07

150 41 10
                                    

"Just call him!" ani Shena.

I forgot that Sean invited us over. Alas otso na ng gabi ko ito naalala! I dialed his phone number at ni-loud speak iyon.

"Sa wakas naisipan mong tumawag," bungad niya agad.

"Peace. Nag movie marathon kami ni Shena dito kaya nakalimutan ko," humagikhik ako.

Nakita ko namang umirap si Shena kaya bahagya akong natawa.

"Ah, gano'n? Kayo lang ang magkaibigan gano'n?" sa tunog niya pa lang ay naiimagine ko na ang mga mata niyang umiirap. Napangiwi kami, subo-subo ang fries. Arte.

"E, ano ngayon? Ba't kailangan naming pumunta dyan? Nag aalala ako sa 'yo! Sabi ni Chris may emergency raw kaya ka naunang umuwi kagabi. Nakakainis ka, ah." pag iiba ko sa usapan.

"Training, martial arts. Simulan mo nang gumawa ng schedule para dito, isingit mo sa kahit ano mang gawain mo sa pang araw-araw. Sinasabi ko sa 'yo, Leina. Importante 'to, kailangang paglaanan ng oras." anito.

Nagsalubong ang kilay namin ni Shena.

"Parang biglaan naman ata? Diba napag-usapan na natin na kapag nakalipat na ako?" bulalas ko. I stared at Shena and she just shrugged.

"Alright. Update me as soon as possible tapos sabihin mo sa 'kin ang schedule na iseset mo. Mag ingat ka lagi lalo na si Shena, pakisabi mag ingat siya hehe," humagikhik siya.

"Loud speak 'to kuya!" sigaw ni Shena kaya naman natawa pa ako.

"Hayop ka, Leina!" sigaw niya at tumatawang pinatay ng tawag. Natawa rin ako at nanunuksong titig ang iginawad ko kay Shena. Nalukot ang mukha niya.

"May something kayo, 'no?" nakangising sabi ko.

Umirap agad siya. "Baka 'yung kababata niyang malandi ang tinutukoy mo, ate," asar na sinabi niya.

“Sino?” sumubo akong fries.

“Balik bayan daw. Ewan, hindi ko naman siya gusto kaya anong pakialam ko?” umirap muli siya at tumingin sa laptop. Nakaupo parin kami sa kama niya habang nanunuod ng movie sa laptop ko.

"Wala kang gusto sa lagay na 'yan, ah? Okay! Maniniwala ako," tumatawang sambit ko at uminom ng shake.

Ilang oras pa ay natapos na namin ang pinapanuod. Niligpit ko na ang mga gamit kong andito kila Shena, tinulungan niya naman ako doon. Nung umalis ako sa bahay ay isang lumang malaking luggage at dalawang bag ang dala ko. Purong mga art materials at artworks ang nakalagay doon at iba pang kagamitan gaya ng sapatos, tubigan, damit at iba pang importanting gamit tulad ng payong at iba pa. Nililigpit namin lahat iyon.

"Patay na patay ka talaga kay Chris, ano?" sabi niya pa at naupo sa sahig.

Napatingin ako sa kanya at kita kong hawak hawak niya ang ipininta ko noon sa bahay. Napangiti ako at tinabihan siya hawak hawak rin ang mga paint brush ko.

"Ang tagal na niyan!" natatawang sabi ko.

"Tell me how he made you feel," biglang sabi niya.

I stared at her for a moment and shifted my glance to the paint. I smiled.

"He made me feel comfort. Whenever i see his face, I giggled. I'm like there he is... my heart" panimula ko.

"I don't know. I'm nervous—no. I feel so excited rather. Seeing his face makes my heart skipped a beat, everytime. Seeing him doing his things made me proud and I wanna shout that's my man over there," sigaw ko pa at natawa naman kaming dalawa. "I just got a huge crush on him since we were in high school. Remember?" we looked at each other. "Chrisnatics! Palagi!" sigaw namin atsaka kami nagtawanan muli. Ako ang nagbuo ng chant na iyon.

With You in the Middle of NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon