TWY .2

25 1 0
                                        

3.2 Her weakness

”Tuwang-tuwa ka naman sa bago mong phone!" ngumiwi ako habang pinagmamasdan ang kabuuan ng cellphone ko.

From: Assh*ole

"Bukas ng 7am ang pasahan ng application form sa musical club. Actually maraming clubs yon, nakalimutan ko na yung iba kaya dyan lang muna kita nirekomenda."

"Magready ka rin bukas dahil may pupuntahan tayo."

Napakagat ako sa labi at nilapag sa table yung cellphone ko.

"Bukas na ang audition sa mga school organization. Saan ka ba nakaplot? Sa swimming club, cooking club, theatre club o saan pa?"

"Sa musician club kung saan nandoon si Chloe."

"Nice pick! Dahan-dahan ka lang sa pangiinsulto at pagiging stingy sa kanya, huh? Tandaan mo, maraming umaaligid na fans si Chloe sa tabi tabi kaya magiingat ka baka abangan ka nila sa alumni" tinapik-tapik ni Devyn yung likuran ko tsaka tumungo na siya sa cr para maligo.

"Hindi ako gahaman sa pera tsaka may kailangan ako sa kanya kaya ko ito ginagawa tsk!"

"Nakahapag na dyan yung almusal, kumain ka na lang."

Maaga akong pumila kasi alam kong marami ding makikisingit sa pila kagaya na lang sa cooking club nung nakaraan kasi doon din tumambay si Chloe.

"Please fillup the form and just drop in on the box. Thank you!"

Nagfillup ako ng application form. Madami palang kailangang sagutan dito! Hindi man lang ako nainform. Aish, you an assh*le! Humanda ka sa akin mamaya, Chloe.

"Why do you want to become a part of musical club?"

Haish! I don't know what should I write!

"Hey, Jianné!" nakailang tingin ako sa kanya. Huh? Si Rodn na naman?

"Kailan mo ba ako titigilan, huh?" galit kong sigaw sa kanya.

"Tara dito! May nakita akong club na maari mong salihan. At tamang-tama, pinaghain kita ng masarap na cupcake sa teritoryo ko." hahatakin niya na sana ako kaso biglang dumating si Chloe at nakasimangot sa aming dalawa.

"Don't be so direspectful, Mr Tolentino. Have you seen her? She is not yet done writing. At alam mo naman siguro yung policy ng school. One club per student only." Tinignan ko lamang silang dalawa at pinagpatuloy ang pagsusulat ko.

"Sige na, umalis kana!" tinataboy niya si Rodn ngunit hindi ito nagpatalo.

"And why am I leave? Bakit sino ka ba at kaano-ano mo si Jianné? Akala mo girlfriend kong makaasta!"

"She is mine and never been yours." punong-puno ng pagtataka sa mukha ni Rodn.

Umaapaw parin ang bangayan nila sa pilihan ng musical club kaya maraming tao ang nakiesyoso at yung iba naman ay kinikilig, at sinasamantala ang pagkuha ng litrato mula kay Chloe.

"Dyan na nga kayo!" Sa inis ni Chloe ay nagwalkout ito papunta sa loob ng musical room.

"Pumasok nalang po yung mga nakapagapply sa loob ng studio room para hindi po tayong magkagulo-gulo." Minuwestra niya ang kanyang kamay sa loob ng napakalaking studio room kung saan ay maraming microphone at mga instrumento na nakalagay.

"Since lahat kayo ay mga bago pa lang. Lahat kayo ay under investigation, hindi naman kayo makukulong, sumasailalim pa lang kayo sa short review. At bago ang lahat kailangan naming makita kung nasa puso n'yo ang pagkanta o pagtugtog."

Together With YouWhere stories live. Discover now