Wind

654 33 4
                                    

Rita's POV


"Ken, sa tingin mo papayagan ako ng Throne na magbakasyon? May mga photoshoot akong nakaline-up this week.. Tsaka inaantay ko pa yung result ng audition ko sa short film!"





"Kapag pinayagan ka, sasama ka sa akin?"







"Hindi!" pagtataray ko dito pero tumayo ito at lumapit sa akin.. Hinampas ko ang kamay nitong dumadapo na naman sa beywang ko..






"Come on. You need a vacation.. Wag mong ipakita kay Kris na dumadami na ang wrinkles mo at dumudoble na ang eyebags mo..baka magpakita sayo iyon.. " mabilis akong sumilip sa salamin..




"Huhuhu.. Hindi na ako nakakapagpa facial!"





"Kaya maligo ka na. Ilang araw ka ng hindi--"





"Shut up! Ngayon na lang ako nakarecover dahil sa lintik na butiki na iyon!! Bakit ba nakapasok iyon sa kwarto ko!!!"






Naalala ko kanina.. Nagising ako dahil sa sikat ng araw dito sa kwarto ko. Ang walanyang Germs ay binuksan pala ang bintana para magising na ako. Ilang araw na akong hindi kumakain ng maayos.. Ayokong tumayo sa kama ko.. Gusto ko lang matulog at baka sakaling dalawin ako ni Kris sa panaginip at ipaliwanag niya ang mga sinasabi niya ng gabing iyon.. Palaisipan parin sa akin iyon.. Ang pag hingi niya ng sorry..Ano bang ibig sabihin nun.. Miss ko na siya. Sobra..






Tumayo ako para isarado ang bintana ng may pumasok na butiki sa bintana kaya napasigaw mo dahil sa gulat..Gumapang ito sa pader sa loob ng kwarto ko..





"Rita? What happened?" biglang dumating si Ken na nakasuot pa ng apron at tila may niluluto sa kusina. Lumapit ito sa akin at tinulungan akong tumayo dahil natumba ako sa gulat..




"May butiki!!! Alisin mo yan!!!! Bakit may ganyan dito!!! My gosh!!! Monthly naman akong nagpapa pestcontrol dito!!!"




"Relax okay? Butiki lang yan.. At hindi yan sakop ng pest control.. Hahahah.. come on. Get up!! Siguro naman ay kakain kana?"




"No!" tinalikuran ko ito pero hinigit niya ako . Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kamay ko dahil kakagising ko lang..






"Go! Mag shower kana.. Aantayin kita sa kusina. Sabay na tayong kakain.." sabi nito at hinatak niya ako papasok ng banyo..

























"Butiki lang pala ang gigising sayo.." natatawang sabi ni Ken habang kinakain namin ang hinanda nitong bacon and ham.. Kumuha ako ng slice bread tsaka sinawsaw sa kape..





"Good."





"Ilang araw ka ng hindi umuuwi Ken. Baka miss ka na ng kama mo.."





"It's okay. Sanay na nga yata akong humiga sa sofa.." nakatitig lang ako sa nakangiting mukha ni Ken.. Kung paano ito ngumuya sa kinakain niyang bread.. Kung paano niya ubusin ang kape.. Bakit ngayon ko lang napansin na ang ganda ng mga mata nito.. Meron pala itong dark brown na mga mata.. Yung mga pilikmata nitong bagay sa singkit niyang mga mata..





"Hey! Rita.. What's wrong with my face?"





"Huh? Wala .."






"Anong feeling?" ano na namang klaseng tanong yan..






"Feeling ng alin?"








QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon