TWY 7

35 1 0
                                        

3. Musical Club

Nasan ako?

Tinanong ko agad ang aking sarili kung nasaang kwarto ako at ang huling tanda ko ay hindi ito yung kwarto ni Devyn. Kinapkapan ko ang sarili ko. Baka may gumalaw sa akin.

Makalipas ang ilang oras na pahinga ay bumangon ako. Nilagnat pala ako kagabi?

Hinahanap ko ang cellphone ko pero naalala ko palang wala akong cellphone at nasira 'yon.

”Oh, good morning! Kamusta ang pakiramdam mo?” kumunot kaagad ang noo ko nang makita ko siyang iniistir ang baso.

”B-bakit ako nandito? Ikaw ba ang nagdala sa akin dito?!”

"Mabuti nga't inuwi pa kita. Tss, ungrateful yarn?"

”Obvious naman na ako ang nagdala sa'yo rito sa dorm ko. O, kape, Saturday ngayon at chineck ko schedule mo.., dalawang subject lang pala yung papasukan mo.” sinusundan ko siya ng tingin at inabot ang tinimpla niya sa aking kape.

”Do you remember anything?” umupo siya sa tabi ko at para siyang may nakakadiring sakit kung pandirihan ko.

”Watch out, you are going to fall!”

Hinawakan niya kaagad ang kamay ko para hindi ako tuluyang mahiga sa sahig.

"Sus, oa? Hindi naman ako malalaglag e! Dibale ng malaglag sa sahig 'wag lang sa katulad mo!"

Dahan dahan siyang lumapit sa akin. "Unti unti ka na ngang nahuhulog sa akin, halata na." pumahid siya ng mabilis sa baba ko gamit ang hintuturo.

”Mrs. Manabat calling”

"Just answer it.” sumenyas siya na sagutin ko ang tawag galing sa phone niya at tinaliman siya ng titig ng mas maigi.

”Hello po, Ma'am?” magalang kong sagot sa prof na nanira ng grades ko.

Tinitigan ako ni Chloe at nakikita ko roon ang malapad niyang ngisi, tila nangaasar.

”Bagsak ka sa subject ko. Okay lang ba sa'yo na bigyan kita ng tres? Hindi ka man lang nagpapasa ng activities sa akin. Hija, anong ilalagay ko rito? Drop? Failed? Inc?”

”Ma'am, hindi na po ba magagawan ng paraan?"

"Ewan ko sa'yo, hija. Sige na, ibababa ko na 'to."

Humugot ako ng isang malaking hininga at muling sinulyapan ang cellphone.

Tangina talaga! Ngayong araw pa talaga ang bungad? Tres is not a goody grades! Kahit man lang 2.75! Hays nasisira ang card ko sa tres na 'yan!

Hindi ko pwedeng kuhanin ang tres na grade na 'yon! Mine-maintain ko nga mga grades ko na lahat uno o kaya dos. Mapapatalsik ako sa school na yon kapag nagkaroon ako ng kaisa-isang tres!

”Hmmm.., sino yung nakausap mo sa phone?” ngumuso siya sa direksyon ng phone na hanggang ngayon ay hawak-hawak ko.

"It's none of your business!” galit kong tugon sa kanya.

"It's none of your business too." bigla niyang inagaw ang phone na hawak ko.

"I knew her. Mrs. Manabat is your minor prof, right? May paraan pa naman." mas lalong lumawak ang ngisi nito.

"Alam mo naman pala! Tinanong mo pa!" I snorted.

”Really?” bigla siyang natawa sa sinabi ko. Ano bang mali roon? Ni hindi naman niya talaga ako matutulungan doon!

”Alam mo? Cellphone lang ang kailangan ko at mataas na grades. I know that you can't help me. Bakit? Ikaw ba ang nagmamayari ng school, huh?"

”What if I said yes, may magagawa ka ba?” Agad kong tinignan yung student I.D niya bilang katunayan na siya nga ang nagmamayari ng University na kasalukuyang pinapasukan ko.

Together With You (Unedited Version)Stories to obsess over. Discover now