Rita's POV
Halos mag-aalas dose ng na ng makarating kami ng K-beauty Head Office. Pagpasok namin ay pinadiretso na kami sa conference room. Pagpasok namin ay si Mader Evans lang ang naabutan naming nakaupo doon.
Mabilis akong umupo sa tabi nito na para bang hindi ako late ng isang oras. Nilapag ko ang sling bag ko sa mesa at inip na naghintay sa CEO ng K-beauty.
"Akala ko ay bukas ka pa makakarating.." sarkastik na sabi ni Mader Evans.
"Mader naman. Hindi ko kasalanan kung bakit late kami. Itanong mo diyan sa bodyguard kong gwapong gwapo sa sarili.. Hindi marunong maghanap ng shortcut.. Gusto yatang bilangin yung poste sa Edsa!! inis na sabi ko at napansin kong ngumiti si Ken na nakaupo sa harap ko..
"No. Not me. Ayang alaga mo Ms. Evans.. Nangangain.." gulat na napatingin si Mader kay Ken.
"Nagkainan kayo?" naguluhan ako sa tanong ni Mader.. Huli na ng marealize ko ang punto nito . Ngiting panalo ang Ken Chan sa pagtango nito sa harap ni Mader Evans.
"No! Hoy! Anong tinatango-tango mo diyan hudas barabas!!!? No Mader. Not that thing. Wag kang maniwala diyan!!!"
"Be responsible." paalala ni Mader Evans sa akin kaya tumango ako at matalim kong tiningnan ang tumatawang si Ken.
"About the news. Mag uusap tayong tatlo mamaya." sabi ni Mader.
"Huwag mo ng isama yang Virus na yan.." pakiusap ko kay Mader
"Kasama siya." wala akong nagawa. Inip akong napasandal sa upuan ko habang naghihintay ng mga kameeting namin at ang Ceo ng K-beauty..
Naiilang ako dahil kanina pa nakatingin sa akin si Ken. Hindi ko alam kung binubwisit niya lang ako or what... Grrr. Sarap dukutin ng mga mata at gawing bola sa billiard eh!!!
"Hoy Ken, gawin mo ngang 18 yung temperature ng aircon.." utos ko dito sabay turo sa remote na nasa likod niya.
"Wala tayo sa office ng Throne Entertainment! Wag kang demanding sa room temperature.." sabi ni Ken sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay at inis na lang akong napabuga ng hangin..
Nagbukas ang pinto at pumasok doon ang isang babae at dalawang lalaki.. Sila na siguro ang K-beauty representatives at isa sa kanila ang CEO. Tumayo kaming lahat bilang pagbati sa kanila.. Napatingin ako sa Tisay na babaeng pumasok.. Parang nagulat pa ito ng mapatingin kay Ken? pero sinundan niya iyon ng matamis na ngiti.. Mas lalo kong ikinagulat ay ang pag usog ni Ken ng upuan ng babae para makaupo ito.. Aba? Gentleman naman pala. Pero pinipili lang niya kung kanino siya magpapaka gentleman? Grrr.. Bakit sa akin hindi niya ginawa yan kanina? Baguhin nga lang yung aircon temperature ay ayaw niya. Tsss..
"Thanks Steven." rinig kong sabi ng babae.. So magkakilala sila?
"Excuse me. Lalabas na ako." paalam ni Ken dahil hindi naman talaga siya kasama sa meeting na ito..
"No. It's Okay Steven. You can join the meeting.." sabi ng babae kaya napaarko na naman ang kilay ko.. Ngiting aso ang lalaking germs sa sinabi ng babae.. Teka. Parang ang sarap batuhin ng stilettos itong Ken Chan na ito ah!!!
"Good Morning Everyone. Good Morning Ms. Evans and to you Queen.. Thank you for accepting K-beauty to be your endorsement. And Welcome sa K-beauty family!! By the way, I'm Kitty Dizon, the Owner and CEO of K-beauty.." nakangiti ito habang bumabati sa amin. Sa kulay ng kutis nito at sa kinis ng mukha ay halatang sa kanya unang tina-try ang mga products nila. Tss..