CHAPTER 14

625 42 2
                                    

NEIL

Nagising ako nang maaga ngayong araw kahit wala naman klase kasi Sabado. Sinubukan kong pumikit ulit kaso gising na gising na ang diwa ko. Napaaga rin naman ang tulog ko kagabi, kaya siguro hindi na ako makatulog pa.

Kinuha ko ang phone ko sa nightstand at binuksan ito. Nagscroll ako sa library ko sa Wattpad para maghanap ng bagong kwento na babasahin. Natigil lang sa ginagawa ko nang may mag-pop-up na notification sa phone ko.

Mabilis kong pinindot yun at nabuksan yung conversation namin ni Kate.

Katelyn: Hi, good morning! :)

Dahan-dahang lumiwanag ang aking mukha habang binabasa ang message niya.

Katelyn: Wow! Umagang umaga seen agad!

Napatawa ako at nagtype ng reply. It was already 6 am, ang aga naman ata niyang nagising? As for I know nandito na siya sa Pilipinas last week pa.

Me: Kakagising ko lang kasi. XD

Me: BTW, Good morning din!

I can't stop myself from smiling, while we were chatting. Muling tumunog ang phone ko nang may magchat sa groupchat naming magkakaibigan. It was Gail.

Gail: Good morning mga hangal!

Mark: Hangal ka din! :P

Napakagat ako sa labi ko upang pigilan ang sarili ko na matawa.

Me: Good morning!

Kurt: Lunch?

Gail: Tanga, umaga pa lang kaya breakfast.

Kurt: Wait lang lumulutang ako.

Tumatawa lang ako habang binabasa ang mga chat nila.

Gail: Wow Neil, seener yan?

Me: Hindi, ako lang to. XD

Lunes na naman pero hindi pa rin siya nagpaparamdam sa akin. Well that's better kasi hindi niya ako magagawang istorbohin. Hindi ko rin siya nakikitang online at wala rin akong balak na ichat siya.

But in my part, I still can't stop myself worrying about him. Baka kung anong gawin niya sa kaniyang sarili? He can punch me anytime he want, kill me or torture me if needed. If he's mad then let it be, it's my choice to push him away. Kasi alam ko na ako lang din naman ang maghihirap kapag hinayaan ko yung mangyari. Mas mabuti nang maging alerto bago pa may mangyaring masama.

Natigil ako sa pagiisip nang makitang may nakatapat na kutsarang puno ng kanin sa harapan ko.

"Baka gusto mong subuhan pa kita?" Natatawang tanong ni Kurt.

Dahan-dahan kong itinulak palayo sa akin ang kutsara. Umiling lang ako at tumawa.

"Kaya ko na." Sagot ko at napayuko sa pinggan ko.

"You look so not fine this past few days."

Muling tumaas ang tingin ko at napalingon ako kay Mark na nakatingin pala sa akin. I just gave him a smile.

"I'm fine." Well I'm okay physically. My mind was in a little chaos because of Luke. It's him and my guilt is bothering my mind.

Mark and Kurt raised their eyebrows on me, looking not so satisfied with my answer. I took a deep breathe, but I stopped when I saw Kurt stand up and came closer to me so he could reach my forehead. He's in the other side of the table.

"You are not heating up." Next, he put his hand on my neck. He was checking if I have a fever, I presume. "You don't have fever. But you look so not good."

Just Friends [Boys Love]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon