29

103 6 1
                                    

Heleina  Rellejo


I fucking hate my family. Why can't they just treat Leina fairly? I hate myself rather for letting them doing all this shit to my cousin.

Ang tanga rin nito ni Leina, hindi marunong lumaban! Palibhasa'y nasobrahan sa bait kaya hinahayaan niyang saktan at lapastanganin siya ng mga magulang ko!

Dahil lang sa pera.

"Ma, tama na! Wala kang makukuha sa cabinet ng Leina na 'yan. I know better, okay? Lagi kong pinapasok ang kwarto niya para hanapin ang papeles na hinahanap natin!" I exaggerate my tone.

As expected, nakumbinsi ko na naman siya.

Bahagya siyang ngumisi. "Good girl. Mana ka talaga sa akin. Importante iyon para sa amin ng daddy mo at para na rin sa future mo, anak. Hindi lang iyon basta-bastang papeles," hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan bago siya umalis.

Creep.

Leina is currently reading books at the school library by now at ako naman ay absent. I lied to mom. Hindi ko pinapasok ang silid ni Leina for the sake of their needs! Screw them. I can build my own career and future without their help!

Nasilaw sila masyado sa kayamanan ng mga tunay na Phoebes. My mom and Leina's mom were step-sisters. Anak sa ibang lalaki si mommy at hindi sa lolo ni Leina na si Delfin. That rich old guy. Kaya ganoon nalang ang inggit ni mommy kay Tita Leiana.

I'm old enough to know these things. Sa murang edad ko ay nasaksihan ko na ang mga hindi kaaya-ayang pangbababoy nila kay Leina. Gusto ko man siyang tulungan, ayaw kong madagdagan ang pasa niya sa tuwing sinasampal at sinasaktan siya ng mga magulang ko.

Ni hindi niya alam na hindi talaga kami magkapatid.

"Heleina! Sup?"

I rolled my eyes at the guy beside me. "Good. Now, get lost,"

Nagkamot siya ng ulo. "Maldita mo talaga,  'no? Magkaiba talaga kayo ni Leina,"

Tinaasan ko siya ng kilay. Sino ba itong lalaking 'to? I can tell that he's still in highschool dahil sa uniform niya. Ganunman, mas matangkad siya sa akin. Malinis, maganda ang buhok at mukhang barumbado para sa akin.

Kung alam niya lang ang mga plano ko para palayasin na sa bahay namin 'yang si Leina para hindi na siya mahirapan ay baka sabihin niya pang napakabait ko.

Inirapan ko lang siya at dumiretso sa paglalakad.

I literally had a hard time thinking about it. Malapit na ang birthday ko at narinig ko ang pag uusap nina mommy tungkol doon.

"Should we invite that Delfin?" Si Dad.

"No way! I don't want him to know that Leina's with us. Hindi ko siya magagamit para makuha ang ari-arian ng Ina ko!"

Tumango-tango si Dad. "Alright, then. Anong gagawin natin diyan sa pamangkin mo? "

I saw her smirked before saying, "Matutuwa si Heleina kung gagawin ko siyang serbedora."

Nasapo ko ang noo. Shit. Sana makisakay nalang si Leina sa oras na 'yon. Dahil sa oras na tatanggi pa siya, mas lalo siyang mahihirapang talaga. Napabuntonghininga nalang ako dahil sa kahayupan ng mga magulang ko.

Kinakahiya ko sila.

"Happy birthday, Hel!"

The time has come. My girl friends kissed my cheeks as they greeted. Pero ang mga titig ko ay tanging naroon kay Leina. Parang sinuntok ang dibdib ko sa sakit nang makitang ngumingiti siya sa mga tao habang binibigyan sila ng mga kinakailangan nila.

With You in the Middle of NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon