CHAPTER 33

341 17 0
                                    

Neil

"Oh mag-isa ka na naman." Bungad ni Rose.

"Bakit ka ba laging nag-iisa?" Tanong ni Pan.

"Wag niyo na akong intindihin." Sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Bakit yung mga kaibigan mo?" Tanong nilang sabay.

May mga kaibigan nga ba ako? Tsss. Umiling lang ako bilang sagot at ipinagpatuloy ko ang pagkain ko.  Matapos akong kumain ay nagpaalam na ako sa dalawa na mauna na ko at dumiretso sa library na naman wala naman akong gagawing iba.

Humiram ako ulit ng libro para mag advance reading na naman. Pagkatapos didiretso na sana ako sa classroom but there is something that catches my attention. Palihim akong pumasok sa isang CR malapit sa laboratory, kung saan nanggagaling ang ingay. Itinapat ko ang tainga ko sa pintuan nang may narinig akong umiiyak habang yung iba nagtatawanan.

Nakarinig ako nang parang sinabuyan ng tubig. Dali dali kong binuksan ito at agad na napatingin sila lahat saakin, isang babae ang nakaupo sa sahig habang pinalilibutan ng tatlong babae.

"Neil." Tawag ng babaeng nakaupo sa sahig nang maitaas niya ang ulo niya. It was Lucy.

Napatingin ang tatlong babae  saakin.
"Look who's here? The sipsip." The one girl smirked at me. "Pati pera ng mga kaibigan niya kinukuha niya."

"Anong ginagawa niyo?" Tanong ko at napatingin kay Lucy naaawa ako dahil basang basa na siya at napadumi na niya.

"We are just having fun." Sagot ng isa pang babae at binato ng itlog si Lucy.

"Tigilan niyo yan!" Sigaw ko at lumapit sa kanila.

Nagulat ako ng biglang naglabas ng kutsilyo yung naunang nagsalita na babae kanina. "Sige lumapit ka!" Pagbabanta niya at itinutok niya ang kutsilyo saakin.

Nakarinig kami ng isang kaluskos dahilan para mapatigil kaming lahat.

"Sinong tao diyan sa labas?" Tanong ng isang boses.

Nang nataranta na ang tatlong babae kinuha ko na ang chance para malapitan si Lucy, pero bago pa man  ako makalapit sa kanya ay may tumamang kung ano sa ulo dahilan para mawalan ako nang malay.

Naramdaman ko ang malambot na kama at unan, the scent around it feels like I'm in my dorm. Pagmulat ko tama, hindi ako nagkakamali, nandito nga ako sa dorm ko. Pero teka anong ginagawa ko dito? Anong oras na ba?

"Ano na? nacontact mo na ba sila?" Pamilyar saakin ang boses napatingin ako sa tabi ko nakita ko si Rose.

"Hindi pa eh. Wala ba silang kaalam alam kung anong nangyari sa kaibigan nila?" Tanong ng isa pang babae padabog itong nagpapadyak sa sahig.

Bumangon ako pero natigil ako ng biglang sumakit yung ulo ko. "Teka anong nangyayari?" Nagtatakang tanong ko sa kanila.

"NEIL?!" Gulat at sabay nilang sigaw.

"Wha--" napatigil ako sa pagsasalita ng bigla akong yakapin ni Rose.

"Buti at nagising ka." Pan asked. Tumango lang ako bilang sagot. "We're calling your friends pero walang sumasagot sa kanila."

So siya pala yung malakas na nagpapadyak padyak.

"H'wag na makakaabala lang ako sa kanila." Walang alangang sagot ko. Pero dahil sa sinabi ko ay kumunot ang kanilang mga noo.

"So are you saying that---"

"But they are your friends?" Pagsingit ni Rose kay Pan. Iniiwas ko lang ang tingin ko sa kanila.

Just Friends [Boys Love]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon