EPILOGUE

806 27 3
                                    

Neil

Tama nga ako in the first place. Different things happens to your life unexpectedly. Tignan mo ako I was once a no one else, tapos umusok yung pangalan ko hanggang sa maglalagablab ito sa buong school, then I came back again as a no one again.

Ang mga kaibigan ko, in the first place I thought I wouldn't be this close to them, tapos ayun nawalay sila saglit tapos bumalik din naman agad.

Si Luke, sa totoo lang I never expected  na mahuhulog ako sa kanya, pero hindi ko pala alam sa pagdeny ko sa kaniya, mas lumalalim yung nararamdaman ko para sa kanya.

Nakaraan ang ilang buwan eto na kami, nandito na kaming pito sa senior high school magkakapareho na kami ng school nila Luke pero kila Vince at Celine iba talaga ang school nila.

"Grabe parang ang bilis ng panahon." Sabi ni Amanda.

Oo napakabilis talaga, ayan meron na kaming sari sariling love life masaya na kaming lahat. Si Mark at Rose ay naging sila noon pa doon sa beach resort. Si Pan naman kakasasagot niya lang kay Kurt, at ganun din si Amanda kay Gail.

Si Rose at Pan ay may mga trabaho na yan, magkatambal sila sa isang Photoshop kasama ang mga boyfriends nila, sila Mark at Kurt din ay bihasang bihasa na sa pagkuha na ng litrato. Si Gail at Amanda naman ay meron silang milktea shop, madami namang bumibili sa kanila dahil mura lang ito and at least masarap pa.

"Oh napapangiti ka diyan?" Tanong ni Luke habang nakaakbay saakin.

"Wala natutuwa lang ako dahil sa mga pagbabago." Sagot ko.

Gusto niyong malaman kung anong bago saaming dalawa? Wala naman. Actually ako nakakapagcreate na ako ng sarili kong pera, kasi mabenta yung sinulat kong kwento. Pinamagat iyong Just Friends. Iginaya ko sa storyline namin ni Luke.

And of course my supportive and lovable boyfriend, wala siyang plano. Actually he is good in arts pati sa digital, he even made the cover of my wattpad story. Binili niya kaya lahat ng stocks ng stories ko at ibinenta ito sa mga kaibigan niya at mga schoolmates niya. Actually pinaghirapan lahat namin yun, tumutulong din siya noon sa pagsusulat ko pati ngayon.

Napakasaya namin dahil nagagawa namin ang mga bagay na gusto namin, siguro kung wala sila sa buhay ko hindi ako magiging kasaya and I'll be starting my first year in senior high school by my own.

Kamusta naman kaya sila ang kalandian kong si Vince at ang asawa nitong si Celine? Ayun magpapakasal na sila mamayang hapon tapos may plano kami.

Inagahan namin ang umuwi pagkatapos ng klase at tyaka dumiretso sa kung saan namin makikita sila Vince at Celine, pagdating namin doon nakita namin silang sobrang saya nila dahil kasal na sila. Nagsuot kami ng itim na bagay sa ulo namin yung parang mga ginagamit ng mga criminal.

Dali dali kaming sumugod, lahat kami para mas madali may pinaamoy sa kanilang dalawa para makatulog silang dalawa, parang kinidnap namin sila. Inayos lang namin ng kaunti yung resort kasi kami lang naman yung mga audience eh.

Pinalitan namin si Vince habang tulog, sa mga babae naman ay sila nang bahala kay Celine. Dinala namin sila sa buhangin kung nakaset up ang lahat, hinintay namin na magising sila.

Dali dali silang bumangon na dalawa sa buhangin, tapos pagharap nila ay nandoon na yung pari, at nagsimula na sila sa seremonya. Ako ang naging ring bearer dahil yun ang gusto ni Vince noon nang maibigay ko na ito bumalik na ako kay Luke.

"You may now kiss the bride." Sabi ni Father.

Ayun na nga at eksaktong sunset nangyari yung paghahalikan nila.

Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni Luke, habang nakatalikod ako sa kanya. "Magpakasal narin tayo?" Bulong niya.

"Ulol." Bulong ko at humalik sa pisngi niya.

Matapos ang kasal ay agad agad na kaming lumapit sa kanila.

"Thank you guys for making this day a wonderful weeding of mine." Pagpapasalamat ni Vince.

"Pakana lahat ng kalandian mo." Sigaw ni Luke, dali dali ko itong siniko sa tyan. Nagtawanan lang kami

Kasal nga sila sa papel pero ngayon kasal na din sila in a religious way kahit simple lang.

Isa isa kaming nagtanggal ng sapatos at tumakbo sa  pumunta sa dagat, tumayo kami kung saan saktong naaabot ng tubig yung mga paa namin.

"No matter our feet takes us!" Sigaw ni Celine.

"We will be forever just friends!" Sabay sabay naming sigaw.

Napayakap saakin si Vince, pero sandali lang ito at tyaka na ako yumakap kay Luke.

"I love you baby." Bulong niya.

"I love you too baby." Bulong ko pabalik.

"People will just see as just friends but in our heart we know that we are more than just friends." Sabi ni Luke.

I was about to say that line pero inunahan na niya ako, kelan man ay nahihiya kami parin ni Luke na mag-act as couples, we are more like brothers outdoor pero kapag nasa loob lang kami at kami lang magkasama mas malala pa kami kaysa sa mag asawa.

"Group yourselves into a one big family!" Sigaw ni Vince dali dali kaming nagyakapan lahat.

Hindi namin maiwasang maging emosyonal lahat."Guys this wasn't the end yet, soon we will be facing our responsibilities in life but we will always remember the friendship we made. This is not a farewell this is just a goodbye 'til next time."

-THE END-

Just Friends [Boys Love]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon