Rita's POV
"I made it!!! Ako ang napili sa audition!!!" tili ko sa kabilang linya habang kausap ko si Ken. Nagising kasi ako sa isang magandang balita sa karera ko.. Matutupad na ang pangarap kong maging bida sa short film ng isang Direk Brillante Mendoza..
"I told you! Ikaw talaga ang mapipili ! Ang galing mo kaya that day!" napangiti ako sa sinabi nito.
"Thank you! Hmm.. malapit ka na ba dito?"
"Actually, parking na ako.."
"Okay, lipstick na lang ako tapos okay na.. See you!"
"See you Love! "
Mabilis kong hinablot ang sling bag ko at tiningnan ang suot kong dress sa harap ng salamin bago ko pagbuksan si Ken ng pinto.
"Hey! Good Morning!" bati nito sabay halik sa lips ko.
"Good Morning! Let's go?" naeexcite na sabi ko dito sabay hila sa kanya.. Inangkla ko ang kamay ko sa braso nito at wala akong pakialam kung pagtinginan kami ng ilang tao dito sa condominium na nakakakita sa amin..
Pagbaba namin sa basement ay nanlaki ang mata ko ng makita ko ang orange Mustang ko na nakapark doon..
"Omg! Ibabalik mo na sa akin ang kotse ko?" di makapaniwalang tanong ko dito..
"Yes. Ayan ang reward mo dahil sa bago mong short film." napangiti ako at niyakap ko si Ken. Mabilis akong lumapit sa kotse ko at hinimas ko ang harapang bahagi ng kotse. Gosh! Namiss ko itong kotse ko..
"Ito ba ang gagamitin natin today?"
"No. Dito tayo sa kotse ko." inirapan ko ito at nauna na akong sumakay sa kotse niya. Nakaisip ako ng kolokohan.. Mabilis akong umupo sa drivers seat.
"What are you doing?" nagtatakang tanong ni Ken.
"Give me your keys! Ako ang magdadrive." sabi ko dito at inilahad ko ang kamay ko. Matagal pa bago niya inabot ang susi sa akin. Pagkaupo nito sa tabi ko ay excited akong paandarin ang kotse niya..
"Rita.. Drive safely. Ayokong magasgasan ang kotse ko." nagsmirk ako kaya mas lalo kong binilisan ang pagpapatakbo..
"Love!"
"Trust me. Makakarating pa naman tayo ng Throne ng buhay." natatawang sabi ko dito. My gosh! Nakakamiss magdrive. Sobra. Napatingin ako kay Ken ng nakakapit ito sa gilid at sa upuan niya..
"Relax!" natatawang sabi ko dito.