TWY 10

32 1 0
                                        

4. Apologize

To: Assh*le

"Bakit hindi mo man lang ako winelcome kagabi? Ano bang problema mo? Hindi ba, hindi na nga ako pumayag sa fake association natin. I just wanted to say thank you for the effort making me happy yesterday night."

You can't sent this message!

Ilang beses ko nang pinipindot yung send button dahil nagbabakasakali akong matanggap niya ito.

"O, anyare sa'yo? Why are you being quiet recently? Haish, sabi ko na nga ba! Walang magandang naidudulot ang pagibig na 'yan! O, ano? Love quarrel ba kayo ni Charlotta Embeyr?" tinignan ko siya nang may pagdududa sa mukha.

"Sinong Charlotta Embeyr?" natatawa kong usisa sa kanya, kay Devyn na kaharap na naman ang Ipad niya.

Nakasuot siya ngayon ng sports bra dahil sa init ng panahon. At kamakailan, namili siya ng bagong Ipad. Regalo raw ng ate atehan niya.

Hindi ko alam sa'n nagugat ang kasiyahan niya gayung laging bukambibig niya ang ate atehan at hindi niya raw gusto 'yon. Ngayon, kulang nalang ay magtatatalon siya sa tuwa.

Nagtitipid kami sa kuryente ngayon. Akala ko kapag sinabing Bhat na currency ay mas mura sa Pilipinas. Mapapamura ka nalang sa mahal ng bilihin sa Thailand!

"Edi sino pa nga ba kung hindi si Chloe!" Ani Devyn na nagpupunas ng pawis.

"Alam mo, ganito yon e. Kaya ka niya hinimok na sumali sa musical club ay para at least makabawi ka sa binagsak mong grade. Natatakot siyang matanggal ka sa University na pinapasukan mo ngayon."

"Lumayo ka nga ng konti!" I push her slightly. Naramdaman ko ang pawisin niyang kilikili.

"Pakaarte naman? She is too damn pity on you. Kaya siguro siya nagalit nang ganon sa'yo ay marahil nagulat siya sa ginawa mo."

"Kaya ang maganda mong gawin dyan ay do an apology. Humingi ka ng sorry ng paulit-ulit hangga't sa maging okay na kayo. Ang tanga mo kasi e!"


——

Nagtungo ako sa cr para maghilamos at umisip ng maari kong plano para sa mamaya.

Kanina kasi ay nagkita na kami ni Chloe subalit hindi niya ako pinansin. Yung pangalawa naman ay nasa Larrily Shop siya ngunit hindi parin niya ako pinapansin. Busy siya sa pagsa-sign ng mga papel sa fans niya sa school.

Hindi ko alam kung tama ba yung ginawa ko na kinaibigan ko lang siya ay dahil may matindi akong pangangailangan.

"Chloe, look..." sutsot ni Leader Cha at nung kaibigan niyang isa.

"Tara, sa iba tayo magpunta." umiling-iling siya at mabilis na kumanan para hindi ko siya masundan.

——

"Hey, Jianné! Kamusta ang araw mo? Mukhang nabadtrip ka today. Dahil matumal ang benta ng binake kong cupcakes. Tara, tikman mo itong freetaste ko." Sinubuan niya ako ng cupcake at kinagat ko iyon.

"Thank you rito, ah.., mabuti ka pa, naappreciate mo ako kahit sobrang galit ko na sa pangungulit mo."

"Tsaka nararamdaman ko na rin yung pakiramdam mo na sa tuwing tinataboy kita nang dahil sa pangungulit mo ay naging ganon din ang pagtrato ng ibang tao sa akin."

"Iba pala talaga yung feeling kapag ikaw na yung nakaramdam." hinahaplos ni Rodn yung likuran ko at pilit na pinapataha sa makulit kong luha.

Together With You (Unedited Version)Stories to obsess over. Discover now