Chapter Thirty-One: Leave

127 10 5
                                    

Chapter Thirty-One
Leave

"We'll put everything into place, okay?"

That was what Eros had said when he caught me in the parking lot right after I left school, away from my bodyguards.

"Kakausapin ko ang pamilya ko, señorita."

Napailing ako ng mabilis, kaagad kinatakutan kung anong klaseng pag-aayos ang gusto niyang gawin.

Did he mean divulging us? Paano na ang sinabi ni Jilliene? Malalagay sa alanganin si Jayren. Maaaring gipitin ang mga Villamar; ang Mama ni Eros. Do we think it's still right to think about ourselves? If we're the only ones who'll benefit?

"Wala ka nang kailangang gawin para roon, Eros. I'm fine."

Bakas ang gulat sa mukha niya na bumalik din sa pag-aalala. I expected that. Sa tanang pagsasama namin, I was always the one who insisted on telling our parents our secret.

Until Jilliene told me things.

"Narinig ko ang nangyari kagabi."

Tumango ako sa huling sinabi, sinusubukang kumalma. "Alam ko. Pero katulad ng sinabi mo, ang kailangan lang nating gawin ay umintindi. Ganoon naman ang ginawa natin sa loob ilang... taon."

His stare sparked confusion. "You think I can do just that now? Your parents are looking for me, aren't they? Let's tell them everything they need to know."

What do they need to know, Eros? Ang sikreto mo?

Napailing ako. "No. There's no need to even kneel. Sabi mo rin, hindi naman sigurado kung tatanggapin ka ulit."

Umawang ang labi niya. Napakagat naman ako ng sa'kin habang umiiwas ng tingin.

Kailangan ko ring isipin ang ilan pang mga bagay. Kailangan kong isipin si Nana, kung anong mangyayari sa kaniya kapag nadiin ako. Mas lalo siyang madadamay. Mas lalo akong mahihirapang pabalikin siya sa mansyon. At iba pa ang problema ni Eros. Iba pa ang problemang pwedeng mangyari kung gagawin namin ang gusto namin.

"You said there's no harm in trying, right?" he recalled.

"I'm taking that back. There is," sigurado kong sagot. "Kaya huwag na nating subukan. We both know what would happen." Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. "Maiipit lang tayo sa huli."

"If I would explain-"

Napailing ako na ikinatigil niya. "If you would explain, no one would believe you."

Umawang ang labi niya.

"You said all of your family hated you, right?" I continued. "That no one wants you back. Kaya walang maniniwala sa'yo, Eros. Sa kung anong sasabihin mo, wala."

"What?"

Ang puso ko rin ang napiga sa sarili kong sinabi. Lalo pa noong makita kong kumunot ang noo niya at umamo ang mata. Lumuwang ang pagkakahawak niya sa'kin. There I was, abiding to that and stepping back slightly. Hinagilap niya ang tingin ko nang tingalain ko siya. I saw hurt in his eyes. And bits of disbelief.

"Ikaw? Hindi ka naniniwala?"

Hindi ako nakasagot.

Napasuklay siya sa buhok at saglit na umiwas ng tingin bago ibaling 'yon pabalik sa'kin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko bago ako yakapin. "Look, I'm sorry if I kept you waiting, okay? I'm sorry if it took me too long to think about it. But right now, I'm willing to do what it takes to make us legal, Al. I'll do what it takes for us not to be kept private anymore."

Mabibigat na paghinga ang iginiwad ko. Do whatever it takes.

Even by risking the truth he's hiding from me? Na hanggang ngayon wala siyang balak sabihin sa'kin?

Barcelona Escapade Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon