Iwas

436 34 2
                                    

Ken's POV


Bago ako lumabas ng banyo dito sa kwarto ni Rita ay madiin kong hinawakan ang faucet habang nakatingin sa malaking salamin..






Pasalamat siya at nakapagpigil ako. Kung hindi ay baka pareho naming pagsisihan ang posibleng mangyari..





Masyado siyang magaling makipaglaro. Masyadong magaling..














"Hoy! Ano? Nalubog ka na ba sa inidoro???" napatingin ako sa pinto ng kumatok si Rita.. Pagbukas ko ng pinto ay naabutan ko na itong nakasuot ng itim na jacket..









"Oh? Bakit bigla kang nilamig?" pang iinis ko dito.. Mabilis niya akong kinurot sa braso at pinaghahampas..










"Rita.. Teka--"










"Umuwi kana!" utos nito sa akin tsaka ako umiling..








"Wala ka talagang balak umuwi? So saan ka matutulog dito aber?"











"Syempre hindi sa kama mo, baka gapangin mo ulet ako-- Aray! Tumigil ka sa kakahampas mo!! Mabigat ang kamay mo!"








"Lumabas ka ng kwarto ko! Sinasabi ko sayo!!! Doon ka sa labas matutulog!"











"So payag ka nang dito ako matutulog?"











"May magagawa pa ba ako? Eh mawala lang ako sa paningin mo ay kinakabahan ka na.." Aba. May talim talaga mga salita nitong babaeng ito.










"So alam mo na? Huwag mo ulit akong pakabahin.." seryosong sabi ko dito at mabilis siyang nag-iwas ng tingin.. Nagpasya na akong lumabas ng kwarto niya.. Hindi pa ako nakakaupo ng lumabas muli ito ng kwarto at may dalang unan at kumot..











"Oh! Huwag mong lalawayan tong unan ko hah!" paalala nito sabay bigay sa akin ng kumot at unan.. Pagkaabot niya ay sinadya kong hawakan ang kamay nito kaya nagmadali siyang bawiin ang kamay niya at inirapan ako.. Napailing ako at napangiti..























Rita's POV

Pagkagising ko ay mabilis kong inayos ang kama ko tsaka naligo at nagbihis.. Matapos kong mapatuyo ang buhok ko ay dahan dahan kong idinikit ang tenga ko sa pinto para pakinggan kung gising na ba yung Germs sa labas..






Sana hindi siya nakatulog ng maayos.. bulong ko sa sarili.. Nag-isip ako ng pwedeng gawin pagkalabas ko.. Eh kung ako naman kaya ang mag prepare ng breakfast para sa aming dalawa? Ang talino ko talaga.. Nakaisip na agad ako ng pwedeng kainin.. Padabog kong binuksan ang pinto ng kwarto ko palabas.. Sinadya ko talaga para magising ito.. Pero pag open ko ng pinto ay walang Ken Chan ang bumungad sa akin. Nakaayos na ang kumot nito at unan.. Lumapit ako dito tsaka ko napansin ang isang papel at may nakasulat doon..





"I have to go. May urgent meeting kami by 6am.. Kita na lang tayo sa Throne later."











Napairap ako at nilukot ko ang papel sabay tapon sa trash bin.









Wala manlang Good Morning sa note na iniwan? Tsss..














Habang inuubos ko ang cereals na kinakain ko ay tsaka ko lang naisip na posibleng...










QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon