TWY 6

31 2 0
                                        

2.3 A Good Fighter

Maaga akong nagising. Hindi ko na ginising si Devyn dahil napuyat ito kagabi sa kasusulat ng description ng plates namin.

Hindi naman niya alam na hinatid ako ni Chloe. Alam nilanh ginagabi na ako ng uwi dahil naglalakad lang ako.

At curious din ang babae dahil tinatanong niya ako kagabi kung anong pangalan ng gitaristang nakakasama ni Chloe sa banda nila. She really hates concert pero nagbago ang pananaw niya bigla.

Ewan! Ang daming lalaking nagkakandarapa kay Devyn pero nagsusumiksik sa crush niyang gitarista! Madalas kong nahuhuli iyon na ngumingiti sa cellphone, marahil ay may nagugustuhan sa gitarista.

”Ms, Agustin, baka gusto mong sumali sa school organization natin para madagdagan ang points mo.” nilapitan ako ng class president namin.

Madalas kong sinusungitan si Alliyah bukod sa isa siya sa leader ng fansclub ni Chloe ay nahuhuli kong nagpapalagay ng signature sa pinaglumaan niyang damit.

”I am contented on what I have grades today.” sabi ko at nagdrawing na ulit, kailangan na naming ipasa ito at may esquisse pa kami.

Nakakabaliw pala talaga ang majors! Pero mas nakakabaliw ang requirements ng minors.

Tinambakan kami ng mga prof ng gawain dahil trip nilang mamahinga kami sa langit.

Alam ko matatapos na ang 2nd year journey ko pero please, awat na mga profs. Nanghihina na kamay ko sa kadadrawing.

"Wala ka talagang social interaction. Lowbat na ba social battery mo?" Wika ni Liza sa akin na patapos na sa kaniyang plates. Sana all!

"Wala, ayoko lang talaga nakikipagplastikan sa bruhang 'yon!" tumawa ng malakas si Liza.

Wala pa si Undro, as usual, tulog mantika ang isang 'yon! Napupuyat siguro sa nililigawan. Si Devyn naman ay hindi ko kaklase ngayong sem. Si Tabita ay kaklase ni Devyn. Itong dalawa lang na 'to ang kaklase ko.

”Just check my email. Join the school organization and I will give to you our agreement.”

Napatakip ako ng bibig. Oh no, not! Anong agreement 'yon at ba't di ako aware?!

Nasapak ko yung drafting table na kasalukuyang kaharap ko ngayon!

”Jiannè, pakuha naman ng idea sa plates mo, promise hindi ko gagayahin lahat.” sinamaan ko ng tingin si Liza na nagsusumikap na mangopya ng gawa ko.

"Marami sa pinterest, hindi ka ba nainspire man lang doon?" sambit ko habang seryosong ginuguhit ang puno sa kabahayan.

"Sige na," ngumuso siya sa akin at nagpacute. hindi talaga papadaig ang kakyutan ng isang 'to!

”Ako rin, Jianné.” At dinumog na nga ng mga kaklase ko sa design 4 ang gawa ko. Kaunti pa lang ang gawa ko pero manghang mangha mga kaklase ko!

”Pati rin kami!”

”Hays! Sige na, sa inyo na iyan! Gagawa nalang ako ng panibago. Just make sure that all of you can present it later on!” napailing ako sa ginawa nila at lumabas na lang para bumili ng pagkain sa canteen.

Matagal pa naman ang susunod na klase. Hindi rin ako makatambay sa dorm dahil medyo malayo ito sa school. Need mo pang sumakay sa trike bago makarating doon. Tatlong oras lang ang vacant ko ngayon!

Umupo ako sa bakanteng upuan. Ngayon ay tapos na ang lunch break kaya kakonti lang anga estyudanteng nakatambay dito. Nandito ako para tumambay at maghanap ng signal. Hindi kasi ako pala asa sa wifi ng school.

Together With You (Unedited Version)Stories to obsess over. Discover now