Rita's POV
Nakatangin ako sa platong inilapag ni Ken sa harap ko.. Kanina pa kasi ito nangungulit kung anong gusto kong kaninin ngayong dinner. When I requested na red spaghetti ay I expected na magpapadeliver kami pero si Ken na mismo ang nagluto. Ni-hindi ko nga alam kung bakit nagkaroon ng spaghetti pasta sa storage room ko ng mga grocery. Weekly kasi ako binibigyan ng supply ng Throne.
Wala talaga siyang balak magalit sa akin? Sa ginawa kong pagtakas sa K-beauty kanina? Alam kong nagalit si Kitty sa akin. For sure. Pero kung ganoon nga siya kabait ay papalagpasin niya ang ginawa ko. Wala naman talaga akong balak na tumakas sa photoshoot kung naiba lang ang date schedule. Pero birthday ng Dad today. Kinailangan ko siyang dalawin kanina..
"Okay na ba yung sauce or damihan ko pa?" tanong nito..
"Wala ka bang balak magalit sa akin?" sagot ko dito pero ngumiti lang ito at umiling..
"Wala? bakit wala? Tumakas ako sa photoshoot ng K-beauty ng hindi nagpapalam sayo tapos bakit parang okay lang-" nagulat ako ng bigla niya akong dinampian ng halik sa labi. Ang bilis niyang lumapit sa akin!!!!
"That's your punishment." seryosong sabi nito sabay upo sa harap ko at nagsimula na siyang maghalo ng spaghetti tsaka kumain..
"Masaya ka?" tanong ko dito.
"Masaya saan?"
"Masaya kang nahahalikan ang mga labi ko. You know what, hindi kita leading man or even my real boyfriend tapos nakakahalik ka sa mga labi ko.. Pasalamat ka, mapagbigay ako."
"Hahahhahahahah.."
"Hoy Germs! Pinagtatawanan mo ako?"
"Lagi mo akong tinatawag na Germs. Bakit Germs?"
"Basta!"
"Kakaiba din ang term of endearment mo sa akin ah. Kinikilig ako.."
"Kinikilig ka diyan!!! Eeew. My Gosh. My Gosh.." nag-iinarteng sabi ko pero pinagtatawanan niya lang ako.. Paano niya nagagawa ito.. Kapag kaharap ko siya ay hindi ko magawang magalit sa kanya. Lagi niya akong pinapakitaan ng mga ngiti niyang iyan. Ngiting nakakapagpalambot ng puso ko... Naalala ko na naman yung paghalik niya kanina.. Gosh! Bakit ko naaalala???
"Masarap ba?" nagulat ako sa tanong nito.
"Ma-masarap.." sagot ko dito. Pero napansin kong ngumiti na naman ito at umiling..
"Tell me, anong masarap? Huwag mong isasagot ang niluto kong spaghetti dahil hindi mo pa yan nagagalaw.." Shocks!!! Ano ba tong sinasagot ko sa kanya. Nahihibang na yata ako.. "Ano yung masarap?" tanong muli nito.
"Alam mo, sermonan mo na nga ako!! Huwag kang magpanggap diyan na mabait. Alam kong nagalit ka dahil tinakasan kita. Si Mader Evans nga ay grabe ang talak sa akin kanina."