Rita's POV
BUNTIS ako. Lahat ng Pregancy test na tinapon ko sa trashcan ay isa-isa kong kinuha muli. At ang anim na iyon ay Positive. Mabilis akong napahawak sa tiyan ko..
"I'm so sorry baby. I'm so sorry.. Hindi mabuti ang magiging Mama mo . I'm sorry.." iniisip ko kung ilang weeks na ba or month dahil irregular ang dalaw ko.. I need to know if okay ang baby. Dahil ng mga nakaraang araw at linggo ay umiinom ako ng alak at halos hindi kumakain. Hindi pa man siya lumalabas ay nagiging pabayang ina na ako. Napakawalang kwenta ko talagang tao.
Tinawagan ko si Sister Cleofe para pumunta sa unit ko.. Hindi ko pa pwedeng aminin ito kay Mader Evans dahil alam kong masasaktan ko siya. Sobrag proud na proud niya sa akin bilang alaga niya.. Pinasikat niya ako at madami pa siyang pangarap na projects for me. At sa isang iglap, madidisappoint ko siya.
"Iha? May problema ka ba?" mabilis akong yumakap kay Sister Cleo..
"Sige iha, tell me.. makikinig ako.."
"I'm pregnant.." bigla na naman akong umiyak at hindi ko macontrol ang mga luha ko.
"Congrats! Rita, iha.. I hope that tears are tears of joy.. Aminado ako na nagulat ako.. And the same time, masaya for you! Ano ka ba!! I know that you will be a good mother.." umiling ako sa sinabi nito.
"I can't. Masyadong madami akong naging kasalanan. Hindi ako magiging mabuting ina."
"Iha, kung ayan man ang iniisip mo ngayon.. So paghandaan mo na mula ngayon kung paano maging mabuting ina. Huwag kang magsalita para sa isang bagay na hindi pa nangyayari. Huwag mong pangunahan.. Alam ko kung gaano kalaki ang puso mo para sa mga bata.. And this baby is so blessed to have you as her or his mom.. Masaya ako for you!!" mas lalo akong napahikbi ng muli kong yakapin si Sister Cleofe..
Nagpasama ako sa kanya sa isang ob gyne na kilala nito at mapagkakatiwalaan sa isang lihim. Dahil nga public figure ako ay dapat na itago ko muna ito dahil wala pang kasiguraduhan at hindi pa alam ng management..
"You're 6 weeks pregnant! Congratulations!"
Totoo. I am pregnant. And thanks God na safe si Baby.. Grabe yung feelings ng marinig ko ang heartbeat nito. The doctor says na some pregancy, hindi pa nila naririnig ang heart beat ng baby sa ika 6th weeks nito pero normal lang daw iyon. Kaya I felt happy and relieved ng marinig ko ang heartbeat nito. Totoo nga. May buhay sa loob ng tiyan ko. Buhay na dapat kong alagaan at mahalin.. Thanks for the morning sickness na nakapagsave sa buhay ko at sa anak ko. Kung hindi ako naduwal kanina ay siguro nga patay na ako ngayon..
"Iha, huwag mong kakalimutan yung mga vitamins mo. Tsaka yung payo ni Doktora kanina hah!" paalala ni Sister Cleofe habang hinahatid ko siya palabas ng unit ko.
"Salamat Sister.. Salamat talaga.."
"Kapag okay na.. Kapag pwede ng sabihin sa mga bata sa ampunan, sigurado ay matutuwa ang mga iyon!"
Napangiti ako sa sinabi nito..
Pagkaalis ni Sister ay napasandal ako sa pinto at agad kong hinawakan muli ang aking tiyan.. "Magiging ina na ako. Hindi na ako nag-iisa. May makakasama na ako." Umiiyak na naman ako..