Chapter One: Possession

535 24 7
                                    

Chapter One
Possession

I held a big smile as I reached for Hailey's feet on the bed. Hinila ko ang paa niya at ang loka, kumapit sa headboard ng kama niya para hindi bumagsak sa carpet. I still have to pull her one more time so she can face me.

"Samahan mo na ako," kumbinsi ko.

"Al, kailan ba ako nanood ng basketball game?"

Isinubsob niya muli ang mukha sa unan habang nagrereklamo. Naningkit ang mata ko sa kaniya at pinilit ulit.

"Watch with me later! Dali na, 7:00 PM pa naman!"

"Ano bang meron sa laro? Magd-dribble lang naman sila ng bola."

"Funny." Hinampas ko siya ng mahina sa braso. "Jayden has a game today. I want to watch him."

Umiling siya. "Kaya niya na 'yon, Al."

"Please, samahan mo na ako. Sagot ko pagkain mo. Magwi-wings tayo after!"

Mabilis pa sa hangin nang umayos siya ng upo. Nang lingunin ako, sumuklay ang daliri niya sa mahabang itim na buhok habang ang mata ay kumikislap na.

"Talaga?"

I automatically frowned and poked her forehead. "See! Diyan ka magaling!"

She doesn't have to say only the idea of food will make her go with me. Though, if that's the condition for her to go with me, okay lang din. Gusto ko lang talagang makita si Jayden.

Hailey frowned too. "It's Thursday. Wala na nga tayong pasok dahil tapos na ang Finals tapos aayain mo ak-"

Hindi pa man siya nakakatapos ay nag-ring ang phone niya. Sinenyasan niya agad ako bago niya kunin at sagutin. Pinagmasdan ko lang siya.

"Hello?" rinig kong bati niya sa tumawag. "Won?"

Naningkit ang mata ko. Umikot siya at tinalikuran ako para iwasan ang mapanuring titig ko.

"Game? Kasama si Chloe? Jayden?" rinig kong kausap niya sa kabilang linya. "Okay. Sige. Sasama kami ni Al."

Kumurap ang mata ko pero hindi dahil sa gulat. Mabilis akong lumapit kay Hailey para sundutin ang baywang niya. Ibinaba niya ang tawag bago siya tumawa ng malakas sa pangingiliti ko.

"Stop, Al!" she shrieked and laughed. I didn't stop. "Ugh, oo na! Pupunta na tayo!"

"Ang bilis-bilis mo talaga kapag si Zywon!" reklamo ko.

Tiningnan niya ako ng makahulugan. "Ikaw din naman, ah! Kapag si Jayden!"

Hailey giggled and taunted me too. Automatiko ko siyang itinulak palayo nang mapansing nagtatangka siyang sundutin din ang baywang ko. We would have fallen of her bed dahil sa kalikutan naming dalawa.

Hailey's one of my closest friend I met during Grade 10. Ngayong ilang weeks na lang at graduation na namin sa senior high.

"Paano pala art lessons mo sa gabi?" she suddenly consulted. "Hindi ba makakaabala si Jayden?"

Natawa ako. "Don't worry about it. The lessons can wait. And no, you dummy, hindi makakaabala si Jayden!"

Kampante naman akong tutulungan ako ni Nana na makalabas mamayang gabi. My parents won't know I'm out as long as my nanny since I was ten, Nana Miranda, won't tell them.

My parents' busy with work. Mamá mostly stays in her office. Si Papá. I rarely see him because he works as a ship captain.

Pag-uwi sa bahay, Nana Miranda was the first one who saw me. She's already in her early 40s and has been working for my family for almost a decade now.

Barcelona Escapade Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon