TWY 9

28 1 0
                                        

3.3 Disappointment

Pinaulanan ako ng tawag ng hinayupak. Nilisan ko na nga ang studio para hindi siya makasunod. And here we go again: naghahabol na naman ang tanga.

"Jianné, tara manood tayo ng spoken poetry sa gym!" masiglang bumaba sa motor si Rodn at kinaladkad niya ako patungo roon.

Fuck this! I cannot escape from his chase. Lagi nalang ganito ang eksena. Mabuti nalang at nandito si Chloe, tagahawi ng kapit kamay.

"Jianné, maiwan kana namin. May secret date pa kayo ni Rodn, madamay pa kami sa harutan n'yo. Bye!" Kinagat ko ang pangitaas na labi at sinesenyasan ko sila na wag nila akong iwanan kay Rodn.

"Bye, Jianné! Enjoy with Rodn!" talagang nangaasar pa?

"May araw din kayo!"

Hindi pa rin talaga ako tinitigilan ng bading na 'to. How could I explain to him na hinding hindi ko siya pagnanasaan? Talagang nangyamot pa mga kaibigan ko? Kuhang kuha ninyo pika ko!

Nang nakikinig kami ng tula ni Chloe sa harap ay bigla siyang tumigil rito at nagmadaling bumaba.

Agad na hinanap ng aking mata ang kanyang pagkatao at maging anino ay hindi ko nakita dahil sa bilis ng kanyang pagkawala. Mas mabilis pa sa kidlat ang pagalis niya.

"Kanina pa natapos ang speech ko sa harap, bali pumalit lang ako bilang pansamantalang back-up. Bakit magkasama na naman kayo?" hinawi niya yung kamay namin ni Rodn sa isa't-isa.

Oo nga! Bat hawak ko kamay ng baliw na 'to?! Nawaglit sa isipan ko!

"May vocal lesson ka mamaya. Tara na!" giit niya sabay hinatak ang braso ko papunta sa kanya.

"Pwede bang wag ka munang mangialam? Nakita mong nanonood pa kami ni Jianné ng spoken poetry e!" sambit ni Rodn sabay bawi niya sa akin kay Chloe.

"Kilalanin mo kung sino ang kinakalaban mo ha!" sabay hagis niya ng id sa harapan ni Rodn.

"Hindi ko alam na may namamagitan na pala sa inyo ni Rodn. Ano bang usapan natin, Ms, Agustin? Baka nalimutan mong may obligasyon ka na kailangan mong gawin?! Ano?! Lalakero ka?"

"Hindi ba, honor student ka? Sana man lang kahit doon ay bumawi ka! Hindi ka pinagaaral sa ibang bansa para mangalabit ng kung sinu sinong lalaki na lalandiin!" binitawan niya ang braso ko at mabilis hinahaplos iyondahil sa sakit ng pagkakahawak niya sa akin kanina.

"Sakal na sakal ang braso ko, ha?! At hinay hinay lang sa pagsasalita ng hindi maganda Chloe! Kaya nga kita ginagamit para lubayan na ako ng gunggong na 'to e!"

Natigilan si Chloe. Umaangil siya. At ganon din si Rodn, sandali siyang napanganga sa narinig sa akin.

"Heto ba yung hinahanap mo? O ayan binibigay ko na.., sa susunod na makita ko pa kayo ni Rodn na magkasama at naglalandian sa tabi-tabi ay hindi ako magdadalawang isip na patalsikin ka sa University na 'to!"

"Kung ako sainyo, tigilan niyo na akong dalawa! Hirap na hirap na ako!"

Nagwalk out na lamang si Rodn at hindi na siya muli pang bumalik pagkatapos kong sabihin yon. Kailangan lang palang himigan ng katotohanan para lumayo! Dapat matagal ko ng kinompronta ang bagay na 'yon edi sana wala akong love connection sa Chloe na yon!

Lumawak ang ngiti ko dahil sa sobrang tuwa niya sa selos sa amin ni Rodn. At ano ang ibig sabihin niya sa ganon? Does she get jealous over Rodn?

"Hindi mo man lang ako sinabihan na nagseselos ka pala sa kanya. Bakit? Ano bang mayroon sa atin?" pangungulit ko.

Together With You (Unedited Version)Stories to obsess over. Discover now