Special Chapter II
Humihikab akong nagdadalawang-isip na kung panoorin ko pa ba yung CD na binigay sa akin ni Chloe kahapon o hindi na dahil masasaktan lang ako.
"Tignan mo ito kung may oras ka pa. Hindi ako makakapunta ng last concert kasi may bagay akong kailangan asikasuhin."
Biglang nalang tumulo ang luha sa mga mata ko at agad ko naman iyong pinunasan.
Bakit ba ako umiiyak ng ganito? Alam ko naman na mataas ang humor nitong si Chloe kaya hindi agad ako maniniwala sa kanya! Dadating siya sa concert nila and I make sure she'll going to perform well. Baka may sudden family issue sa kanila kaya ganoon na naman siya umasta. Hay nako, Chloe! Huwag ka namang magbiro ng ganiyan..
"Aw... hindi ka pa ba magaggayak? May digital renderings tayo, ha?" Anya Devyn na nagsusuklay ng pinatuyong buhok.
"Wala akong ganang ipasa yan. Ikaw nalang magpasa kay Ms. Jenlia, tinatamad ako." tumayo ako at kinuha ang jacket sa ibabaw ng lamesa ni Devyn.
"Saan ka pupun—" naudlot yon nang makaalis na ako sa dorm namin.
Tumakbo ako nang matulin at pumunta sa campus upang hanapin si Chloe. Pambira! Ang lawak ng University na ito! Saan ko ba siya hahagilapin?!
"Nakita n'yo ba si Chloe?" nanginginig ang aking boses nang itanong ko kay Sana at kay Rodn.
"Aw... wala siya sa stage e... tsaka hindi ba, magkadorm mates kayo, bakit hindi mo alam na magkasama kayo?" takang sabi ni Rodn.
"Matagal na akong lumipat sa ibang dorm at bumalik na uli ako kala Devyn. I have no idea where Chloe is right now! Iupdate n'yo ako 'pag nakita n'yo na siya."
Lumayo na ako sa kanila at kinuha ang cellphone sa bulsa ko.
Chloe Ringing
Sorry this person isn't available right now. Please try again later.
Shi! Sagutin mo 'to, please, Chloe! Kailangan mong pumunta sa concert! Kailangan kitang makita na nagpeperform sa stage! I want you to be on stage! Gusto kong masaksihan ang talento mo!
Ilang beses ng ganito ang contact number niya. Hindi siya mareach out. Hindi ganito katagal si Chloe sumagot ng tawag. Agad agad siyang rumiresponde sa tawag o text ko. Imposible namang mangyari ito!
"Hansel, Rile? Nakita n'yo ba si Chloe? Hindi ba kayo ang kalaro niya sa badminton?"
"Shit! Hindi mo ba nabalitaan? Chloe won't go on stage to perform. Hindi siya tutuloy sa concert. Wala din kaming ideya kung nasaan siya ngayon. Pero ang sabi niya, may aasikasuhin lang daw siyang importante and the rest was history, wala na kaming ibang nabalitaan sa kanya."
"Hindi ba ikaw yung girlfriend niya? O dapat alam mo kung nasaan siya! Kayo yung palaging magkasama!" pinasadahan ko ng pagalit ang buhok ko sa sobrang inis and clicked my tounge in annoyance.
"Noong natapos ang laro ay nakapagcelebrate pa kami sa La Salle Hotel. Nakainom kami noon tapos naihatid namin siya sa kanila. Tapos kinabukasan, wala na siyang reply sa mga chats namin."
"Sige, salamat. Goodluck nga pala sa laban n'yo next week." nagpaalam na ako sa kanila at umalis.
Lutang akong tinatahak ang daan malapit dito sa College of Business department. Pinipilit ko pa rin ang sarili ko na alamin kung nasaan na ba si Chloe kahit na walang kasagutan.
"Jianné! Andito ka lang pala! Magsisimula na yung labanan ng banda. Tara na, madaming magagandang performer, oh!"
"At 'wag mong kalilimutan! Today is the concert of Day 6!" nagsipagapiran ang mga kaibigan ko.
YOU ARE READING
Together With You (Unedited Version)
RomanceCharlotta Embeyr Rooseveltun has everything people dream of-wealth, prestige, and a future waiting for her. Yet behind the glamorous surname is a daughter desperate to prove she can survive without her father's influence. To support herself, Charlot...
