CHAPTER 2

1.4K 83 2
                                    

NEIL

Mabilis na lumipas ang araw at Biyernes na ngayong araw. Pagkatapos namin naglunch break sa school umuwi na kami sa dorm namin para iwan yung mga gamit namin.

Naka-civilian attire kami ngayon kaya pinalitan ko lang yung pantalon ko nang short pants dahil masyadong mainit. Bumaba na kami at nagmeet kaming lahat sa ulit sa lobby.

"LET'S GO!!" Sigaw ni Kurt at nauna na siyang lumabas nang building at sumakay sa kanyang kotse bago kami pumunta sa University.

Pagkarating namin sa pupuntahan namin, iniwan namin ang sasakyan ni Kurt sa labas dahil hindi daw kami pwede sa loob mag-park.

"Anong ginagawa niyo dito mga bata?" Tanong ng guard sa amin, at hinarangan ang dinadaanan namin.

Hindi na kinailangan ni Gail pa na magsalita pa at hinugot niya ang phone niya ipinakita niya ito sa guard.

Inilabas rin nang guard ang phone at itinutok ito sa phone ni Gail. Pagkatapos ay may pinagusapan pa sila bago sila pumasok. Hindi ko sila naririnig tanging ang pagbuka lang nang mga bunganga nila.

Akala ko kami lang yung nahaharang na ganito pero hindi pala pati mga ibang estudyante na dumarating may humaharang din sa kanilang mga guard.

Napatingin ako kay Gail nang maglakad na ito papalapit sa amin. "Let's go!" He said at sumunod na kami sa kanya.

Tumabi ako kay Gail sa paglalakad. "What's that thing?" I asked. I just want to feed my curiosity.

Napatawa lang siya at may pinindot sa phone niya bago niya ipakita ang isang QR CODE. "Harold sent me one last night, para daw makapasok tayo." Sagot nito. Napatango na lang ako.

Dumiretso kami sa gymnasium nila dahil doon daw isasagawa ang laro sabi ni Gail noong gabi, nakabuntot lang kami sa kanya dahil siya lang naman ang nakakaalam kung saan kami pupunta.

Nagtataka ang ilang mga college students nang makita nila kami, at may mga kumakaway pa sa amin. Nang malapit na kami  sa gym naririnig na namin ang mga sigawan ng mga tao sa loob.

It was in the middle of the second quarter already. Bigla raw kasing nagbago yung start ng game nila. I saw Harold, James, Adrian on the court, while Jin is waiting for substitution. Nakasuot sila ng marine blue jersey tapos yung mga kalaban nila nakasuot ng yellow.

Nang makaupo kami biglang napatingin sa amin si Jin at kumaway ito. Kumaway din ako pabalik. I can say that he is a very friendly.

Napa-shoot si Harold ng three points. Kaya nakalamang sila ng ilang points sa mga kalaban. Sumunod naman na naka-shoot si Adrian at doon na nagsimulang magcheer ang mga nasa likod namin.

"B-E-R-L-I-N! GO BERLIN! GO BERLIN! GO! GO! GO! GO! GO BERLIN!" Sigaw ng mga nasa likuran namin. Nagwagayway din sila ng mga blue na banner.

Nakashoot naman ng two points yung kalaban kaya, napalingon ako sa kabilang bleacher nang magsimula silang magcheer din, puro sila yellow doon sa kabila.

"MATATAPANG, MATATALINO, 'DI SUMUSUKO, KAHIT KANINO! GO, FIGHT, WIN! YELLOW TEAM!"

Parang nagiging thrill yung panonood namin dahil sa pagcheer ng dalawang kopunan. Nakisabay kaming nakisigaw sa mga blue team nang magrebound ulit si Harold.

Just Friends [Boys Love]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon