Day 2

430 20 8
                                    

Rita's POV


Nakasimangot ako habang inaayusan ni Mamang Jake.. Ang aga-aga, umiinit na naman yung ulo ko.. Naalala ko na naman yung nangyari kaninang umaga pagkasundo ni Ken sa akin...















Nasa huling inom na ako ng kape ko ng may nagdoorbell.. Tiningnan ko ang wallclock.. 6am palang naman pero may kung sino na agad ang nagdoorbell.. Napahawak ako sa dibdib ko dahil biglang pumasok sa isip ko yung sinasabi ni Ken na mga suspicious thing.. Masyado pang maaga para magkaroon ako ng bisita kaya mabilis kong kinuha ang lampshade sa gilid ng pinto..
Pagbukas ko ng pinto ay mabilis kong ibinalik ang lampshade sa dati nitong pwesto at inis na tiningnan yung lalaking naka itim na jacket at itim na cap..


"Good. Lampshade. Matuto kang maghanap ng paraan para maging self defense mo.. At maswerte ka dahil hindi mo naihampas sa akin yang lampshade.."




"Paano namam ako naging maswerte?" may pag irap na sabi ko.







"Huwag kang magtangkang saktan ako lalo na't suot ko ang itim na jacket na ito.. Wala kahit na sino ang pwedeng dumungis ng imahe ng mga private investigator.."




"Image? Eeeew.. Ano namang gagawin mo kung sakaling nahampas ko sayo tong lampshade?"








"Hindi mo magugustuhan.." seryosong sabi nito..









"Pinagbabantaan mo ba ako?"








"Bakit, natatakot ka ba?" seryoso muling tanong nito. Kahit nakaramdam ako ng kaba sa sagot nito ay lakas loob ko siyang inirapan tsaka ako naglakad pabalik sa kusina kung saan ko naiwan ang pinagkainan ko..








"7am ang calltime mo sa photoshoot.." rinig kong sigaw nito pero hindi ko siya pinansin at inubos ko na lang ang pancake na kinakain ko.. Sumunod pala ito sa kusina. Nakasandal siya sa pader na nakatingin sa akin..







"Bilisan mo na diyan.."








"Huwag mo akong utusan. Nasa pamamahay kita.."








"30 minutes. Ready ka na or hindi, aalis na tayo.." sabi nito tsaka naglakad papunta sa sala..




30 minutes? Isang oras nga akong maligo! Haaaayss.. Bwisit talaga!!! Grrrr..













At dahil mas matigas pa sa lampshade na iyon ang ulo ko ay hindi ko sinunod si Ken. Higit isang oras akong naligo. Halos patuyo na ang buhok ko gamit ang blower ay nagtangka ng kumatok si Ken sa kwarto ko.. Tinanggal ko sa saksakan ang blower at inis na kinuha ko ang shoulder bag na gagamitin ko ngayon.. Inayos ko ang laylayan ng kulay asul na dress ko at pilit ngumiti pagkalabas ng kwarto.











"Oh! Hi! Good Morning!" plastik pa sa plastik na bati ko sabay pakawala ng pekeng ngiti..












"It's already 7:30am. Nandidito ka pa sa bahay mo. Late kana!" inis na sabi nito.










"I don't care. Hindi naman magsisimula ang photoshoot kung wala ang VIP artist tulad ko. Tsaka sanay naman na sila. Kaya masanay ka na rin." maarteng sabi ko dito at inip akong naghintay sa kanya sa pinto..










"Hindi ko kailangang masanay sa bulok mong palusot. Kung para sayo, hindi ganoon kahalaga ang oras mo, sa iba sobrang halaga niyan! Tss. Tara na! Immature Poisonous creature!"







QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon