14

82 6 1
                                    

Walang kibuan kaming pumasok sa sasakyan niya at umalis.

Girlfriend? I'm already his girlfriend? Hindi mapalagay ang kilig sa loob-looban ko! Pero hindi pa rin ako sure. Pano niya naman ako naging girlfriend? Random dates, gano'n? Kami na agad?

I mean, dating stage is very fine. Compatibility talaga ang importante bago pumasok sa relasyon, at wala naman kaming problema doon. Hindi ko lang talaga napansin kung paano kaming naging komportable sa isa't isa. Siyempre! Nakakagulat ang mga pangyayari.

Crush ko lang? Tapos biglang naging boyfriend ko na? It's really fucking unimaginable! But still, I don't wanna demand since it come out from him na girlfriend niya ako, and of course I have plans to when to question him about that.

Nilingon ko siya habang nagda-drive. Uminit agad ang pisngi ko nang nilingon niya rin ako. Ang gwapo pa rin kahit naka side-view!

Tiningnan ko ang wrist watch ko. Its 6:58pm at agad naman kaming nakarating sa apartment ko.

Ngumiti ako sa kanya. "Magluluto lang muna ako, ah? Manood ka nalang ng kung ano diyan,"

Tumango naman siya at ngumiti. "Anong lulutuin mo?"

"Secret."

Tinulungan niya pa muna akong ligpitin ang mga pinamili namin at itinira ko naman ang mga sangkap na kasama sa pagluluto ko. Nang sa wakas ay maupo siya'y nagsimula na akong magluto. Pininyahang manok iyon.

Habang nagluluto ay pansin ko talagang pilit niyang dinudungaw ang niluluto ko. Bakit panay tingin siya dito? Gutom much? Bragging lang siya na matangkad siya? Alam kong mabango pero sabi nang secret, e! Master pa naman rin 'yan sa pagluluto. Bahala na nga.

"Halika halika! Tikman mo," tawag ko sa kanya at dinilaan ang kutsarang hawak ko.

Buti nalang masarap kang magluto, Leina. Ideal wife ka na! Kinagat ko ang pang ibabang labi para pigilan ang pag-tawa.

"Ano 'yan?" he said. "Bango, ah?"

Umirap ako. "Luto ko 'yan, ano bang inexpect mo?" I said. "Pininyahang manok."

"Tikim nga,"

Tumango ako at kumuha ng ibang kutsara. Dugyot naman kung 'yung kutsarang dinilaan ko ang ipapasok ko sa bunganga niya.

"Ito."

Ninamnam niya pa muna ang sabaw habang tumatango tango na parang tanga.

"Masarap ba?" I said. He gave me two thumbs up.

I bit the insides of my cheeks. Mauubos na ata lahat ng mura sa utak ko sa sobrang kilig. Ang lapit kasi namin sa isa't isa. Bahagya pa siyang humalakhak at kumuha na ng pinggan na gagamitin namin sa pagkain. Para kaming live in couple. Char.

"'Pag nothing's special pa rin 'yang luto ko papalabasin talaga kita rito." sabi ko pa at nilagay sa hapag ang ulam.

Tumawa siya. "You still remember that?"

Umirap ulit ako. "Siyempre, sa 'yo galing."

Ay pasmado bibig mo, Leina?

Tumaas lang ang kilay niya saka siya ngumisi. Ewan ko lang, ha, pero kasi hindi ako masyadong nakakasalamuha ng mga lalaking umaarko ang kilay, siya parang hobby niya ata. Nang aasar lagi, e.

Nagsimula kaming kumain at tanging TV lang ang maingay sa lugar. Parehas kaming nakangiti sa isa't isa pero hindi kami nagsasalita. Kilig na naman ako. Ayoko na ata tapusin ang araw na 'to, siyempre, gusto ko kasama ko siya lagi.

"Namimiss mo rin ba ako?"

Tanong ko sa kanya. Sobrang random pero gusto kong malaman, kasi kung ako ang tatanungin? Walang araw na hindi ko siya namimiss.

With You in the Middle of NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon