Rita's POV
Matapos namin makuha ang dress kay Isabel ay bumiyahe na kami papunta sa lugar na tinutukoy ni Ken..
"Kanina pa tayo bumabiyahe.. Saan mo ba ako dadalhin ha? Mukhang napakalayo naman nito.." usisa ko habang nakatingin sa labas ng bintana.. Palubog na kasi ang araw at inabot na kami ng gabi sa daan pero hindi parin humihinto ang kotse ni Ken..
"Basta. For sure magugustuhan mo kung saan tayo pupunta.."
"Hoy! Binabalaan kita! Kapag may ginawa kang hindi maganda, ipapapulis kita!!" inis na sabi ko dito pero ngumiti lang ito..
"Malapit na tayo, minomonitor ko lang ang oras.."
"Alam mo, hindi ko ma-gets! Saan ba kasi tayo pupunta?" hindi na ito muling nagsalita at makalipas ang limang munito ay hininto na niya ang kotse niya sa gilid ng daan.. Nasa itaas na bahagi kami ng daan..
"Tara. Bumaba ka." utos nito sa akin. Sumilip lang ako sa binatana at hindi ko siya sinunod..
"Bakit naman kita susundin? Tsaka madaming damo diyan! Bangin na nga yan eh!! Baka kagatin pa ako ng insekto diyan! Or lamukin pa ako. Wala akong dalang lotion!!!"
"Napakaarte naman nito! Bumaba ka na! May ipapakita lang ako sayo! Tsaka hindi ka naman siguro lalapitan ng lamok, masyadong mapait kasi yang dugo mo.. Ayaw nila nun.." aba! Ginagalit talaga ako nitong Germs na to!! Aaaarrrghhh.. Inis akong bumaba ng kotse at sumunod kay Ken..
Nakatayo ito mula sa hindi kalakihang bato at nakatanaw sa ibabang bahagi ng daan.. Napanganga ako sa ganda ng view.. Ang kumikislap na mga ilaw mula sa city.. Mga ilaw mula sa buildings at bahay.. Napakaganda!!! Para akong nakatingin sa kalangitan. Parang bumaba lahat ng bituin... Totoong napakaganda..
"Dito ako pumupunta kapag madami akong iniisip. Kapag masyadong occupied ang isip ko.. Kapag feeling ko hindi na ako makapag isip ng tama.. Ang view nito ang nakakapagpatahan sa akin, nagiging payapa ang isip ko sa ganda ng view ng nakikita ko. Kaya dinala kita dito. I hope kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam mo. Kung ano man ang worry na nafefeel mo kanina, sana gumaan... I hope, nakatulong.." seryosong sabi nito pero wala sa akin ang tingin niya kundi sa view parin.. Nakatingin lang ako sa kanya.. Kahit naka side view ito ay kitang kita ang kakisigang taglay niya.. At parang hinele ang puso ko sa sinabi nito.. Dinala niya ako dito para mabawasan kahit papaano ang gumugulo sa isip ko.. Para saan?
Dahil masyado na bang mabigat sa konsensya niya lahat ng ginawa niya sa Dad at Kuya ko? Kinuyom ko ang kamay ko at muling tiningnan ang ganda ng view.. Ilang minuto lang ay tumalikod na ako at bumalik sa loob ng kotse.. Ayokong makitaan ni Ken na bumagsak ang luha ko.. Bigla kong naalala si Dad at Kuya.. Kung hindi sila nawala sa tabi ko, siguro buo pa yung saya ko. Siguro may nagcocomfort pa sa akin sa mga oras na natatakot ako..
Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko ng pumasok si Ken sa loob ng kotse..
"Hindi mo ba nagustuhan ang view?" nag-aalalang tanong nito. Kita ko sa mga mata ni Ken ang emosyon ng pag-aalala.. Bakit siya nag-aalala? Or ano ba iyon? Galit? Na ooffend dahil hindi ko nagustuhan ang pagdala niya sa akin dito? haaaays. Umiwas ako ng tingin bago nagsalita..
"May mga lamok. Madami." masungit na sabi ko dito..
"Okay. Sa susunod na pagpunta natin dito, mag pants ka na lang para hindi ka lamukin.."