Chapter Thirty-Seven: Closure

129 11 2
                                    

Chapter Thirty-Seven
Closure

He left my gaze when he swerved left to take a U-turn. It immediately narrowed back to me with a ghost of pleasure playing in his eyes.

"What did you ask?"

Mabilis akong napakurap nang matanto kung ano ang tinanong ko. Napaharap ako sa dashboard para umiwas ng tingin. Bumilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko, bigla akong naghahabol ng hininga.

"Ah..." I uttered, chuckling softly. "That's... that's nothing.."

What the hell, Clementine?

"It doesn't sound like nothing to me."

"Really, it is. Kalimutan mo na," mabilis kong sabi, hindi siya malingon.

Mas lalo pa akong sumandal sa backrest. Without him seeing, napapikit ako sa kahihiyan.

What did I even ask him?! Bakit ko naman gugustuhing malaman kung anong hindi nagbago sa nakaraan? It wouldn't do me any good.

Whatever happened with Eros before is a mere memory. Kung anong hindi nagbago, siguro ay ang katotohanang stuck na naman siya bilang driver ko. That's it. There's nothing more to it. Dapat nga natatakot na ako kasi nandito na naman siya at hinayaan ko.

"Why do you want to know what else didn't change?"

Napapikit ako ulit

So, he knew and he heard.

Hindi ko siya sinagot. It's better than having to answer. Gusto ko na lang isiping niyang pagod na ako para magsalita pa kaya hindi na ako sumasagot.

Eros isn't someone persistent. Kapag hindi niya nakuha ang gusto niya, hindi niya ipipilit dahil driver lang naman siya. Which was way true because he didn't ask anymore. Maski ako, nakaidlip na lang din sa pagpapanggap na pagod nga.

When I woke up, the car was already in front of our mansion. Napaayos ako ng upo nang matantong hinayaan niyang magtagal kaming dalawa sa kotse. Eros was crossing his arms, as if casually waiting for me to wake up. Nang maramdaman ang paggalaw ko, agad sumulyap sa'kin.

"Since when are we here?" I asked, peeking outside the window. "Bakit hindi mo ako ginising?"

What if Mamá was here and saw us? Or Jayren? Or Kuya Miguel?

Hinablot ko ang bag ko sa dashboard. Hinawakan ko na ang door handle at pinihit pero agad nagbukas. I shifted my gaze towards Eros because it seemed like he locked the door.

"Open it."

He was quick to abide with me but his questioning gaze made me part my lips.

"Señorita."

"I need to go. Bye!"

Kumaripas ako ng takbo papasok ng mansion. I wasn't able to say a proper goodbye nor a proper thank you for driving me to Laguna and back. Ayoko nang bigyan siya ng pagkakataong ma-bring up pa ang tinanong kanina. That was stupid of me.

Bumungad sa akin si Nana na palabas ng dining namin 'pagkapasok ko. Hindi ko alam na nandito na rin pala siya ulit. May hawak-hawak siyang mga labada nang mapansin ako.

Barcelona Escapade Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon