Day 3

415 27 2
                                    

Rita's POV


Napasandal ako sa malaking salamin dito sa loob ng dance studio habang tinitingnan ang mga sumasayaw.. Tapos na ang turn ko kaya nagpapahinga na ako sa gilid.. Napakadali lang ng mga steps kaya hindi ako nahirapan.. Naglakad ako palapit sa bag ko.. Hinahanap ko ang pink tumbler ko para makainom ng tubig pero wala ito sa gilid ng bag ko..




"Ito ba yung hinahanap mo?" napatingin ako kay Ken habang inaabot ang tumbler ko.






"Bakit nasayo to? Don't tell me nakiinom ka dito?"





"Relax. Naiwan mo kasi sa kotse ko kanina. Umakyat lang ako dito para iabot sayo.. Babalik na din ako sa baba.."





"Huwag kang basta-basta umaakyat dito or huwag ka basta-bastang kumausap sa akin dahil baka ma-issue ako.."





"Ma-issue? Masyado ka namang takot sa criticism.."





"Syempre. I'm a public figure.. Hininga't ubo ko, may sasabihin ang mga tao sa paligid ko.."






"Fine. Babalik na ako sa kotse. Dumiretso ka na lang sa carpark pagkatapos ng rehearsal mo.. Dadaan tayo ng Isabel Couture.. Pipick-upin natin ang dress mo for the premier night.."






"Kailan na ba yang premier night na yan hah? tss.."








"Sa linggo.."







"Sa linggo? Tss.."








"Sige na Poison, baba na ako.."








"What? Anong poison?"








"Bye."






"Hey!! Arrrghh.." inis kong sinundan ng tingin si Ken palabas ng dance studio.. Poison? He called me Poison? Well, Tama naman siya. I can be his Sweetest Poison. Tingnan na lang natin..









Pagbaba ko sa carpark, di ako mapakali sa dala-dala kong bag at itong tumbler ko. Nasaan na ba yung Germs na yun para matulungan manlang ako sa mga dala ko.. Tsss.. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan siya pero walang sumasagot.. Inip akong nakatayo sa sa east wing ng carpark.. Palinga-linga ako sa paligid at nahagip ng mata ko si Ken na may kausap na babae sa bandang dulo ng carpark..

Kita mo nga naman oh! Oras ng trabaho niya pero babae ang tinatrabaho!!! Grrr..



Inis akong naglakad palapit sa kanila...








"Ehem.." pag tawag ko sa antensyon nilang dalawa.. Napatingin ako sa babaeng kausap nito. Nakasuot din kasi ito ng itim na t-shirt at may logo ng Chasing Chan so feeling ko ay katrabaho niya ito.. Pero anong ginagawa nito dito?







"Tapos na pala ang rehearsal mo?"







"Hindi naman obvious right? Kanina pa kita tinatawagan para i-pick up ako sa tapat ng east wing pero walang sumasagot.. Nandidito ka pala at busy sa hmmmm--" tiningnan ko ang babae mula ulo hanggang paa tsaka bumalimg kay Ken at ngumiti..




"Tara na!" sabi ko dito at inabot ko sa kanya ang bag at tumbler ko pero hindi niya inabot.. Hindi niya pinansin ang gamit na inaabot ko sa kanya tsaka siya ngumiti sa babaeng kausap niya. Umalis ang babae ng hindi nagpapaalam sa akin at tanging pagtango lang ang goodbye gesture niya kay Ken..Ganoon ba ang mga Private Investigator? Tsss..






QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon