na wala sa pinagusapan.” hindi magkamayaw ang tuwa ko.
Gusto kong magtatatalon sa tuwa. Gusto kong ipagsigawang may bago na akong cellphone! Sobra ang saya ko kasi ang dati kong phone ay no'ng 3rd year highschool pa ako. Hindi na 'yon nasundan.
"Salamat, Chloe! Salamat..." namumutawi kong saad.
”Bumaba kana. Goodluck tom,” she pat my head and smiled.
––-
”Tuwang-tuwa ka naman sa bago mong phone!" ngumiwi ako sa paghiyaw ni Devyn.
”Gaga! Ngayon lang ako naging ganito!" inirapan ko ang bruha at muling pinagmasdan ang bagong phone.
”Binyagan na 'yan!” pangaasar ng bruha.
”Punas na punas ang phone ha? Pero 'pag tumagal na ay ibabalibag na lang o kaya ihahagis no?"
”Siraulo!” utas ko.
From: Assh*ole
"Bukas ng 7am ang pasahan ng application form sa musical club. Actually maraming clubs yon, nakalimutan ko na yung iba kaya dyan lang muna kita nirekomenda. Tsaka, nawawala pala application form mo. Hinangin yata. Magfillup kana lang uli."
Pagkatapos noon ay may kadugtong pang chat sa nauna.
"Magready ka rin bukas dahil may pupuntahan tayo."
Napakagat ako sa labi at nilapag sa table yung cellphone ko. Iningatan ko rin talaga to.
"May club ka ng napili, gaga?” ani Devyn habang pinagsalikom ang mga tracing papers.
”Ewan ko pa. Baka sa club na nirekomenda ni Chloe.”
”Tss... dapat same tayong anim! Ano 'yon, magkakaibang club tayo, ganon?!”
YOU ARE READING
Together With You (Unedited Version)
RomanceCharlotta Embeyr Rooseveltun has everything people dream of-wealth, prestige, and a future waiting for her. Yet behind the glamorous surname is a daughter desperate to prove she can survive without her father's influence. To support herself, Charlot...
