"Sino 'yun?" tanong ko pa kunwari nang makabalik siya.
"Si Heleina." Walang pag aalinlangan niyang sagot.
I pursed my lips, pinipigilang mangiti sa sagot niya.
"Anong inorder mo para sa 'tin?"
Sinabihan ko siya kung ano-anong klase ang inorder ko para sa amin. Kinuwento niya rin kung bakit siya tinatawagan ni Heleina habang nag aantay kaming iserve ang pagkain.
Gustong makipag meet ni Heleina pero ayaw ni Chris dahil kasama ako nito.
Bakit naman siya makikipag-meet?
"It's not that serious so you don't need to worry."
I shook my head. "What if emergency? P-Pwede naman kitang samahan..."
Umarko ang kilay niya sa sinabi ko. Totoo naman! Pupwede ko siyang samahan kung sakaling makikipag meet sa kanya si Heleina.
"Kung ayaw mo ay okay lang naman..." dagdag ko pa.
I heard him heaved a sigh. "Sigurado ka?"
Tumango lang ako ng paulit-ulit. I've made my decision. Aayusin ko na ang sa amin ni Heleina. Pipikitan ko na ang nakaraan at mag move on. Nakakasawang may pasan na samang loob lagi. Wala namang mawawala sa akin kung magpapatawad ako. Bukod sa aayos ang relasyon naming dalawa, gusto ko ng mahinahong buhay.
"Hayaan mo 'kong sumama. May sasabihin din ako sa kanya."
Ngumiti siya at tumango tsaka nagsimula kaming kumain. Hindi ko maitatangging kinakabahan ako sa desisyon ko.
Tatawagan ko muna si Shena bago ang lahat. Gusto ko marining ang opinyon niya tungkol sa plano ko.
Bumuntonghininga ako.
Wala akong prinsipyo.
Ni hindi ko kayang magdesisyon mag isa.
Gayong hindi na ako bata.
Ano bang nangyari sa 'kin...
Hindi ko namalayan na pauwi na pala kami. Sa kakaisip kung paano ko haharapin ang taong minsan na ring sumira ng buhay ko.
Bias ba ako? Matapos kong isalba ang sarili, babalikan ko lang pala kung sino ang nanakit sa akin dati?
Sumandal ako sa bintana. Hindi inaalintana ang ulan sa labas at diretsong nakatitig lang sa kalsada. Gusto kong mag isip.
Taray, may isip ka pa pala?
Napairap nalang ako. Bahala na. Ito ang gusto ko. Nakikita ko naman na hindi na tulad ng dati si Heleina. Kusa siyang lumalapit. Kusa siyang nanghihingi ng kapatawaran.
I wonder kung utos pa rin iyon ng parents niya.
Binasag ko ang katahimikan naming dalawa.
"Nakakulong pa din ba ang parents ni Heleina?" tanong nang hindi tumitingin sa kanya.
Kita mula dito ang pagtango niya. "Nakalabas lang saglit at hindi na nakatakas pa ulit."
"Sigurado ka?"
Kumunot ang noo niya. "I'm sure, Leina. Bakit? Anong gusto mong malaman?"
I shrugged. "Duda lang ako. Baka inuutusan lang si Heleina na kunin ang loob ko saka ako ulit sisirain."
Hindi siya nagsalita. Nagpatuloy ako.
"Gusto ko siyang kausapin upang makipagbati. Pero napapangunahan ako ng kaba. Buo man ang desisyon, hindi ko lang maiwasang mangamba. Na ayun nga, baka utos na naman ng mama niya ang lahat."
BINABASA MO ANG
With You in the Middle of Nowhere
Novela JuvenilLeina, a woman of dreams. Ngunit sadyang napakalaking sagabal ng kanyang mga magulang sa buhay niya. Tila'y pinupugutan siya ng pakpak sa tuwing gusto nitong kumawala at lumipad nalang. Hindi pangkaraniwan ang kanyang naranasan sa loob ng kanilang p...