Can't sleep. Binabad ko nalang ang sarili sa pag iyak. Sinubukan kong magpinta pero hindi ko rin magawa. Masyado akong nawasak.
Nakakawalang gana.
Nanginginig ang kamay ko habang pinapahid ang mga luha sa pisngi ko.
Kapatid naman kita. Bakit naman ganito? Hindi ka pa ba kontento sa lahat ng ginawa mo sa 'kin? Pagod na ako e. Pagod na pagod na ako.
Bumuntong hininga ako at muling pinahid ang mga luha.
It was indeed their engagement. Nakaukit ang pangalan nilang dalawa sa invitation card kasama ang setting at oras magaganap ang party.
I should've ask him personally. Alas kuwatro na ng madaling araw ako nakatulog. Nagising ako ng alas syete.
I blinked twice. Hinilot ko ang sintido bago ako tumayo. Tamad kong kinuha ang tuwalya saka ako ng nagtungo sa banyo.
Nagbihis ako. I was wearing a black turtle neck blouse and tucked it in my skinny jeans at puting sneakers. I put my hair into a messy bun and put on my shades. May imemeet ako ngayong araw tungkol sa mga bags. Pilit kong dinilat ang mata ko habang nag aantay ng taxi na sasakyan.
Then I went to the said coffee shop.
After this, I'll talk to Chris.
"Good morning, miss Leina," the woman greeted.
My eyes widened. "Oh, Millicent? Ikaw pala 'yan! Upo ka!" malawak ko siyang nginitian.
Tumawa siya at naupo. "Ako nga. Ano na ganap mo ngayon? Sabi ko na nga ba, e! Nakita ko lang online, nagustuhan ng mommy ko kaya pini-m na kita! Grabe ang dami mong followers, ah? Ang gaganda sobra! Kumusta kana ba?"
Nakagat ko ang pang ibabang labi. Kumusta ba ako?
"Salamat... Ayos naman, humihinga pa." humalakhak ako at tumawa naman siya.
We ordered some before we talked. Hilig din pala ng mommy niya ang bags. Buti nalang at nakapagpinta ako kahapon! Parehas sila ni Shena, mahilig din si tita sa bags. Palibhasa'y sosyal ay pinapadala niya rito ang mga bags para pintahan ko at ibinebenta doon sa Canada. Iyon nga lang, they knew I was busy at naiintindihan naman nila iyon.
I received 4 different style of bags bago namin magdesisyong magpaalam sa isa't isa. Umuwi ako para ihatid ang mga bag at umalis rin kaagad.
I went to a mall. Plano ko ngang bumili ng mga art materials dahil hindi na sasakto iyon sa mga plano kong ipinta ngayong Sem Break. I chugged the black coffee I was holding. Sobrang tapang kaya napangiwi ako.
I sighed. Nag grocery ako mag isa habang nakikinig ng music. Suot ko pa rin ang shades dahil nga para akong binugbog sa sobrang puyat.
Mukhang tanga pero okay lang, basta hindi pangit.
"What do you want me to cook, babe?"
"Nothing. Marunong ka ba?"
Kumunot ang noo ko.
Boses iyon ni Chris, ah? And Heleina!
I followed where the voice came. I struggled a bit kasi naman ang daming taong humaharang! But then there I saw, hindi kalayuan sa akin, they were together.
Ang sikip bigla.
Kunwari'y deadma ay pinatay ko ang music sa earphones ko at nag eavesdrop pa.
Heleina giggled. "Yaya will help naman, e!"
Chris then sighed and smiled. "Fine. Whatever you want."
She then again giggled. I look around and saw multiple faces of body guards.
BINABASA MO ANG
With You in the Middle of Nowhere
Fiksi RemajaLeina, a woman of dreams. Ngunit sadyang napakalaking sagabal ng kanyang mga magulang sa buhay niya. Tila'y pinupugutan siya ng pakpak sa tuwing gusto nitong kumawala at lumipad nalang. Hindi pangkaraniwan ang kanyang naranasan sa loob ng kanilang p...