Ano

425 32 2
                                    

Rita's POV


Nagmamadali akong lumabas ng Throne building tsaka ko lang naalalang wala pala akong dalang kotse.. Napapikit ako sa frustration..







"Sumakay ka na." rinig kong sabi ni Ken na nasa likod..






"Magtataxi na lang ako pauwi.." sabi ko dito tsaka ko sinuot ang big shades ko at cap.. nagsimula na akong maglakad papunta sa pinaka highway para doon pumara ng taxi..







"Taxi talaga? Wala ka bang Grab app?" rinig kong sigaw nito kaya napahinto ako. Oo nga pala.. Tsss. Nawala sa isip ko. Mabuti na lang may isip tong ungas na ito kahit papaano..







"Huwag ka ng mag-aksaya ng oras. Sumakay ka na ng kotse ko.. Ako na maghahatid sayo.." sabi nito..







"Hindi pa ako uuwi."








"Saan ka pupunta?"







"None of your business.." mataray na sabi ko dito..









"Saan ka nga pupunta?" inis na tonong sabi nito..








"Sa langit, sama ka?" pang-iinis ko dito at ngayon ay seryoso itong nakatitig na naman sa akin pagkatapos ay ngumiti.. baliw na ba ito? Bigla bigla na lang ngumingiti?? May nakakatawa ba sa mukha ko!!??




"Anong nginingiti-ngiti mo diyan Golden Chow-Chow?" pang iinis ko pa lalo dito. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat dahil sa sinabi ko. Why? Wala pa bang nakakapagsabi sa kanya na mukha siyang Chow-Chow? Kasi totoo naman! Siguro kung mas makikita ko baby picture nito, kamukhang kamukha niya!!




"Insensitive!" inis na sabi nito. Humalukipkip ako at matalim siyang tiningnan..





"So ano na? Sa langit ako pupunta, join ka ba?"






"Kayang kaya kitang dalhin sa langit. Sabihin mo lang kung saan, kailan at dipende sayo kung gagamitin natin yang bigay kong condom--"





"What the hell!!! Ang manyak mo! Ang manyak ng isip mo!!!! Shoooo.. Lumayo layo ka nga sa akin!!!!" iritang sabi ko dito kaya tumalikod ako.. Ang hirap makipag-usap sa berde ang utak!!! Grrr..





"But. Mukhang hindi ka naman sa langit papunta, mukhang sa impyerno dahil diyan sa ugali mo.." rinig kong sabi nito kaya muli ko itong hinarap.. Dinuro ko siya dahil sa sobrang frustration..





"You!! You shut up!!! Your mouth!!! Baka marinig ka ng nasa langit! At hindi ako pagbuksan sa itaas!!" sabi ko dito at muli itong tumawa.. Mabilis niyang hinablot ang kamay lo at pwersahan akong isinakay sa loob ng kotse niya kaya wala na naman akong nagawa..















"Alam mo bang sa pwersahan mong pagpapasakay sa akin dito sa kotse mo ay baka bukas makalawa ay laman na naman ako ng balita? Hindi mo ba naisip na may mga CCTV along Throne building??? Or baka may mga taong nakavideo ng ginawa mo sa akin!? I felt harassed.." medyo may dramang sabi ko dito ..




"Sa tingin mo hahayaan ka ng Throne na malagay na naman sa headline? Tss.. Pagkatiwalaan mo yung Company na naghahandle sayo. Ang dapat mo lang gawin ay ituloy ang trabaho mo at maging mabait sa akin.."





"Wow? Maging mabait sayo? Mukhang iyan ang hinding hindi ko kayang gawin.."






"Bakit ba iritang-irita ka sa akin?? Eh kay Mr. Fuji ko pa nalaman na personal request mo ako para kunin ang case mo? May hidden agenda ka sa akin no?" hindi ko siya sinagot sa tanong niya at sa labas ng bintana lang ako nakatingin.. Ayokong sagutin ang tanong niya. Ayokong aminin ang hidden agenda ko dahil masisira ang plano ko..







QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon